Matapos magkwento ni mama ay hinarap nya si Papa.
" So now, King Jerome Santillan. magdesisyon ka, may dugong bampira man ang anak mo alam mong may dugong tao pa rin sya, and sooner or later mauubos yun ng batang nasa sinapupunan nya. At alam mo na ang ama lang ng dinadala nya ang makapagbibigay ng kailangan nya or else mamatay ang anak mo. mamili ka. Yang pride mo o ang buhay ng anak at apo mo."
Tiningnan ni papa si mama.
"Pinatay nila ang kapatid ko." Mariing sabi ni Papa.
"Yun ay dahil may kasalanan ang kakambal mo, pumatay sya ng mga tao gamit ang pangil nya. He is a blood sucker alam mo yun, at obligasyon ng mga Montiel na parusahan ang mga katulad nya."
"Sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso sa dibdib nya mismong sa harap ko. " Puno ng galit at sakit na sabi ni dad.
"Dahil yun na lang ang option na meron sila."
"Pagtatalunan na naman ba natin to."
"Nasa sayo yun. But this time hindi na sa kung ano ang pinaniniwalaan mo ang mahalaga sa akin kundi kung ano ang makakabuti para sa mga anak ko."
Wow.. just wow... akalain mo yun pareho kaming bampira ni Matthew ang pagkakaiba nga lang may dugong tao ako na tinatawag nilang hybrid.
At mas lalong wow yung katotohanang mortal I mean imortal na mgkaaway ang pamilya namin. Pinatay ng daddy ni Matthew ang kakambal ni Dad dahil naging rogue ito matapos mabigo sa pagibig kay Tita Esther na mommy ni Matthew.
At ngayon nakakulong ako sa sarili naming bahay kung saan napapaligiran ng kapangyarihan ni papa kaya walang nakaka papasok at nakakalabas kahit pa ang iniisip namin, kaya naman hindi ko maabot si Matthew gamit ang isip ko.
Hindi rin ako makalabas dahil may mga tauhan si Papa na nakapaligid sa bahay namin. Yes may mga tauhan sya dahil isa rin syang Royal blood vampire prince na itinakwil dahil sa pagsuway sa kanyang ama ng pakasalan niya si mama.
At dahil itinakwil sya ng mga Royal blood kaya inampon sya ng mga hybrid at ginawa syang hari ng mga ito kaya sya ngayon ang Hybrid Vampire king.
At si Joshua ang kanyang itinakdang tagapagmana. Na halos isuka ng kapatid ko.
Nakakaawa ng sya kasi alam kong wala syang magagawa.
At isa pang wow, hindi kami nabibilang sa middle class family kasi ang totoo may ari ang pamilya ni papa ng pinakamalaking pharmacheutical laboratories na kalaban ng Montiel Pharma ang Corintians laboratories . Langhiya kahit sa negosyo magkaaway sila. Kaloka
Isang katok sa pinto ng aking silid ang pumukaw sa aking pagiisip. Dito kasi pumunta matapos ang magka buholbuhol ang utak ko dahil sa maka wasak katinuan na rebilasyon ng mga magulang ko.
Sinubukan kong alamin kung sino ang nasa labas ng pinto gamit ang isip ko, nagagawa ko ito noon itinigil ko lang ng na wewirdohan na ako sa sarili ko.
"Its me Genesis." Si papa kinakausap ako gamit ang isip.
"Gusto kong mapagisa Pa" Sabi ko..
"Open this door swetheart please. Kailangan nating magusap." Mahinahon na ang boses ni papa.
Gamit uli ang isip ko ay binuksan ko ang pinto ng silid ko.
Pumasok si Papa.
"Kumusta ang pakiramdam mo.?"
Nakaupo ako sa kama ko habang nakasandal sa headboard at yakap ang isang unan.
Naglakad sya palapit sa gilid ng kama ko.
"Okey pa naman." Sagot ko.
Tiningnan nya akong maiigi na tila ba sinusuri akong mabuti.
Napabuntong hininga sya hilamos ng isang palad nya sa mukha nya.
"I hate to admit it but,... you need him."
Hirap syang sabihin ang mga huling salitang sinabi nya.
"You think so.?" Iniwasa kong maging sarcastic. But i can't help it.
"Hindi ko alam kung gaano kalakas ang vampire blood na nasa sayo compare sa human blood, kaya hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal mo para suportahan ang buhay na nasa sinapupunan mo."
Bumuntong hininga si Papa.
"How about your blood di iyan na lang ang ibigay mo sa akin total royal blood vampire ka naman." Kahit naman naiinis ako dahil sa lantaran nyang pagtutol kay Matthew para sa aki , ay ayaw ko pa rin namang gumawa sya ng isang bagay na labag sa kalooban nya.
Naging napakabuting ama nya sa amin, ibinigay nya lahat ng pangangailangan namin at kahit mga luho namin na alam kong kung minsan ay imposible na ngunit naibibigay pa rin nila, noon nagtataka ako kung papano nila yun nagagawa but now alam ko na, cover nya lang yung pagiging government employee pero amg totoo Presidente sya ng Corinthians Laboratories.
"Hindi pwede, ikaw oo tatangapin ng katawan mo ang dugo ko pero ang bata sa sinapupunan mo ang sa kanyang ama ang kailangan nya kung hindi dugo mo ang sasairin nya."
"Sigurado ba kayo na buntis ako.?"
Hindi pa rin kasi ako naniniwala na buntis ako dahil wala pa naman akong nararamdamang kakaiba at kahit naman mag pregnancy test ako ngayon hindi pa yun makikita kasi mahigit 24hrs pa lang mula ng may mangyari sa amin ni Matthew.
"Hindi pa nagkamali sa pagbasa sa hinaharap ang Vampire Queen Esther."
Oo nga.pala si Tita Esther ang nagsabing buntis ako at ayon kay Matthew nakikita ni nya ang nakaraan at ang hinaharap.
"Okey... what now.?"
"Inalis ko ang kapangyarihang nakaharang sa paligid ng buong bahay pwede mo ng gamitin ang mindlink mo kay Montiel."
"Anong Mind link.?"
"Yang isip mo, inalis ko na rin ang nakaharang sa isip mo kaya mababasa nya na ang iniisip mo kung pahihintulotan mo sya."
"Papano kung ayaw kong makita nya ang laman ng isip ko."
"Ikaw ang may hawak ng sarili mong pagiisip, ikaw ang makakapagpasya kung ano ang gusto mong mangyari, mag concentrate ka lang at isipin mo kung ano ang gusto mong mangyari at magagawa mo yun. Thats a vampire power na namana mo. "
Tumingin ako sa mga mata ni Papa.
Gamit ang mindlink ay tinanong ko sya kung pwede kong puntahan si Matthew.
"No... sya ang papuntahin mo rito, mas gusto kong nasa teretoryo natin sya kaysa sa ikaw ang nasa teretoryo nila. dito mababantayan kita at nakatitiyak akong ligtas ka."
Alam kong mahirap para kay Papa ang desisyong yun ngunit ginawa nya para sa akin, dapat lang siguro na sundin ko naman sya ngayon.
Pagkalabas ni Papa ay naupo ako na parang Budha sa ibabaw ng kama ko.
Sinubukan ko ang Mind link na sinasabi ni Papa.
I think of nothing but Matthew.
"Matthew Montiel." Tawag ko sa kanya.
"Hey baby... Nararamdaman na kita ngayon nakikita ko na rin ang iniisip mo. I can see that youre happy. Why is that." Pilit nyang pinasigla ang boses nya ngunit ramdam ko pa rin na malungkot.
"Puntahan mo ako."
"Dyan sa bahay nyo.?"
"Yes."
"Baby hindi sa ayaw ko okey, pero gusto ko pang makita ang magiging anak natin ayaw ko pang mamatay." Pagaalinlangan sa isip nya pero masaya sya, takot lang sya kay Papa.
Ang dakilang Matthew Montiel takot sa papa ko.
"Hey pinagtatawanan mo ba ako. I respect youre dad kahit pa patayin nya ako hindi ko sya lalabanan kasi Papa mo sya."
"Don't worry, sya mismo ang nagpapapunta sayo. So ano pupuntahan mo ba ako o hindi.?"