Abot abot ang kabang aking nararamdaman, daig ko pa ang isasasalang sa bitay.
Ako daw ang mahalagang bisita na hinihintay ng lahat. Bakit ako.
Bago ang pinto ay may limang baytang na hadan na kailanganv akyatin.
Pagapak namin sa huling baytang ay humigpit ang hawak ni Mathew sa kamay ko.
Bumilis ang sikdo ng dibdib parang naramdaman ko na kinakabahan din sya.
"Genesis, Hindi man ako tulad ng inaakala mo, hindi man ako ang lalaking pangarap mo pero sisikapin kong maging mabuting tao para sayo." Puno ng damdaming sabi nya.
"Hindi ka tao." Pabulong ngunit medyo may kalakasang sabi ko sa kanya.
Ngumiti sya, pakiramdam ko ay lumuwag din ang dibdib ko.
"Okey bampira." Nakangiti pa rin sya.
May sasabihin pa sana ako ng dahandahang bumukas ang magkabilang dahon ng pinto ng mala palasyong bahay ng mga montiel.
Nakahilira sa loob ang mga unipormadong kasambahay at mga lalaking tauhan nila na hindi ko mabilang sa dami.
Namangha ako ng husto sa nakita ko sa loob ng bahay, kung gaano ka moderno ang labas niyon ganun naman ka sinauna ang loob niyon.
Para akong pumasok sa spanish era, unang nakatawag sa pansin ko ay ang paikot na hagdan sa gitna ng sala, makaluma ang desinyon niyon ngunit napakaganda, ang mga kasangkapan at furniture ay maituturing ng milyong peso ang halaga dahil sa mga antique na iyon at mapapansin mong hindi iyon mga imitation kundi mga tunay.
"Maligayang pagdating 1st Prince...... Miss Genesis..." Sabay sabay na bati ng mga ito at yuko sa amin.
Taas noo namang naglakad si Matthew sa gitna habang hawak hawak ako sa beywang.
Sa dulo ng white carpet ay ang mga magulang ni Matthew si Marcus Elizabeth at tatlo pang lalaki ang dalawa ay may katabing mga babae na mukhang mga girlfriend nila.tapos may medyo may edad ng lalaki at babae din mukhang magasawa sila kasi naka akbay yung matandang lalaki sa matandang babae.
And all of have one thing in common. Magaganda at mga gwapo sila.
"Wow shes beautiful." sabi ng isa sa mga kabataang lalaki na walang kasamang girlfriend habang nakatingin sa akin.
"And shes mine." Sabi ni Matthew.
"Possisive jerk."
"Asshole." Si Matthew.
Bigla ko syang siniko sa sikmura.
"Sorry baby." Bulong nya sa akin.
"Shit ni sa panaginip ay hindi ko nakita ang 1st prince na may tatawaging baby parang gusto kong magpabunot ng pangil."
"Enough Luke." Saway ng mommy ni Matthew.
"Genesis iha.. welcome to Montiel's palace. Sila ang mga kaoatid ni Matthew who is the eldest and the 1st prince, next to him is Marcus who is a friend of yours the 2nd Prince, Samuel the 3rd prince and his girlfriend Hana, Luke here is the 4th prince and Elizabeth the only princes and Youre sir Levi the Vampire king and I'm his Queen Ester. And sila naman mama at papa ko. " so lola at lolo pala ni Matthew ang magaasawang matanda pero mukhang hindi pa naman sila mga matatanda.
Mga bampira ng pala sila mga hindi tumatanda.
So they are the Royal Blood Vampire family.
Wow nasa twilight ba ako.? Pakiramdam ko kasi ako si Bella at si Matthew si Eduard.
Yun nga lang mas maganda si Bella kaysa sa akin pero mas gwapo si Matthew kaysa kay Eduard.
Matapos ang pagpapakilala ay nagtungo kami sa napakalawak na garden sa likod ng palasyo kung saan may olymphic size na swimming fall.
