Chapter 14

16.3K 293 5
                                    

Napangiwi ako nang marinig ko ang sinabi niya. Agad na nawala ang ngiti sa aking mga labi.

"Sir, bakit po magiging janitress si ma'am?"

Good question my dear, akala ko ba sekretarya niya ako?

"Well, I already hired a secretary and the only available staff here is the janitor. And I also don't want you guys to say that I am being unfair. Just because she is my wife doesn't mean I will hire her in an instant upper position" ngumiti agad siya.

Bigla naman napatango ang kaniyang mga empleyado. Nanahimik ako. Well sabagay, mas nauna sila sa akon dito at sila ay dumadaan sa maayos na proseso. Masyado yung unfair for them.

Nang natapos ang diskusyon sa baba ay agad naman niya akong hinila papunta sa kaniyang opisina sa 20th floor. Dalawa lang ang pinto dito at nasa gitna ng dalawang opisinang magkaharap ay ang malalaking sofa at isang coffee table. Sa harap ng CEO's office ay naka paskil ang Conference room. Sa labas naman ng opisina ni Felix ay may isang medyo hindi kalakihabg cubicle at nandoon ang isang medyo payat na babae at mala anghel ang itsura.

Hindi ako nagsalita mula no'ng naka akyat kami dito.

Siya naman ay biglang lumapit sa kaniyang mesa at biglang nag trabaho.

"Why aren't you talking anymore? Didn't you said that you want to be part of my company?"

Biglaan niyang tanong nang mapansin niyang kanina pa ako nananahimik. Hindi ako nagsasalita dahil napapaisip ako kung paano ko malilinisan ang dalawampong gusali kung sakali man. Alam ko ring kaunti lang ang janitor at janitress dito.

"Okay lang. Excited na nga akong mag trabaho e hihi"

Sinagot ko din agad dahil ayaw ko munang magsalita. Hindi sa ayaw ko ang trabaho kundi naalala ko nong first year college ako ay nag part time job ako at janitress ang aking trabaho. Napakahirap niyon dahil dapat sa bawat kasulok sulokan ay malinis
Mo kung hindi papagalitan ka ng inyong boss. At ayaw na ayaw ko talagang napapagalitan.

"Well, since you are excited you will start your work tomorrow."

Tumango lamang ako.

"Anong oras ba ang in ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Alas singko" simple niyang sagot at nagpapatuloy padin sa pag perma ng mga papeles sa kaniyang harapan.

Napalaki ang mata ko. Hindi ko siya malulutuan ng breakfast niyan.

"E ikaw?"

"Alas otso"

Ang unfair naman noon, mas mauuna pa sa kaniya ang kaniyang mga empleyado.

Hindi ko na pinagpatuloy ang aking nga nasa isipan. Baka hindi pa ako nagsisimula ay ma fa-fired na ako. Ayaw niya pa naman ata sa matanong.




Nang kinabukasan ay nag pa alarm ako ng alas kwatro dahil hindi naman pwedeng hindi ako magluto ng breakfast.

Bilang asawa, initiative mo nang kailangang gawin ang mga gawaing bahay kahit na ikaw ay nag tatrabaho. Napakadaya naman ng aking boss dahil natutulog pa ang pwet niya.

Sa kwarto ko ako natulog. Isang beses lang kaming nagtabi. Wag na maissue.

Antok na antok pa ako nang magising pero I didn't mind it. Agad akong nagluto ng hotdog, bacon at itlog.

Nauna na akong kumain at nag ayos ng aking sarili. Agad pinagbilin ko na din kay mamita Rosing na sabihan si Felix na mauuna na ako.

Alam ko ang daan paputang opisina niya kaya hindi na ako nag abala pang magtanong sa kaniya at baka magising .

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon