Hindi ko alam kung saan kami talaga pupunta.
"Saan tayo pupunta?"
Limang beses ko nang tanong ang mga salitang yan sa kaniya. Ni isang buga ng hinga ay wala rin akong naririnig mula nang umalis kami kanina sa bahay niya.
Dinadama ko ang bawat nakikita ko sa labas ng kotse, ang ganda sa pakiramdam na maka sakay sa ganitong sasakyan. Corvette ba tawag dito? Apaka sosyal naman.
Hindi na ulit ako nagtanong pa at baka akoy patalsikin dito. Pag ito kasama mo buong magdamag, tiyak panis na yung laway mo kinabukasan. I mean you can talk whenever you want when you're with him, pero sarili mo nalang talaga magsasabi na mahiya kanaman kakatalak mo diyan.
He was wearing a white long sleeve, plain lahat. Ako naman ay naka puting bistida din, hindi ko naman alam na puti itong isusuot niya, mukha tuloy kaming aattend ng libing. Apaka liwanag naman naming tignan.
Awkward naman masyado, hali na't sumandal sa upuan ng kotse at ipikit ang mata dahil tayo ay puyat.
"Wake up"
Nagising ako sa isang mala anghel na boses. Lumaki kaagad ang aking mga mata nang makita ko ang ilong niyang nasa harapan nadin ng aking disappointed nose.
"Sir, pwede niyo naman po ako gisingin na hindi nilalapit yung mukha ninyo sa akin."
Keshe! Sino ba hindi mamumula, yung ilong niya naka dikit na sa ilong ko kulang nalang halikan niya ako.
Try mo nga sir kung matapang ka. Charot
Pero hindi niya parin inalis ang ilong niya. Rinig na rinig ko tuloy ang kalabog ng puso ko.
Yaaa tigidigtigidigtigidig
Napatingin ako sa labi niya. No, this is temptation.
Siguradong ilang labi na nahalikan nito. Ako kasi hindi pa naka tikim non kahit isa.
"Lets go"
Agad niyang binawi ang kaniyang mukha at nauna nang lumabas. Bago paman niya maisara ang driver's door ay agad siyang yumuko para makita niya ako.
"Don't call me sir, any second you'll be changing your surname"
Kasabay nang pagbigkas niya nang mga salita ay agad akong natingin sa kaniyang kissable lips.
Namula naman ako sa ginawa kong pagtingin sa labi niya. Totoo naman kasi mapula naman talaga.
Naiintindihan ko ang sinabi niyang wag ko siyang tawaging sir.
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit andito kami sa
MUNISIPYO?
"Hoy what are we- bakit tayo nandito?"
Im confused haler.
"Stay still, just calm"
And at this point, he grabbed my hand and pull me towards his hard chest.
Joke lang. Hinila lang naman talaga niya ako.
Wala na akong nagawa kundi hayaang ang akin sarili na dungisan. Charot, sumunod nalang ako wala namang choice kung papalag pa ako.
May sumalubong sa aming napakagandang babae. Taray kilay on fleek. Tingin ng cheeks te? Ay taray, kulay penk. Ilang demonyo sumampal te?
"Sir, the judge is waiting for you"
Ngumiti siya sa amin.
He never said thank you to the woman. Instead, dinaanan lang niya ito kasabay nang paghila saakin.
Nakapasok kami sa isang silid na may isang judge? Anong ginagawa ng judge sa munisipyo?
There are three man standing at the corner. Who are they? Are they lost? Charot.
"Shall we start?"
And at this point of view, I got it.
Are we getting married?!
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
MR. CEO [COMPLETED]
RomanceThe person who you don't expect to come will be yours for the rest of your life.