Ayan na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko, pero kailangan kong kumilos ng normal kahit ang totoo nanginginig ang buong katawan ko.
Sa loob ng elevator ay nasa gitna ako ng dalawa, pakiramdam ko hindi ako makahinga, gusto ko ng makalabas na sa maliit na silid na yun para kasing mauubusan na ako ng hangin, ngunit tila napakabagal naman ng pagusad ng elevator. Yumuko na lamang ako at pumikit.
The moment i close my eyes, ay nagiba ang pakiramdam ko, tila ba ay napunta ako sa kawalan kung saan walang ibang taong naroroon kundi ako at si President Matthew Montiel. Nasa likuran ko sya nakatayo, kahit hindi ako lumingon alam kong sya yun, kasi yung amoy nya ay bumabalot sa akin, at dahan dahan ay naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin mula sa likuran, ang isang bisig nya ay nasa may tiyan ko habang ang isa naman ay nasa itaas ng dibdib ko, napakainit ng yakap nya na nanoot sa bawat himaymay ng laman ko. ang bilis ng kabog ng dibdib ko, dahan dahang bumababa ang ulo nya sa balikat ko ramdam ko ang kanyang mainit na hininga sa gilid ng leeg ko sa ibaba ng tainga ko, naka coat ako at natatakpan niyon ang balikat ko pero naramdaman ko ang pagdampi ng mainit nyang labi sa balikat ko, kung papano nangyari yun hindi ko alam, pinigilan kong mapangsinghap dahil sa kakaibang sensasyong hatid sa akin ng mga labi nyang nakadantay sa balikat ko.
The feeling is familiar. Naglakbay ang labi nya paakyat sa gilid ng leeg ko, may gustong kumawalang impit na ungol sa lalamunan ko.
"Stop it Matthew!"
Bigla akong natauhan sa pagsigaw ni Marcus.
Bigla ring nawala ang mga bisig na nakayakap sa akin, kaya bigla akong nawalan ng balanse dahilan para muntik na akong matumba.
May mga bisig na biglang yumakap sa akin.
"Gene.... okey ka lang.?" Si Marcus.
Napatingin ako kay Matthew. Nakatayo lang sya sa kabilang panig ng elevator, ni hindi sya gumalaw mula sa pagkakatayo nya kanina.
Noon ko lang narealize nanaginip na naman ako.... ng gising.
"Gene...."
"Ah yes.... okeg lang ako."
"Mukhang pagod na pagod ka na, nahilo ka ba, muntik ka na kasing matumba."
Sabi nya na hindi naman sa akin nakatingin kundi sa kapatid nya na nakakuyom ang mga kamao at matalim ang tingin sa bisig ni Marcus na nakayakap sa akin.
Umayos ako ng tayo.
"Ah yes.... okey lang ako... nahilo nga lang ako."
"Mas lalong kailangan kitang ihatid, hindi ka pweding magmaneho ng ganyan ka baka madisgrasya ka."
Eksakto namang bumukas ang pinto ng elevator, naunang naglakad palabas ang presidente.
"Ipahatid mo sya sa company Driver."
Walang lingong likod na utos nito kay Marcus.
"No... ako ang maghahatid sa kanya." Matigas na sabi ni Marcus.
Biglang tumigil si Matthew at matapang na hinarap si Marcus.
"My rules marcus not yours.... ang company driver ang mag hahatid sa kanya."
Nagsukatan ng matalim na tingin ang dalawa.
"No i'm fine really, hihintayin ko na lang si Barbie para syang magdrive para sa akin, malapit na naman daw syang matapos sa ginagawa nya." Sabi ko na nakatingin kay Matthew.
"Then call her now, tell her to stop whatever shes doing and drive you home.... and when i say now it means within a minute. Kapag lumipas ang isang minuto at wala pa sya rito, wag na syang pumasok bukas. Because shea fired."
