Kung ito ba naman ka sarap ang bumungad sayo every morning. Im already awake, but I didn't mind na bumangon kasi maaga pa naman hihi.
Maaga nga ba talaga o naka unan ka sa braso ng pinakamasarap na tao sa buhay mo ngayon?
Nakita kong unti-unti siyang gumagalaw sensyales na gising na siya. Dahil magaling akong umakting ay agad kong pinikit ang mga mata ko. Kunware tulog para ibigin ba.
Naramdaman kong unti unti niyang binabawi ang kaniyang mga kamay na nasa ulo ko.
Wag muna. Charot
Isang mainit na bagay ang dumampi sa aking noo. Bagay ba yon?
Yes, it is a kiss.
Gusto ko sanang sumigaw kanina at nagtataka ako bakit ako may katabi, saka ko na narealize na inaya niya pala akong matulog sa tabi niya. Mag-asawa na kami diba? Wala naman sigurong mali. Kung ang pag-iibigan ang basehan ng pagtatabi, bakit yung kapitbahay ko sa dating tinitirhan ko ay nag-niniig sila kahit wala naman silang romantic relationship? Tsismosa ko masyado, nalaman niyo tuloy.
Hinay-hinay siyang bumangon at pumasok sa banyo, hindi ko alam ang kaniyang gagawin doon. Baka gagawin niya ang kaniyang clearskin. Minulat ko ang kanan mata ko para makita ko kung anong ginagawa niya.
"Kung gusto mong bumangon, bumangon kana. Alam kong kanina kapa gising"
Agad naman akong bumangon at ngumiti ng peke.
"Babalik muna ako sa kwarto ko, maliligo muna ako"
Pagpapaalam ko sa kaniya. Ang totoo niyan ay hindi pa talaga ako maliligo. Hindi ko pa kasi naaayos ang mga gamit ko. Nandoon pa yung mga kaldero kong butas kailangan ko na atang e despatsa iyon. Para narin maka iwas ako sa mga tingin niyang nakakalunod.
"Okay sure, ill be following you when im done"
Tumango ako tumakbo papunta sa kabilang kwarto. Aayusin ko na yung mga gamit ko. Kailangan ko nang itapo-
"Why do you have that fuck in your room?!"
Napaigtad ako sa narinig ko. Siyempre sino ba namang tao ang mag dadala. ng kaldero sa kwarto? Butas pa at kinakalawang.
"Nako, sorry hindi ko pa kasi to nilinis ang mga gamit ko kahapom dahil kung saan saan ako dinala ng iba diyan. Nakalimotan ko tuloy na pati yung kaldero sa dating kong tinitirahan au nadala ko dito sa mamahaling kwarto"
Oo, nagpaparinig ako.
Aayusin ko na dapat itong mga basurang dala ko kahapon peri kung saan saan kami nakapunta. Kaya wag niya sabihin na fuck fuck ang mga gamit ko at baka matyempohan.
"Itapon mo na lahat ng mga gamit mong luma, ang mga importanteng bagay lang ang itira mo, papalitan ko lahat nang yan"
Nasa pintuan padin siya hanggang ngayon at nakapamulsa sa kaniyang grey jogging pants. Itinaas ko sa papuntang mukha niya ang akin atensyon dahil noong lumingon ako kanina ay iban ulo sa baba ang aking nakita. Mali ata ang daan na aking natahak.
Isn't it hot today?
"Bakit ko itatapon? sayang naman magagamit pa."
True, sayang itong mga damit ko. Ukay-ukay ito kaya naman mas matibay pa sa relasyon niyo.
"Magagamit ba yang panty mong punit na ang garter?"
Nanlaki ang mata ko dahil itinuro niya ang aking panty na nakabalandra. Putangina, nakaka hiya.
Judge na naman kayo dahil nag mura ako. Sige diyan kayo magaling, perfect kayo e.
"Hoy, bastos!"
Tumayo ako at binatukan siya.
He was laughing so hard, nakita niya atang namumula ako sa sinabi niya. Avon itong panty ko kaya matagal ito bago masira pero itong nakita niya ay malala na ata ang kondisyon.
"Gladie!"
Inilabas niya ang ulo niya sa pintuan at tinawag ang bata. Narinig ko naman ang yabag ng mga paa paakyat.
"Sir bakit po?"
" you get a sack and then put this things sa sako. Ikaw na bahala diyan at itapon mo na"
Matapos niyang sabihin iyon ay agad siyang tumingin saakin.
"And you, maligo kana at bumaba, i'll be waiting you at the dining. Aalis tayo pagkatapos"
At tumalikod na siya.
"Saan tayo pupunta?"
Pasigaw akong napatingin sa kaniya.
" We'll buy your things"
"Maam ako na po, sabihin niyo nalang po saakin kung saan ang ipapatapon."
Ayoko nang tumanggi, totoo naman kasi. Luma na lahat ng aking mga damit at konting push nalang ay mapupunit na ito.
"Thank you, pero wag mo akong tawaging maam. Ate nalang"
Pagtatama ko sa kaniyang tawag sa akin. Masyado akong donya sa 'maam'
"Baka po magalit si sir"
Yumuko siya at nagpatuloy sa pag aayos ng ilalagay sa sako. At wow, sako pa talaga.
"Bakit sinabi niya ba sayong sir ang itawag mo sa kaniya?"
Umiling siya.
"Ako lang ho ang tumawag sa kaniya ng sir dahil hindi ko naman po alam kung anong itatawag ko"
"Ate ang itawag mo sa akin, wag kang mag maam. Kutusan kita diyan"
Tumawa lang siya at ako naman ay nag paalam na upang maligo dahil may naghihintay saakin sa baba.
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
MR. CEO [COMPLETED]
RomanceThe person who you don't expect to come will be yours for the rest of your life.