"Anong nangyari sa hindi ako pweding makita ni Genesis, na hindi nya pweding malaman na nag eexsist ako kasi mapapahamak sya.?"
Mapang asar na sabi ni Matthew kay Marcus.
Yes dumating sya ilang minuto lang matapos kong magconcentrate at sabihin sa kanya na pumunta sya sa condo namin na gamit lang ang isip.
Hindi ko alam kung papano ko yun ginawa, but i find it amazing.
"Alam mong hindi ako ang may gusto nun kundi si Dad, dapat nga magpasalamat ka pa sa akin kasi hindi ko sinabi kay dad na hindi tumalab kay Genesis yung spell."
"Bakit nga ba hindi mo sinabi sa kanya.?" Nanghahamong tanong ni Matthew.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa magkapatid.
Nagaaway ba sila.?
"Kasi akala ko ipaglalaban mo sya, kasi mahal mo sya yun pala hahayaan mo lang syang umiyak araw at gabi. Ang gago mo.!" Galit na sabi ni Marcus.
"Hep wait." pumagitna na ako sa dalawa kasi nakita kong nanlilisik na naman ang mata ni Matthew.
"Kayo bang dalawa ay nagkita lang dito para magaway ha.? Hoy baka nakakalimutan mo na naghihingalo ang kaibigan ko, baka gusto nyong unahin sya bago yang mga isyu nyo."
Magkasabay na napatingin ang dalawa kay Barbie. Agad itong nilapitan ni Marcus.
"Tulungan mo sya." Utos ni Marcus kay Matthew.
"What.. bakit ako.? Bakit hindi ikaw.?"
"Hindi ako pwede."
"At bakit hindi.?"
"I take a shot of Genesis at delayed ang reaction sa akin. Nagyon pa lang gumagana sa akin ang gamot."
"What...wag mong sabihin na hindi ka na nakapaghintay na gumana yyng gamot bago mo sya inangkin. At tsaka papanong nakapag inject ka ng Genesis eh di ba nawawala lahat ng stocks ng gamot na yun." Magkasalubong ang kilay na sabi ni Matt.
"Fuck Matthew.. pwede ba mamaya na lang ako magpapaliwanag sayo. Pwede ba bigyan mo na muna sya ng dugo mo bago ka magtanong ng magtanong dahil oras na may nagyaring masama sa kanya ako mismo ang papatay sayo."
"Asshole." Galit na sabi ni Matthew bago ito pumwesto sa harap ni Barbie.
Tiningnan nito ang sugat sa leeg ng kaibigan ko.
"Its healing, kagatin mo uli."
"What.?" Magkasabay naming sabi ni Marcus.
"Anong what.? Alangan namang ako ang kumagat dyan.... gusto mo.?"
"Patayin kita gusto mo rin." Sabi ni Marcus at lumabas ang ang pangil nito at kinagat nyang muli ang naghihilom ng sugat ni Barbie, bago nya hinatak ang braso ni Matthew at kinagat din iyon.
"Aw shit.! ang sabi ko si Barbie ang kagatin mo bakit pati ako. Kaya kong gawin yun sa sarili ko." Pagpoprotesta ni Matthew.
"Para mahaloan ng laway mo ang dugong isasalin mo sa kanya.? .... ikaw ba gusto mo ring lawayan ko si Genesis."
"Eh kung ang dugo mo kaya ang sairin ko."
Biglang hinila ni Marcus ang braso ni Matthew na may sugat at itinapat iyon sa leeg ni Barbie na may sugat din.
"Mahal ang dugo ko. Royal blood yan."
"Royal blood din ako kung gusto mo sipsipin mo rin ang dugo ko para amanos na tayo."
"Gago para kay Genesis lang ang pangil ko."
Naiinis na natatawa ako sa magkapatid, panay kasi ang pagtatalo ng dalawa.
Isang patak lang ng dugo ni Matthew ang ipinatak nito sa sugat ni Barbie.
Pagkatapos diniinan nya lang ng daliri ang sugat sa braso nya pagkalipas ng ilang segundo ay natigil na ang lagdurigo niyon.
Ganun din ang ginawa ni Marcus sa sugat ni Barbie, pagkatapos binuhat nya na ito para dalhin sa silid nito.
Naiwan kami ni Matthew sa sala.
Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin din sya sa akin.
Matagal na naghinang ang mga mata namin bago nya ako hinapit sa beywang at siniil ng halik.
Agad ko naman iyong tinugunan.
"I miss you." Bulong nya sa akin matapos ang mahihiy isang minutong french kissing.
"Agad agad."
"Yes."
"Bakit wala ka na kanina pagising ko.?"
"Kailangan king umalis ng maaga para walang makapansin sa akin na galing ako dito. Maraming tauhan si dad na naka bsntay sa loob at labas ng building. Kaya kailangan kong magingat.." Paliwanag nya habang iniipit sa tainga ko ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa mukha ko.
"Ano ba kasi ang problema mo sa akin. Kung ayaw nya sa akin dahil tao ako eh di gawin mo akong bampira."
"No... thats the last thing in my mind, hindi ako papayag na maging kauri ka namin."
"But why.?"
"Because I want a different life for us. Ayaw kong kaladkarin ka sa klase ng pamumuhay meron ang mga katulad namin, 125 years na akong nabubuhay sa mundong ito Gene at buong taon ng buhay ko, hindi ako naging masaya, ngayon lang na nakasama kita, sa mundo mo sa mundo ng mga normal na tao. Buong buhay ko nakikipaglaban ako para sa kauri ko.... nabubuhay ako para sa mga kauri ko, but when i found you nagbago ang lahat, nabubuhay ako ngayon para sayo, nakikipaglaban ako ngayon para sayo. At alam yun ni Dad at hindi nya yun gusto, bata pa ako sinanay nya na ako para maging susunod na hari ng mga bampira at buong puso ko yung tinanggap noon pero ngayon ayaw ko na, mas gusto ko ng maging katulad mo para makasama kita sa mundo mo."
Dama ko ang emosyong pilit nyang itinatago. Alam kong ayaw nyang magpakita ng kahinaan sa akin.
Pero nararamdaman ko yun hindi ko alam kung papano basta nararamdaman ko ang nararamdaman nya.
"Matthew... ayaw kong maging dahilan ng hindi ninyo Pagkakaunawaan ng daddy mo. Hindi mo kailangang magsakripisyo para sa akin."
"Wag mong sabihin yan. gagawin ko ang lahat para sayo para makasama ka lang. Mahal na mahal kita Genesis. For ten years pilit kong nilabanan ang damdamin ko sayo. Hindi ko na kaya. kaya hayaan mo na akong mahalin ka."