"Sir? are you thinking well? " pinilit kong maging kalma ang boses ko kahit na kumakarera na ang kabayo sa dibdib ko.
"Then you can start preparing yourself out and find another job" simpleng sagot niya tsaka bumalik sa pag saliksik sa kung anong mga papel sa harap niya. May ma gawa lang sa harap ko e.
Gusto kong umiyak ng malakas. Gusto kong sumigaw dahil parang pinaparating niya lang saakin na wala akong kwenta sa kompanya niya at nagsasayang lang sya ng oras para mag interview saakin.
Ngumiti ako ng mapait at tumalikod nalang. Mukhang kailangan ko nang maghanap ng pagtatrabahuan kahit maliit na tindahan lang.
Naglakad ako pauwi dahil wala naman akong perang pamasahe. Kahit walang kain okay lang,as long as nag try ako ng best ko.
Nang makarating ako ay nangunot ang noo ko. Anong ginagawa ng mga gamit ko sa labas ng apartment ko?
"Aling Tin? ano pong gingawa ng mga gamit ko dito? akala ko ba nag usap na tayo?" Mangiyak ngiyak kong tanong
"Alex may nag bayad na ng renta ng apartment. Buo at may cash advance pa kaya ibinigay ko na.
"Aling Tin,alam niyo naman pong walang wala ako diba? Bakit niyo naman po ginagawa saakin to?" naiiyak kong sabi. Walang wala na ako nito.
Hindi ko napakiusapan si aling Tin kaya kasama ko ang mga gamit ko sa labas. Ito ako,nakaupo na parang pulubi. Gutom dahil walang makain kasi walang pera.
Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang lakas ng iyak ko. Ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ba pwedeng bukas nalang niya ilabas para naman makapaghanap pa ako ng malalagyam ng mga gamit ko? Konti lang ang gamit ko pero hindi ko kayang bitbitin lahat ng ito sa kung saan. Hindi ko din naman alam kung saan ako pupunta. Malayo pa kina aunte. Nasa Novalichez sila at ako nasa Laguna.
Umupo ako sa sidewalk kasama ang mga gamit ko.
San ako pupulutin nito!
Lord, patulong naman oh
Patuloy ako sa pag iyak, naka subsob ang mga ulo ko sa tuhod ko, pinalitan ko na ng tsenelas ang heels kong binili ko sa ukay.
Walang tigil sa pag agos ang luha ko.
"What are you doing here? " sabi ng baritong boses. Itinaas ko ang ulo ko matapos kong marinig ang boses na iyon.
"P-pinaalis na ako sa apartment ko, kita mo namang kasama ko ang mga gamit ko diba?" sarkastikong umiiyak kong sagot. Napahikbi tuloy ako ng lubos. Saya saya ko kanina habang nag aaply tapos makikita niya akong para pulubi sa daan.
"Where is your apartment? " tanong niya ulit ng makalabas siya sa sasakyan niya.
Tinuro ko yung apartment ko sa taas.
Huminga siya ng malalim tsaka ako hinatak.
"Uy teka ser san tayo pupunta?" Takang tanong ko. Hindi niya ako pinansin at nag patuloy sa paghila saakin papasok sa bahay ni Aling Tin.
*knock knock*
(A/n: tunog yan ng pinto)
"Abay nang-iisturbo ng tulog!"Sigaw ng matanda sa loob.
Binuksan niya ang pinto at nagulat siya na nakita niya ako at may kasama akong lalaking ubod ng gwapo.
"Bakit? at bakit kasama niyo iyang babaeng hindi nag babayad ng renta?"
Hindi ako nagtaas ng mga ulo ko, patuloy lang ako sa paghikbi, saka palang binitawan ni bossing ang kamay ko, may uhog pa naman yun.
"Ahem" mag sasalita na sana si aling Tin ng may tumikhim.
"By the way im Felix Anthony Velasquez, pleasure to meet you madam"
nga-nga si aling Tin kasi hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Sir.
Bobo ka kasi, pera lang yang sa utak mo.
"I amhere to pay her debt"
Binuksan niya ang kaniyang wallet na naglalaman ng limpak limpak na salapi. At siyempre charot charot lang yun, hindi ko nakita ang kaniyang pera.
Basta nalang siyang bumunot doon ng hindi ko mabilang kung magkano.
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
MR. CEO [COMPLETED]
RomanceThe person who you don't expect to come will be yours for the rest of your life.