Pucha, ayokong mawalan ng kidney.
"D-deal sir?"
Nag aalala na ako dito sa sitwasyon ko ngayon, ang tanging gusto ko lang naman ay matanggap sa trabaho at makapag simula na habang napakiusapan ko pa si Aling Tin sa tinitirahan ko.
Hindi kaya illegal talaga itong kompanyang ito? Kung saan kunware na kompanya pero sindikato naman talaga?
Baka naman lahat ng nag aapply na bago dito ay kinukunan nila ng lamang loob at inexport sa ibang bansa.
"Yes deal" naka tingin siya saakin ngayon ng malalim.
"Sir, open minded po ako sa business pero hindi po ako nag bebenta ng lamang loob"
Nanginginig ako sa kaba habang taimtim na naka tingin sa kaniya. Hindi ako pwedeng maging isa sa sindikato. Oo, gusto kong makasama sina mommy at daddy pero masyado pang maaga para e welcome si kamatayan sa buhay ko.
"What the fuck?"
May kuryusidad sa kaniyang tono."Naku ser, alam ko yang style mo. Ano sindikato ka ano? Kunware mo lang itong kompanyang ito pero ang totoo. Nagbebenta ka ng mga lamang loob!"
Sa puntong ito ay naka tayo na ako at taimtim na naka tingin sa putanginang mata yan, ano bayan! Wag kang tumingin ng ganiyan saakin sir at baka masunggaban kita diyan.
Baka hindi kana maghanap ng magic sarap sa lulutuin mo sa susunod dahil ang tunay na sarap saakin mo lang malalasap.
"Look. I'm not as what as you think, we are in a legal process, my companies are legal. Do you know what is illegal?"
Seryoso niyang sagot sa akin habang nakatingin pa din saakin." what sir?"
Proud na proud ako diyan sa sagot ko dahil 10 nalang ang natitira sa mga english ko at nereserba ko tong iba."Your flat nose, it is illegal"
Bigla siya tumalikod ulit pagkatapos niya itong sabihin.
"Sir, wala naman tayong totohanan. Hihi"
I did pinch my flat nose, im disappointed and so my nose is.
"Let us have a deal"
Bigla niyang tanong at ako ay agad na patigil sa pag pinch ng aking ilong." sir, sure ba kayong legal yang sinasabi mong deal?"
Alam niyo sa buhay, kailangan talaga nating maniguro. Manigurong mahal tayo, manigurong sapat tayo, manigurong tayo lang nang hindi tayo masaktan at hindi ko na alam kung saan na itong usapan pupunta.
"I am dead serious Ms."
Bigla itong umupo pabalik sa kaniyang chair at pinagsiklop ang kaniyang dalawag kamay.
Nakaupo na ako kanina pa. Masakit ang paa ko sa heels na gamit ko. Binili ko pa to sa ukay.
"Malaki ho ba sahod ko?"
" More than what you think"
"Like mga magkano?"
"Depends"
Bigla akong napaisip at napapikit. Kailangan kong pag isipang mabuti.
"Sekretarya padin po ba?"
"No"
"PA niyo po?"
"No"
"Pero malaki sahod?"
"Maybe"
"Dito din po ba sa kompanya niyo?"
"No"
Hala pucha. Wag mong sabihing e export ako sa ibang bansa.
"Ano po bang deal yan?"
Bahala na kung saan ako dalhin ni tadhana.
"Marry me"
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
MR. CEO [COMPLETED]
RomanceThe person who you don't expect to come will be yours for the rest of your life.