Sinamahan niya akong kunin yung gamit ko sa compartment ng sasakyan niya.Nauna na siyang naglakad at sumunod naman ako, hila hila ko padin ang aking maikling skirt, alas nueve na nang gabi at hindi pa ako nakapag bihis. Ang dumi na nang tingin ko sa aking sarili. Joke lang.
Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya at parang wala rin naman siyang plano na magsalita. Ayokong mapalayas dahil wala pa akong matitirahan sa ngayon.
Hanggang sa makuha na namin ang mga gamit ko ay tahimik padin kami sa isat-isa.
Nagpasalamat ako at bigla siyang tumalikod. Sinara ko naman ang pintuan at nagtaka. Sungit naman, welcome lang hinihintay ko e.
Tinignan ko ang mga gamit ko. Dala ko pa ang nga kalderong butas-butas at hindi ko pa napalitan. Nakakahiya, lahat ng gamit ko ay bitbit ko. Bukas ko nalang siguro ito aayusin dahil pagod na pagod ako ngayong araw. Maga pa ang mata ko kakaiyak.
Naiisip ko palang ang sitwasyon ko kanina ay naiiyak ako ulit.
Bago pa man ang lahat ay pumasok na ako sa banyo at hindi pa naubos ang mangha ko sa kwarto dahil may sariling banyo ang kwarto. May shower din, may heater may bath tub. My G, naiiyak ako sa sobrang pagka mangha.
Pero hindi naman ako ganon ka ignorante. Sadyang namangha lang ako sa mga nakikita ko.
Kung buhay pa kaya sina mama at papa tapos nakapag tapos ako ng pag-aaral. I mean oo nakatapos ako pero wala na naman saamin yung bahay namin. Medyo malaki laki din yun. Sana nakapag pundar na ako ng bago naming bahay. Siyempre nabigyan ako ng inspirasyon na maging successful e. Nagbago kasi lahat nang iyon.
Nagkulang lang ako sa dibdib pero hindi ako nagkulang pagdating sa mama at papa ko. Kaya siguro hindi ako binigyan ng kapatid ni G dahil babawiin lang niya yung parents ko. Kaya siguro hinayaan niyang mag-isa lang ako maging anak kasi alam niyang mas doble yung hirap ko kapag may kapatid ako.
Tumulo nanaman ang luha ko sa mga naalala ko. We were almost perfect.
Promise ko pag dating ng panahon na ako naman ang magkakaroon ng pamilya, aalagaan ko ang mga anak ko siyempre ang tatay din nila. Papa dedein ko ang mga anak ko pati nadin ang tatay nila.
Iingatan ko sila na parang mga itlog ng isang inahing manok na inaalagaan at takot na mabasag.
Alas dose na ng madaling ara ngunit hindi padin ako makatulog. Kaya ang ginawa ko ay imbis na bukas ko na i-aarange ang mga gamit ko ay pinagkaabalahan ko nalang ito.
Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pag-titiklop ng mga damit ko ay naisip ko ang aking kaibigan.
Tatawagan ko muna si Queen, sinabi ko pa naman sa kaniyang mag-apply ako ngayong araw ng trabaho at hindi na nasundan ang aking text sa kaniya. Kaya tumayo ako at kinuha ang aking makabagong telepono na ang pangalan ay Nokia 3310.
Ganda kaya nito, 2020 na pero masyadong magaling ang factory nang nokia at matibay ang kanilang mga cellphone na gawa. At kapag bored ako ay naglalaro pa ako ng snake dito at space impact. Wag kayo mga slapsoil.
Nakadalawang ring bago niya sinagot
Hello! ba't ngayon kalang tumawag?! Asan ka? Pumunta ako sa bahay mo pero wala ka!
Napakamot ako sa narinig ko, napakalakas ng boses niya.
"Sorry, magpapaliwanag ako sayo pag nagkita tayo, basta sa ngayon nasa mabuti akong kalagayan. Wag kang mag-alala saakin, okay lang ako"
Sasagot pa sana siya nang bigla kong pinatay ang telepono, ayokong e detalye ang mga nangyayari sa tawag lamang dahil hindi pa nag sisink in sa utak ko ang mga nangyayari at umaasa padin akong bukas pag gising ko ay nasa apartment lang ako at panaginip lang pala ang lahat nang nangyayari saakin.
Bumalik ako sa pag aayos ng aking gamit nang agad kong makita ang family picture naming tatlo.
Si papa, ako, tsaka si mama.
"Miss ko na kayo"
Pinahid ko ang luha kong may kasabay na uhog nang ito ay tumulo.
Sa puntong ito ay agad na akong nakaramdam ng pagod. Enough na siguro yung iyak ko ngayong araw para makatulog na ako.
END OF CHAPTERO
BINABASA MO ANG
MR. CEO [COMPLETED]
RomanceThe person who you don't expect to come will be yours for the rest of your life.