Chapter 1

41.4K 547 9
                                    

Dedicated to: @cutesasa

Why do earth is so unfair? Kung bakit ba kasi lahat ng kamalasan ang dumadating saakin? Why do I have to be like this?

iniisip ko nalang siguro kasi para sa susunod bibiyayaan ako ng panginoon ng higit pa sa nararamdaman ko ngayon.

Well let me tell you about myself, I am typically poor ,simple ,walang ka pera-pera kung bakit ba kasi sa tuwing nag aaply ako sa trabaho eh hindi ako matanggap tanggap? Maganda naman ako, mahinhin masyado? Siguro,oo madaldal ako, pero Maria Clara ito.

Hndi ko alam kung ano problema nila sa akin kasi ako wala nama--

"Hoy Alex! Lumabas ka diyan sa lungga na hindi naman sayo, bayadan mo na yung renta mong tatlong buwan mo nang di nababayaran!" si aling Tin talaga,  palagi niya nalang akong pinapahiya. Hays.

"Aling Tin naman sinabing hindi pa po ako nakakahanap ng trabaho eh, tsaka ano ba kayo? Wag nga kayo masyadong mag paka stress tatanda kayo ng maaga eh, ang bitter niyo po"

Minsan pag di ako naka pag bayad eh dinadaan ko nalang sa pa charot charot si Aling Tin.

" Jusko! Bata ka hindi ko na alam ang gagawin ko saiyo! pwera magbayad ka na, ilang  buwan ka ng hindi nagbabayad ng renta mo"

Hindi ko alam pero kahit ang tanda niya na nag papaganda pa, gagamit pa ng kung ano ano. Echuserang matandang may rough road sa mukha.

Ba't di nalang siya gumaya saakin? hindi na kailangan ng make up, hindi na kailangan mag ayos ng buhok. Well since birth na itong aking kagandahang taglay.

"Aling Tin mag aaply po ako mamaya sa Velasquez Company ayun ay kung matatanggap ako tsaka yaan niyo makaka bayad din ako kahit may advance pa promise" sabi ko sa kaniya.

"Nakung bata ka. Oh siya. " agad di naman siyang tumalikod.

"Ang hirap ng ganitong buhay a." sabi ko nalang tsaka nag handa para sa pag alis ko. May nakita kasi ako sa dyaryo na naghahanap daw ng bagong sekretarya yung kompanya nila eh wla naman akong trabaho kaya mag babakasakali na ako.

Sobrang hirap maging strong and independent. Yung tipong tatlo na nga lang kayo ng mama at papa mo, sa kasamaang palad binawi pa ng nasa taas. Pero okay lang. Life has always a purpose. Hindi binigay ng Diyos ang problemang yan sayo kung hindi mo kaya.

For 5 years of being alone. Nasanay na ako. Naibenta ang bahay namin dahil wala akong pera para ipalibing kay mama at papa.

I was so happy that time kasi aalis kami. Papasyal kami icecelebrate namin ang birthday ni mama. Pupunta kami sa magarang kainan.

Nasa backseat ako at nasa front seat naman si mama. Syempre si papa yung nag drive. We were singing along while nag da drive si papa. Ang saya ng araw nayon. Sobrang saya.

Pero lahat ng saya, may kapalit na sakit.

Tumingin sa akin sa papa sa likuran at hindi niya na malayang kumalewa ang manobela. Huli na nang maapakan niya ang preno dahil nilamas na ng malaking sasakyan ang kotse namin.

Nagising ako sa ospital. Sobrang depressed ako ng malaman kong wala na sila. Parang ayaw ko nang mabuhay. Ano pang silbi ko sa mundo kung yung dalawang taong lakas ko ay sabay na umalis.

Kinausap ako ng tiyahin ko at sinabing wala kaming pera. Kaya kahit masakit sa loob kong ibenta ang ka hulihulihang remembrance ng mama at papa ay wala akong magawa kundi ibenta to at igastos sa panglibing nila.

Ang sobra ang binigay at pinaipon saakin ng aking tiyahin para makapag tapos ako ng pag aaral.

Naging working student ako. Part time job sa isang fastfood chain. Hindi ko iniinda ang pagod kasi kailangan ko ng pera.

Umalis ako sa puder ni tita Leni, ayoko nang dumagdag pa sa kaniyang mag inaalala. Mabuti naman ang trato nila saakin pero ako mismo ang nagpaalam na umalis dahil ayoko nang sa kanila umasa.

Ubos na ang perang pinagbentahan ng lupa.

I need to be strong and independent woman para makamit ko ang pangarap ko. I will see my mom and dad soon. Kasi alam kong lahat tayo nagtatapos sa kamatayan.

At ngayon kailangan ko nang mag prepare at pumunta sa VGC. Kailangan ko to at makukuha ako sa kompanyang 'to.

Sa mga panahong ako nalang ang mag isa, madami akong natutunan sa buhay. Kung paano tumayo sa sariling paa, paano bumangon kapag nadapa ng ilang beses, paano maging malakas ng mag-isa at kung ano ano pang mga kailangan kong gawin para manatiling matibay bilang isang tao.

Naiwan man ako, pinapangako ko naman kay mommy at daddy na tatapusin ko ang laban ko.

Hindi kami mayamang pamilya, hindi rin naman mahirap. Kumbaga nasa gitna kami ng buhay at sakto lang para makakain tatlong beses sa isang araw. Na e provide din ng mga magulang ko kung anong pangangailangan ko bilang anak nila.

You need to be strong Alex, challenges lang yan sa buhay.

Pumasok na ako sa sira sirang cr ng inuupahan ko para makapag handa at maka punta na sa Kompanyang susubukan kong makapasok.

Ayoko nang ganitong buhay, yung nag titiis sa sira sirang tirahan at ang mahal pa ng singil ng matandang balakubak ang mukha.

Humanda ka pag ako nagka pera Aling Tinyang at ipaparamdam ko sayo ang ganti ng isang api! Charot

Kaya ko to

Pag aassure ko sa aking sarili. Kinaya ko ngang mag isa sa loob ng limang taon diba? Ngayon pabang naka graduate ako at marunong nang tumayo sa sarili kong mga paa?

I am Alex Montecort, and I was raised to be confident and independent woman, na hindi kailangan ng man pero kailangan ng kasama kapag tatawid sa daan.


END OF CHAPTER

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon