Chapter 6

20.7K 364 0
                                    

Welcome to my home?

what the hell.

"Anong gagawin ko dito?"

Kakakilala palang namin ngayong araw, and our tagpo isn't informal. Boss siya at nag aapply ako bilang sekretarya niya. Nakipag-usap na magkaroon ng deal pero hindi ko naman sinabing papayag ako a.

"you are staying here for good and you will marry me. Take it or leave it"

Sa puntong matapos niyang magsalita ay agad siyang bumaba sa sasakyan niya at pinag buksan niya ako ng pinto. Ayon, gentleman naman pala.
Pero Akala niya ba mapapapayag niya ako sa kaniyang kagustuhan na pakasalan siya?

I doubt. I never dreamed to marry a man that I don't love. I believe naman na love is in the air, pero ang lakas naman talaga ng hangin para bigla niyang idapo saakin ang dream kong makapag asawa ng gwapo, matipuno at mayamang lalaki.

"Dumating kana iho, kumain ka na ba?"

The slight old woman (syempre slight kasi hindi naman katandaan at hindi din kabataan) Mas matanda nga lang si aling Tin. She was wearing pantulog na damit at tila kanina pa nag aabang sa labas ng pinto.

"Yes, and manang kindly guide her at dining at pakainin mo siya. After that dalhin mo na din sya sa kwarto na pinasuyo ko sainyong linisan. Thanks "

Okay gets ko na, marunong siyang mag tagalog. Tumango lamang ang matandang babae at nagpaaalam naman ang lalaki na aakyat na sa kaniyang kwarto daw kuno.

I wonder how big his room is.

" Iha, tara na at ipaghahanda kita. Anong gusto mo?"

Apaka genuine naman ng smile mo manang, wag kang masyadong mabait saakin at bakaa attached ka, masasaktan ka kapag umalis ako sa pamamahay na ito.

"Okay lang po ako , kahit ano nalang ho"

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Izz diz reaaal? Marmol na pader na kulay hindi ko alam dahil wala naman siya sa 8 colors na crayola noong akoy elementary pa lamang.

"WOW"

Tanging naibulong ko nalang sa sarili ko ng makita ko ang napakalaking lamesa. Sunod ko namang tinignan ang canvas sa isang napakalinis na pader sa right side, canvas ito ng last supper.

Hindi  ko na namalayan na naihanda na pala ni manang yung pagkain sa mesa.

"Hali kana iha at kumain na para ikay makapag pahinga na ng maaga."

"Ano ho pala ang pangalan niyo?"

Nagsimula na akong lumamom bago ako nagtanong kay manang. Apakayabang ng ulam ng mga mayayaman. Yung steak kasi saamin noong buhay pa si mommy at daddy ay pang special occassion lang. Dito parang gabi-gabi atang ginagawang dinner. Taray.

"Ako si Rosing iha, tawag ni Anthony saakin ay mommy Rosing, minsan naman ay manang at kung ano ano pang depende sa trip niyang itawag saakin. Ako ang nagbabantay kay Anthony hanggang ngayon. Hay nako alam mo iyang batang iyan? napaka sungit sa ibang tao. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganiyan eh hindi naman siya ganiyan saakin at sa kaniyang mga magulang.

"Matagal na po kayo dito?"

Siyempre naniniwala ako sa kasabihang do not talk when your mouth is full pero hindi ko mapigilan ang bibig kong bumuka para magtanong.

"Simula nang maipanganak yang batang iyan ay nandito na ako kaya nga laking pasalamat ng kanyang mga magulang saakin dahil ako ang pumupuno ng kanilang mga kakulangan sa anak nila"

"Nasaan po pala parents niya?"

Sa puntong ito ay tapos na akong kumain. Hindi naman ako masyadong patay gutom kaya mabilis kong naubos ang hinain saakin ni manang Rosi.

" Nasa Madrid Spain ang kaniyang mga magulang, mayaman ang pamilyang Velasquez iha kaya hindi basta basta ang lugar na kanilang napupuntahan."

Nagpatuloy doon ang kwentuhan namin ni manang ng bagay about sa pamumuhay nang kaniyang alaga at siyempre dahil sa interested si manang sa buhay ko ay nag tanong din siya saakin at sinagot ko naman ng mga positive churva.

Hanggang sa inantok ako, hindi rin naman pwedeng magabihan si manag Rosing kasi baka pagod na kaya iginayak niya nalang ako sa aking magiging kwarto. Kuno hay.

"Dito ang inihanda kong kwarto iha,  pag may kailangan ka puntahan mo lang ako sa kabilang kwarto ha?"

Sabi niya kaya nag mano na ako as a sign of respect kasi dapat laging tandaan ng isang mabuting tao ang rumespeto sa kapwa, magulang at sa mga matatanda. Ito ang aking way of saying 'paalam na matutulog na ako'

Pagkabukas ko ng kwarto at ilaw ay bigla kaagad akong napamura. What is this? Is this just a room? Pucha, e bahay na namin to noong buhay pa yung parents ko e!

Inikot ko ang mga mata ko matapos kong isara ang pinto. Nanlaki ang mata ko, isang 32 inch na television na naka dikit sa dingding, isang napakalaking salamim at sa harap nito ay mga gamit pang babae, lahat ng pampaganda ay nandito.

Wait lang

Bakit may ganito sa kwartong ito? Hilig ba niya ang mga pampaganda?

Sunod naman akong tumingin sa kama, sakto lang ito sa dalawang tao pero sa tingin ko ay napakalambot nito. Nakita ko din ang isang malapad na aparador kung saan ilalagay mo doon ang mga damit mo.

And the I realized

Wala dito ang damit ko. Lumabas ako para hanapin si manang, sabi niya sa kabila lang ang kaniyang kwarto ngunit hindi niya naman sinabing sa kanan ba o kaliwa, napakaraming kwarto dito e! Second floor lang itong bahay pero kaloka.

"Manang?"

Napag desisyonan kong kumatok sa kaliwang kwarto. Bumukas ito at agad akong napasinghap nang nakita ko kung sino ang may ari ng kwartong kinatok ko.

"what are you doing?"

Hindi si manang ang may-ari ng kwarto na kinatok ko kundi gwap- I mean si sher.

"Kasi sir, nakalimutan ko kasi yung damit ko sa kotse mo, akala ko kasi si manang ang natutulog dito pasensiya na"

Pansin  kong lumunok siya ng kanyang laway.

END OF CHAPTER

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon