Chapter 18

15.9K 284 6
                                    

Linggo

Day off ko ngayon at ngayon din ang araw na sinabi ko kay Queen kung saan ay mag kikita-kita kaming apat.

Napagkasunduan naming sa isang korean restaurant magkita. Sabado ng gabi ay nagpaalam na ako sa aking bossing at agad naman siyang pumayag dahil pinaliwanag ko din sa kaniya na kailangan kong sabihin sa mga kaibigan ko ang lahat ng nangyayari dahil alam naman talaga nila ang buhay ko.

Nang makapag handa ako para sa aming pagkikita ay kumatok ako sa kwarto niya dahil nang itanong ko kay manang kung kumain na siya ay sinabi ni manang na hindi pa ata ito nagigising.

Walang sumagot kaya pinihit ko ang door knob, sa mabuting palad ay bukas ito.

Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Suot niya ay isang puting damit. Palagi siyang naka puti hindi nama'y itim na damit kapag gabi. Yan ang napapansin ko sa kaniya.

Alas otso na ng umaga. Napuyat siguro to kakatrabaho kagabi.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at unti-unti ko din nakikita ang maamo niyang mukha habang siya ay natutulog. Nevermind.

"Bossing, gising"

Niyugyog ko siya ng ilang beses bago niya minulat ang kaniyang mga mata.

"What?"

"Aalis na ako, tama na kakatulog. Maligo kana at bumaba. Uuwi ako mamayang alas sais. Okay lang ba?"

Tumango siya.

Nang tumalikod ako ay bigla niya akong tinawag. Humarap naman ako.

"Ano?" Tanong ko.

"Did you bring any money?" Sagot niya. Napa hinto naman ako at kinapa ko ang aking mga bulsa. Wala akong pera kahit na piso. Sabi ko naman kasi na bawasan ko yung pinabigay niyang pera kay Queenie.

Umiling ako.

"How would you buy such things na gusto mo?" Napaarko ang kilay niya habang nagtatanong saakin.

Oo nga no? Pero hindi naman kami mamimili. Kakain lang kami at gagala tulad ng ginagawa naming magkakaibigan.

Umiling siya at biglang kinuha ang kaniyang cellphone. Ako ay nanatiling naka tayo.

"Hello Max, pumunta ka dito sa bahay, ipag drive mo si Alex... yes... okay I'll be expecting you minutes from now.. okay thank you"

Nang maibaba niya iyon ay bumangon siya at kinuha ang kaniyang wallet sa bedside table.

May kinuha siya doong card na kulay asul at agad na iniabot sa akin.

"Aanhin ko iyan?" Tanong ko.

"May card bang pang putol ng damo?" Sarkastiko niyang tanong.

"I mean, bakit mo ako bibigyan niyan?"

Hindi siya sumagot bagkus ay lumapit siya saakin. Pota, ang bango. Wala manlang bakas ng laway sa mukha.

"May nakalagay na one hundred thousand diyan sa card na yan"

Pagpapaliwanang niya. Lumaki naman ang mata ko.

"I have no cash left here in my wallet so you have to use the card whenever you want to use it"

"Wala ka bang limang dana lang diyan?" Pagtatanong ko. Napakalaki pala ng laman ng card nayan. Baka mawala ako pa may kasalanan. Tsaka libre naman ni Joshua ang kain namin e.

Tinignan niya ako ng masama at agad ko itong kinuha nang makita ko ang mukha niya. Okay lang gwapo ka parin naman.

"You can but whatever you want, pag iyan walang bawas."

May pagbabanta sa kaniyang boses. Tumango nalang ako at nag paalam pero bago iyon...

"Kumain ka ha." Bilin ko.

Sakto namang pagkalabas ko ay naghihintay na ang lalaking na sa sasakyan.

Wow. Isa itong jeep wrangler!

Agad akong pumasok sa sasakyan. Ang astig nito sobra.

"Good morning po ma'am" bati ng lalaking sa pagkakarinig ko sa tawag ay Max ang pangalan. Hindi siya matanda at hindi rin bata. Nasa thirty plus ata ang kaniyang edad.

"Good morning po kuya Max" pagbati ko rin.

Nang umusad na ang sasakyan ay napaisip ako.

"Kuya Max, pwede magtanong?"

Tumingin naman siya sandali saakin at sumagot.

" Ano po iyon ma'am?"

"Ilan po ang sasakyan ni Felix?" Usisa ko.

"Anim po."

"Ha?! Anim?"

Sa kaniya lang ba lahat ng iyon?

"Opo ma'am, nasa basement po iyon ng kompanya ang iba. Pinapalabas niya lang po kung anong gusto niyang gamitin. Tulad nito"

Napahinga ako ng malalim.

"Ano ano po ba iyon?"

Nagsimula naman siyang mag enumerate ng anim na sasakyan.

" Una po ay iyong corvette na palaging gamit ni sir, pangalawa ay itong wrangle, sunod po ay ang Zenvo ST1 na nagkakahalaga ata mahigit 1.2 million dollar, pang apat po ay ang BMW 4 Series Gran Coupé, pang lima po ay ang Audi A8. Ang huli naman po ay yung hindi masyadong kamahalan dahil ginagamit niya po ito kapag nag gogrocery lang siya ito ay ang Toyota Wigo, iyan po ang pinaka unang sasakyan ni sir kaya naman mahal na mahal niya"

Memorize ni kuya.

"Apaka sosyal naman"

Bulong ko. Hindi na nadagdagan ang aming conversation ni kuya dahil nakarating na kami sa korean restaurant na tagpuan namin.

"Kuya, maraming salamat po"

Ngumiti siya.

"Ma'am sumenyas lang po kayo kapag may nangyari, dito lang po ako sa sasakyan, utos ho ni sir na wag kayong pabayaan"

Napangiwi ako.

"Okay lang naman po ako"

"Dito lang ho ako ma'am"

Wala akong nagawa at nagpaalam na.

"Dadalhan ko nalang ikaw ng pagkain dito mamaya kuya ha?"

"Wag na ma'am kaya ko na po ang sarili ko" paninigurado ni kuya.

Kaya nagpaalam na ako at agad na pumasok sa restaurant. Hindi kalaunan ay nakita ko rin ang tatlo kong kaibigan na nakaupo.

Ngumiti ako nang makita ko si Joshua, siya ang nakaharap sa pintuan kaya siya ang unang nakakita sa akin at agad na iwinagayway ang kaniyang kamay"

Ngumisi ako at lakad takbong pumunta sa mesa nila at agad ko silang niyaka isa-isa.

"Na miss ko kayo"

Mangiyal ngiyak kong sabi.

                  END OF CHAPTER

A/N

Pwede niyo pong e search ang mga pangalan ng sasakyan para ma visualize ninyo. Jeep wrangler lang ang nilagay ko sa picture above kasi isa yan sa paborito kong sasakyan nang makita ko sa palabas ng "Go Go Squid" isa yang Chinese drama🙂

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon