Chapter 19

15.3K 301 8
                                    

Nang maka upo na ako ay agad ako inusisa ng tatlo.

"Bakit may sasakyan ka?" Tanong ni Denny.

"Hindi akin yan" pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Ladies, mag order muna tayo bago tayo mag-usap." Pag iinterupt naman ni Queenie sa kanila.

Sa kanilang tatlo ay si Queenie ang lubos na nakaka kilala sa akin at siya rin ang may alam ng lahat ng problema  ko sa buhay. Masasandalan ko silang tatlo pero ayoko namang lahat sila ay mamroblema sa problema ko dahil may kaniya-kaniyang problema ang mga tao at ayaw ko nanag madagdagan ko pa ang sa kanila.

Umorder naman kami ng pagkain at habang kumakain ay pinaliwanag ko sa kanila ang nangyari. Alam kong magugulat sila pero hindi ko alam na ganito ka arte si Joshua mag react sa mga nangyayari.

"Like O to the M and to the G! So you mean you are married now? At hindi man lang namin iyon nalaman?" Tanong niya.

"Kaarte mo Joshua, syempre may sekreto bang dapat ibunyag?"

Well Denny has a point, sekreto nga diba at tanging ang mga kaibigan lang ni Felix ang nakakaalam nong mga panahong iyon.

"So anong plano mo ngayon?" Queen

"Go with the flow, tsaka maayos naman siyang kasama at mabait siya"
Sabi ko.

"Magkasama ba kayo sa isang kwarto?" Tanong ni Joshua. Alam niyo na ang mga utak ng mga bakla, siyempre diyan talaga sa usaping yan mapupunta ang lahat.

"Hindi"

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin at chance ko na to para ma dagdagan ang sinasabi ko.

"Pangarap ko nga e"

Humagikhik ako ng konti at narinig ko ang hiyawan nilang  tatlo sabay hampas sa akin. Tinitignan kami ng mga tao dito.

"Ayown! Edi gapangin mo kapag gabi!"

Suggetion yan ni Denny. Napa nga-nga ako. I didn't expect na manggangaling yan sa bibig niya dahil sa aming apat, alam kong siya ang pinaka inosente at ang pinaka mabait.

Bigla akong tumawa ng malakas at agad naman ulit kaming humingi ng tawad sa mga bilang tumingin, baka mamaya palayasin kami rito.

"Coming from you Den? At saan ka naman natutong magsalita ng ganiyan?" Pagtataray ko.

"Dai, hindi na tayo mga bata." Sagot niya.

Lumipas ang oras at napag pasyahan na naming umals doon bago pa kami tabuyin ng mga nandoon dahil kaingay namin.

Napag pasyhan naming pumunta sa mall at nagpapasalamat ako dahil andidito pa si kuya Max para ipag drive kami papunta doon dahil malayo ang aming lalakarin kung sakali.

"Taray naman, may pa jeep wrangler ang asawa" panunukso ni Joshua sa likuran.

"Tigilan mo yang bibig mo" pagsita ko sa kania dahil nakakahiya.

"Mayaman ka naman pala ngayn Alex, bakit ako pa ang pinagbayad mo ng kinainan natin?" Tanong ng bakla.

Huminga ako ng malalim.

"Wala akong pera, tsaka hindi naman ako humihingi. Nakaka hiya sa tao"

Totoo naman. Hindi porket asawa kami sa papel ay makukuha ko na ang gusto ko. Pinag hihirapan ang mga bagay at hindi maaring basta-basta mo nalang pulutin kapag nakita mo sa daan. Pasalamat nga ako dahil kapag naghihiram ako ay hindi niya pinapabayaran saakin.

Tumikhim ako at tinignan si kuya Mac dahil baka narinig niya ang usapan naming magkakaibigan ngunit laking pasalamat ko nang siya ay naka airpods. Taray! Pati driver yayamanin.

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon