Kasama si Barbie ay nairaos ko ang weekend ng matiwasay, at hindi bumabagsak ng husto ang emosyon ko.
Lunes panibagong pakikipagbaka para sa akin hindi sa bigat ng trabaho kundi sa bigat ng kalooban.
Isa sa nanguna sa schedule ko ay ang pag punta sa laboratoryo kung saan ginagawa ang mga gamot ng MPL para i check ang production.
Maaga pa ay pumumta na ako doon para makabalik agad ako sa opisina kung saan mas maraming trabahong naghihintay sa akin.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng gate ng laboratoryo ay sinalubong na ako agad ng napakahigpit na security, kahit ako ay nahirapang makapasok.
Maraming tinawagan ang security bago ako pinayagang makapasok.
Madals akong pumupunta doon pero ngayon lang nangyari na nahirapan akong makapasok, dati rati sasakyan ko pa lang ang nakikita ng gwardiya ay binubuksan na nila ang gate. Pero ngayon parang may nararamdaman akong tensiyon na hindi ko mawari.
Pagpasok ko pa lang sa main building ay may sumalubong na sa aking mga gwardiya.
"Maam sumunod po kayo sa amin." Sabi ng isa sa mga ito na mukhang syang lider.
"Bakit sir may problema ba.?"
"Sorry maam pero hindi po namin masasagot ang tanong mong yan. Sumunod na lang po kayo sa amin."
Nagtataka man ay sumunod na rin ako sa kanila.
Sa loob ng isang opisina sa pinaka itaas na palapag ng laboratoryo nila ako dinala.
Naandun si Sir Levi at si Marcus.
"Mr. President sir." Pagbigay galang ko kay Sir Levi.
"Sir Marcus." at kay Marcus.
"Hindi ka dapat nagpunta dito Gene." Sabi ni Marcus.
"Sorry sir, naka schedule kasi akong mag check ng production ngayon."
"We have to make her safe." Sabi ni sir Levi na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy,
"By all means sir." Sagot ni Marcus.
May kumatok sa pinto ng Opisina.
May pinindot na remote si Marcus na unlock ang pinto.
Pumasok si Doc. Enzo.
"Anong final assestment.?" Si sir Levi.
"Sir nawala lahat ng stocks ng Genesis sa lab." Sabi ni Docm
Napasinghap ako sa narinig ko.
Magkakasabay na napatingin sa akin ang tatlong kasama ko sa silid.
"Miss Santillan, youre here." Tila nenerbiyos na bati nya sa akin.
"Yes Doc. Doc anong ibig mong sabihin na nawawala lahat ng stocks ng Genesis sa lab.?" Tanong ko sa doctor.
"Ah its nothing Gene." Sabat ni Marcus.
"Sir alam ko kung ano at kung para saan ang Genesis."
Humakbang papalapit sa akin si sir Levi.
Nakatingin sya sa mga mata ko.
Nakatingin din ako sa mga mata nya, unti unting nagiba ang kulay ng kanyang mga mata hanggang sa naging kulay dugo iyon.
"Dad..... Stop." Saway sa kanya ni Marcus.
"Youre Highness. Wag...." Si Doc.
Tumigil sya sa tapat ko pero nanatili syang nakatingin sa mga mata ko, at ako ganun din hindi ako sumuko nia hindi natakot.
At unti unti ay may nakita akong mga pangyayari sa isip ko.
Si Matthew sinasaktan ng daddy nya, yun ang eksenang huling nangyari bago nagbago ang lahat.
"Baby...." tawag niya sa akin habang hawak hawak sya ng daddy nya at ng dalawang kapatid nya.
"Ilayo nyo sya sa kanya, ibalik sya sa bahay nya at burahin sa alaala nya ang lahat mula ng makilala nya ang first Prince." Utos ni Sir Levi kay Marcus at Tita Esther.
"Wag... wag na wag nyong gagawin yan, magkakamatayan tayo oras na pinakialaman nyo sya." Galit na galit na sabi ni Matthew.
"Tumigil ka! yun ang mas makakabuti sa kanya, lalo na sayo at sa lahi natin. Masyado ka ng napasa ilalim sa pagmamahal mo sa kanya. Naging kahinaan mo na sya at alam mong mapanganib yun hindi lang para sayo at sa lahi natin kundi lalot higit sa kanya. Ikakapahqmak nya ang labis na pagmamahal mo sa kanya, gagamitin sya ng kalaban natin laban sayo, sasaktan nila sya para saktan ka, papatayin sya para mapatay ka gusto mo ba yun.?" Galit na galit na sabi ng daddy nya.
"Kaya ko syang protektahan, kung kikailangang itaya ko ang buhay ko para sa kaligtasan nya gagawin ko manatili lang sya tabi ko."
"Yun mismo ang punto ko Matthew Montiel. Isasakripisyo mo ang buhay mo para sa kaligtasan nya papano naman ang mga kauri natin na umaasa sayo. Matthew ikaw ang susunod na hari lahat ng masasamang bampira ay gusto kang patayin dahil alam nila kung gaano ka kalupit sa mga tulad nila, ngayon pa nga lang na prinsepe ka pa lang ay ipinakita mo na sa kanila kung ano ang mga kaya mong gawin sa kanila kung gaano ka na kalupit sa kanila papano pa kaya kapag naging hari ka na. Kaya ngayon pa rin lang ay gagawin na nila ang lahat para pigilan ka at magagawa lang nila yun kapag napatay ka nila and when they found out that Genesis Santillan is the easyest way to come to you ano sa palagay mo ang gagawin nila."
Biglang nagbago ang eksena sa isip ko, napunta iyon sa loob ng aking silid tulog na tulog ako habang nakahiga sa tabi ko ang isang lalaki si Matthew, Masuyo nyang hinahaplos ang buhok ko then ang pisngi ko panakanaka nya akong kinikintalan ng halik sa noo sa pisngi sa labi.
Sa isang eksena naman ay nakita kong nakatayo sya sa gilid ng aking kama at tinitingnan ako ng buong pamamahal, i can see love ang lust in his eyes pero alam kong pinaglalabanan nya yun. Kinuha nya ang kumot at kinumutan ako ng maayos.
Biglang lumitaw sa tabi nya ang daddy nya.
"You can watch her sleep but you can never take her Matthew. wag mong sayangin ang pinaghirapan mo para protektahan sya."
"You know i trying my best dad. Kahit pa gustong gusto ko na syang angkinin pinipigilan ko ang sarili ko kasi sabi mo ito ang makakabuti. So please sinusonod ko naman lahat ng gusto nyo kaya hayaan nyo na akong gawin to. Gusto ko syang bantayan gusto ko syang makasam kahit sa pagtulog lang."
"Hahayaan kita sa ngayon pero alam mo na kailangan mong itigil to sa lalong madaling panahon."
"Alam ko."
Bigla ay parang may malakas na pwersa na nagtulak sa akin palabas sa kung saan.
Parang bula na Naglaho ang mga eksena na nakikita ko sa aking isip.
"Dad./Sir." Narinig kong magkapanabay na sabi nina Marcus at Doc at Dinaluhan nila si Sir Levi na tila nahihilo.
Doon ako biglang natauhan.
"Dad anong nangyari.?" Nagaalalang tanong ni Marcus.
Umiling si Sir Levi. Muli syang tumingin sa akin.
"Anong nakita mo.?" Tanong nya sa akin.
PRETEND
"Nothing Sir. Bakit may dapat po ba akong makita.?"
Muli syang umilng.
"Marcus ihatid mo na muna sya sa main building."
"Yes Sir."
Nginitian ko sila. Bago ako nagpaakay kay Marcus palabas ng silid.
Now I know the Name of the Game PRETEND...
I will make sure to play well for Matthew.