Nang maabot namin ang opisina ay agad naman na nagpaalam si Ayah na pupunta siya ng cafeteria ng kompanya dahil doon siya kakain. Agad naman akong nagpasalamat sa kaniya.
Bago paman ako makapasok sa opisina ni Felix ay agad naman na nag ring ang aking napakagandang Nokia 3310 na cellphone.
From: Queenbee
Ga? Nasaan ka? May pera ka ba diyan? Kailangan ko kasi ng pera. 1000 lang sana hihiramin ko.
Napahawak ako sa aking cellphone. Wala akong pera dito. Hindi ito manghihiram ng pers kung hindi importante. Manghihiram nalang muna kaya ako sa mayaman mamaya aftee kain?
Agad naman akong nag reply.
To: Queenbee
Ga, oo meron naman konti. Nasaan ka ba? Daanan mo ako dito mamaya sa VGC building. May trabaho kasi ako ngayon.Nang ma e send ko iyon ay agad ka akong pumasok. Bigla namang napatingin sa akin ang aking asawa na prenteng naka upo sa kaniyang swivel chair. Taray, bossing na bossing ang dating.
"Hi"
Bati ko sa kaniya. Nararamdaman ko na yung pangangalay ng katawan ko. Unang araw ko palang naman kaya masasanay rin ako dito. Agad ko munang hinubad ang aking uniform at ang attire ko lang kaninang umaga ang aking souot.
"Are you hungry?"
Tumango lang ako at hindi parin siya tinitignan dahil una ko munang tinupi ang aking uniporme.
Na shookt ako nang may bimpo na naka punas sa akin.
"Masyado mo atang ginagalingan ang trabaho mo at hindi mo namalayang natuyuan ka ng pawis?"
Hindi ako gumalaw. Nagulat ako dahil sa paglapit at pag punas niya saakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"May paglalaanan ako ng sahod ko" bigla kong sagot sa kaniya nang tumingin siya saakin matapos niyang punasan ang mukha ko.
Bigla nalang siyang may inabot saaking paper bag. Na curious ako.
"Damit mo yan, alam kong hindi ka nagdala dahil tatanga-tanga ka. Now change your clothes."
Napa busangot naman ang mukha ko habang tinanggap ko iyon. Grabe naman maka tanga saakin.
Agad akong pumasok sa cr ng kaniyang opisina at totoo nga. Malamig ang pakiramdam ko sa aking likod. Dagdag mo pa ang medyo masakit ang aking katawan.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas at sakto namang may pagkain na sa maliit na mesa sa harap ng sofa.
"Let's eat"
Pag aaya niya. Isusubo na sana niya ang kutsara na hawak ngunit tinampal ko iyon. Agad naman niyang itinaas ang kaniyang kilay na para bang nagtataka.
"Magdadasal muna tayo"
Sabi ko sabay sign of the cross. Nakita ko namang gano'n din ang ginawa niya.
"Bless us oh Lord in this thy gift which we are about to receive, from thy bountry through Christ Our Lord. Amen"
"Kain kana" sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
MR. CEO [COMPLETED]
RomanceThe person who you don't expect to come will be yours for the rest of your life.