Mag aalas singko na ng hapon, muli akong tumingin sa loob ng opisina ni Mr. Montiel, nakita kong tumayo sya at may kinuha sa personal refrigerator na nasa loob ng opisina nya. May kinuha sya rooong isang bote at uminom mula roon napaka hot nyang tingnan habang umiinom mula sa bote para syang model ng isang energy drink. Inistraight nya ang laman niyon bago itinapon sa basurahan.
Bigla syang tumingin sa gawi ko, nahuli nya akong nakatingin sa kanya, mabilis akong nagbaba ng tingin at nagkunwaring may ginagawa sa computer ko.
Pakiramdam ko ay naginit ang mukha ko dahil sa nangyari, baka isipin nya pinagnanasaan ko sya, nakakahiya.
Tumunog ang intercom sa ibabaw ng mesa ko, umilaw ang button na may nakasulat na door, ibig sabihin may tao sa labas ng office ko.
Pinindot ko ang button.
"Come in" sabi ko.
Bumukas ang pinto at pumasok doon ang nakakunot ang noong si Marcus.
"Anong ginagawa mo dito.?"
Nagkibit balikat ako.
"Ginawa akong Excecutive Assistant ng Presidente."
Nakita kong naikuyom niya ang kanyang kamao.
"Asshole.!" Pagmumura nito, at mabilis itong naglakad papasok sa opisina ng kapatid nya sa connecting door na ito dumaan. Napalakas ang pagkakabig nya ng sliding door ng isara nya ito kaya naglikha ito ng malakas na tunog na nag paangat sa ulo ni Matthew Montriel.
Sound proof ang opisina ng presidente kaya hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila.
Pero base sa nakikita ko, galit na galit si Marcus, habang kalmado lang na nakaupo sa kanyang upuan si Matthew at pinaglalaruan ang kanyang gintong sign pen sa daliri nya.
Tumingin si Matthew sa kapatid nya at may sinabi ito. Biglang umangat ang kamao ni Marcus susuntukin nya sana si Mathhew pero nahawakan sya ng huli sa pala pulsohan. May kinuha ang presidente sa ibabaw ng kanyang mesa na parang isang remote control at iniharap iyon sa akin, habang hawak pa rin ang kamay ng kapatid.
Biglang nagbago ang kulay ng salaming dingding sa pagitan ng opisina namin nawala sa paningin ko ang dalawa at napalitan iyon ng sarili kong repleksiyon. Noong una ay nagulat ako at hindi ko naintihan kung ano ang nangyari at kung bakit ako napunta sa kabilang panig ng silid at bakit nakikita ko ang sarili ko. Napapikit ako at pag dilat ko noon ko lang narealize na nakatingin pala ako sa napakalaking salamin at ang nakikita ko roon ay ako at ang loob ng opisina ko.
Hindi ko alam na pwede palang palitan ang dingding na yun gamit ang isang remote control, na pwede pala akong magtrabaho na hindi ko nakikita si Matthew Montiel at hindi nya rin ako nakikita.... hindi nga ba.? baka naman two way mirror yun.
Kinakabahan ako ng husto. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kabila, sigurado akong nagaaway sila. Baka nagpapatayan na ang dalawang yun.
Hindi ako mapakali. Nagpalakad lakad ako, pabalik balik ako sa pinto, pilit kong pinipigilan ang sarili ko na buksan iyon at tingnan kung ano ang nangyayari sa dalawa, way magkapatid yun, ayaw kong makialam.
Pero baka kung ano ng nangyayaari sa kanila.
Hinawakan ko ang pinto. Bumuntong hininga ako.
May narinig ako kumalabog mula sa loob ng silid mahina lang yun dahil sound proof nga ang silid subalit biglang sumikdo ng malakas ang dibdib ko.
Bahala na.
Kinabig ko pabukas ang pinto, muntik na akong mapasigaw ng makita ko si Marcus hawak sa leeg ni Matthew habang nakadikit ito sa dingding, nakaangat ang mga paa nito sa sahig at mukhang nahihirapan na itong huminga.
