Chapter 10

17.6K 381 11
                                    

Hindi na ako nakapag salita matapos ang lahat ng nangyari, umakyat ata ang lahat ng dugo ko sa ulo at ako'y nanginginit pati ang aking mga tenga.

He fucking marry me without my permission! Well kasalanan ko din naman noong tinanong ako kanina don sa part na mag a I do at I do naman ang sinagot ko, tangina. Hindi kasi nag sisink in saakin ang lahat. Tinignan ko siya kanina ng puno ng curiousity ang aking mga mata pero he just looked at me like there's nothing wrong being with him in front of the person who will vested, ano tawag don. Basta sa judge.

I also never expected na yung tatlong tao na nasa loob kanina ay makikilala ko. They are Matheo, Ian, at Klent

Sila daw yung childhood friend niya. Akalain mo nga naman,despite of him being so cold to everyone, may kaibigan pala siyang nagtagal sa kaniya. Well, we cannot cover the book by it's judge.

Hanggang sa makabalik na kami ng kaniyang sasakyan, I already have this ring in my finger. Natulala ako sa ganda nito. Napaka ganda.

"You didn't even give me a chance to defend myself. Hindi ako nakapag tanggi sa mga ginagawa mo. "

"Bakit tatanggi ka ba?"

Sinagot niya ako sa mahinahong boses. Naka drive siya at kasunod ng sasakyang ito ay tatlo pang sasakyan na nakasunod saamin. Apakayaman nila. Pwede namang silang tatlo nalang sa sasakyan o di kaya dito sila sa likod total napaka lawak naman. Iba talaga ang mga yayamanin.

"Hindi"

At sa puntong ito, ay pwede na ninyong lawakan ang inyong imahinasyon dahil bigla siyang pomreno ng malakas dahil sa sagot ko. Ano bang mali sa 'hindi?' Gwapo na itong nagyaya sa iyo ng kasal tapos bonus nalang na mayaman siya ay tatanggi ka pa ba? Yan tayong mga babae diba? Hihingi ng true love pero pag dumating ngunit may kapintasan ang mukha ay tatalikuran at hihingi ng gwapo, kapag nasaktan, iyak ang labanan.

"Papatayin mo ba ako?!"

Yung puso ko.

Bigla niyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng daan at agad na tumagilid at tumingin sa akin.

"So papayag ka talaga na magpakasal sa akin?"

Tigilan mo ako sa kakatingin mo ng ganiyan.

"May utang ako saiyo, at alam ko namang hindi ko pa mababayaran, utang na pera at utang na loob."

Tumkhim siya at agad ding bumalik sa pagmamaneho.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang ang kaibigan niya sa likuran ay naka sunod rin saakin. Ang popogi nilang lahat. Reto ko si Queen sa isa sa kanila soon pag close ko na sila. Kala mo naman mga bad ass. Isa lang sa kanila ang hindi naka tattered jeans, lahat din sila naka long sleeve na puti. Taray, san libing?

"Good morning madam and sir, this way to your reservation"

Mata mo te, ingat ka baka madukwat ko.

"With all the respect miss, stop staring at him. Wife here"

Iwinagayway ko pa ang aking kamay na may sinsing. Sa puntong ito, ay pwede na ako kunin ng lupa. Saan ko ba hinugot ang aking lakas ng loob? Panty ko nga maluwag e.

"Dead"

Narinig ko pa ang sinabi ng isa sa mga kasama namin, hindi ko alam kaninong boses yun. Akala ko tapos na ang kanilang pnunukso ngunit hindi pa pala .

"Kindly apply the ointment to the burned area"

At agad silang nagtawanan.

Nakita ko naman sa sulok ng mga mata ko ang pag ngiti ni Felix. Akala niya siguro nagseselos ako. Hindi, ginagampanan ko lang ang ugali ng isang asawa. Ay char career na career a.

Natapos ang kainan ng matiwasay. They were all nice. Nakakausap ko silang tatlo, at si ser naman ay tahimik lang na nakikinig. Paminsan minsa ay silang apat ang nag uusap ngunit hindi ko maintindihan dahil puro ito business.

Open minded kaba?

Nakauwi na kami ng bahay nauna siyang nag lakad.

Sa puntong ito ay pwede kayong ma proud saakin dahil may naisip akong gawin.

Hinubad ko ang doll shoes kong creamy white at tinapon nalang sa sulok ng bahay at agad kong sinakyan ang kaniyang likod at kinagat ko ang tenga niya.

"Ouch! Stop it! "

Hindi dahil sa okay lang sa akin na ganon ang nangyari, bilang isang dalagang pilipina, ako ay may dignidad. Charot, nabasa ko lang yun at hindi ko na sasabihin kung saan.

"Akala mo talaga cuets na tayo!"

Sumigaw siya ng sumigaw dahil sa sakit ng kaniyang tenga.

"Tumigil kana, masakit! isa?"

Sa puntong ito ay narinig ko ang papa baba na mga foot steeps sa hagdan. Si Gladie at si nana Rosing.

"Ano ba iyang ginagawa ninyo?!"

Natigilan ako dahil narinig ko si manang.

Saka ko namalayan na hinila na ako ni Felix pa harap at bigla akong hinalikan. Sa harap ni nana Rosing!

Bigla akong natahimik at agad kong tinakpan ang aking mga bibig, ang first kiss ko.

"Ganiyan ang nakukuha ng maiingay na tao"

At dinaanan niya na ako, sinundan ko ng aking mga mata ang daan niya. Nakita kong tinapik niya si manang na ngayon ay natatawa na sa nakita niyang reaksyon ko.

END OF CHAPTER

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon