Chapter 17

16.1K 321 5
                                    

Makalipas ang ilang araw ay gumaling na ako, pwede narin akong magtrabaho sa palagay ko dahil maayos naman na ang pakiramdam ko at hindi na masakit ang mga kasu-kasuan ko. Apat na araw din akong nasa bahay lang ang nakatihaya lang sa kwarto, gusto kong mag luto ayaw naman akong payagan ni manang at tinatampal niya ang mga kamay ko everytime nasa kitchen ako at hahawak ng mga rekados. Utos daw iyon ng asawa ko.

Asawa ko

Pucha, naiihi ako sa kilig kapag naririnig ko ang mga salitang iyan. Aminin niyo kayo din.

Nakakalungkot lang dahil hindi konpa naranasan ang boyfriend-girlfriend stage. Since birth akong single at virgin kaya naman hindi ko pa alam kung anong ginagawa ng mga magsyota sa daan na nakikita ko.

Nagpaalam ako kay Felix na babalik na ako sa trabaho ngunit ang isinagot lang niya ay..

"Wag mo akong pilitin. Manahimik ka"

Napa pout tuloy ako sa sinabi niya.

Kaya naman ngayong araw ay hindi ako magpapaalam. Wala naman yang pakealam sa akin.

Gumising ako kanina nang mag alarm ang aking cellphone na napakaganda. Dahan dahan din akong bumaba at sinigurado kong hindi nila maririnig ni kahit isang yabag ng mga paa ko dahil pag nagkataon. Makakatikim ako ng piso, either kay mamita or kay Felix.

Nang makapag luto ako ay agad din akong naligo ng mabilis dahil baka maabutan ako. Hingal na hingal pa akong tumakbo papunta sa labas ng bahay at nagpasalamat ako ng makalabas ako ng safe.

Binati ko rin ang gwardiya sa village at pumara na ako ng taxi.

Nang makarating ako sa opisina ay laking gulat ng aking mga katrabaho.

"M-ma'am Alex? Bakit po kayo nandito?" Tanong ni kuya Gilbert, isa sa kasamahan kong janitor.

"Maayos na po ang lagay ko kuya, wag na kayo mag alala" ngumiti ako

May ipinangako ako sa sarili para sainyo kaya kailangan ko ang sweldo ko.

"Sigurado ka ma'am? Baka kasi pagalitan kami ni ser" pag aalinlangan nila.

"Opo, wag na kayong mag-alala"
Binigyan ko sila isa isa ng pinakamatamis kong ngiti para hindi na sila magtanong.

Nang sumapit ang alas sais ay hinati na kami ng head namin sa kaniya-kaniyang floor kung saan kami mag lilinis. At ako ay dito sa first floor at second floor. Kaya nagsimula na akong maglinis.

"Good morning sir"

Narinig kong bati ng receptionist kung saan siya rin ang nag entertain sa akin noong nag apply ako dito.

Nanlaki ang mata ko kahit na hindi ko pa nakikita kung sino ang binabati niya.

Patay

Kahit kinakabahan ako ay hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy sa pag wawalis kahit na alam kong maya-maya lang ay makakatikim na akong ng ika pitong huling salita.

Narinig kong may paang papalapit sa akin ngunit hindi parin ako lumilingon.

Please G. Help me

"Harap"

Napapikit ako sa sobrang kaba ng marinig ko ang boses niya. Tinignan ko naman ang paligid at lahat ng empleyado ay naka tingin sa amin. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko.

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon