"Ehh, sige na kasi" pamimilit ko kay Joshua.
"Dai! Saan ka naman makakabili ng langka? E seasonal yun" pag eexplain niya.
Hindi ko na siya pinilit dahil ramdam ko na ang frustration sa mga mata niya. Hindi ko alam pero parang ang sarap kasi kumain ng langka na isasawsaw sa ketchup. Huhu yummy!
"Sorry" paghihingi ko ng pasensya at umiiyak nako sa kadahilanang feeling ko nagkasala ako.
"Diyos ko po! Ang hirap pag buntis" saad naman ni Denny habang nagkakape.
Linggo ngayon at wala silang pasok na tatlo at magkakasama kaming apat ngayon sa kanilang condo.
"Tinawagan ko na ang mister mo na sunduin ka dito, nang maranasan naman niya ang hirap namin kaka adjust sayong buntis ka." Narinig kong sinabi ni Queenie nang makapasok siya dito sa kusina nila.
"Pinapamigay mo na ako?" Tanong ko.
"Gaga, hindi ka pinapamigay. Isinusuli ka namin. At tsaka enough na yang pag iinarte mo at na explain na sa amin ng asawa mo ang dahilan. Alam din naming nakipag kita ka sa kaniya noon. Kaya wag ka umastang virgin diyan"
Napasimangkot ako sa narinig ko. Tama naman siya. Masiyadi na akong pabigat sa kanila. Dalawang linggo na ako dito e.
Matapos naming mag-usap ni Felix ay nalaman ko din kay Ayah na mali ang nakita ko. Kaya lang niya ako pinigilang pumasok ay baka magkagulo dahil akala niya warfreak ako. Siya kaya sampalin ko.
Nang nag-uumagahan kami ay tumunog ang kanilang doorbell. Tumayo si Queenie at pumunta doon. Baka may bisita sila.
Patuloy lang ako sa pagkain.
"Oh. Kunin mo na yang asawa mo, sarap lambahusin dahil sa pag ka arte niya" Si Queenie
Tumaas ang ulo ko at nakita ko si Felix doon na naka ngiti.
Tumaas ang kilay ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakapamulsa siya nang lumapit sa akin. Niyakap lang niya ako ng mahigpit.
"Let's go home already" bulong niya.
Tumulo ang luha ko hindi dahil sa pagka miss sa kaniya kundi dahil naiinis ako sa pagmumukha niya.
"Bitiwan mo ako" saad ko at agad na kumakalas.
" pagsabihan mo yang pagka attitude ng asawa mo Mr. Velasquez. We can't carry her attitude anymore" ani ni Joshua.
"Palibhasa bun-" agad kong nakita na tinakpan ni Queenie ang bibig ni Denny. Tumingin siya kay Felix na ngayon ay nagtataka. Oo nga pala hinfi pa niya alam.
"Sige na umuwi na kayo. Dalhin mo na yang asawa mo" pagpapatuloy niya habang nakatakip padin ang kamay sa bibig ng kaibigan. Sumimangot ako.
Gusto ko rin naman kasing umuwi.
Tumango siya at hinawakan niya ako patayo. Hindi ako nagsalita."I'm very sorry for the inconvenience, nadamay pa tuloy kayo sa misunderstanding naming mag-asawa" si Felix.
"Sige mag-iingat kayo"
Nagpaalam na siya at ako ay agad ko silang niyakap isa-isa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, bakit ba.
Umuusad ang sasakyan at wala parin akong kibo. Umagang umaga.
"Love"
"Wife"
"Alex"
"Dugyot"
Sa puntong ito ay napalingon ako sa kaniya.
"P*tangina ano bang tawag ng tawag mo sa akin?!" Singhal ko.
"Fu*k why are you acting like that?" Tanong niya. Hindi ko sinagot ang tanong niya hanggang makarating kami sa bahay.
Agad akong niyakap ni mamita Rosing at ni Gladie nang makita nila ako. Namiss ko sila.
"Akyat lang po ako" pagpapaalam ko. Hindi ko kasi alam paano e aapproach yung mga tao dito. It's kinda awkward. 2 weeks akong wala nang hindi nila alam kung saan ako nanggaling.
Pumasok kaagad ako sa kwarto namin at nahiga. Miss ko itong kama namin.
"My love" sa puntong ito ay humarap ako sa kaniya at sinampal siya ng pagka lakas lakas. Tumiim ang bagang niya at hinawakan niya ang kaniyang panga.
Tinignan ko lang siya sa mata at parang lalabas ata ang luha ko. Hindi ko siya masiyadong pinag explain nang magkita kami noon dahil ang gusto ko lang naman at makita siya.
"Im sorry" tugon niya.
Ngayon ay umiiyak na ako nang marinig ko ang paghihingi niya ng tawad.
"Alam mo ba kung gaano kasakit ang nakita ko?!"
Hindi siya sumagot at tinignan lang niya ako nang may namumuong luha sa mga mata niya.
"Alam mo ba kung gaano ako kinabahan nang hindi mo pa sinabi sa akin ang totoo?! Alam mo ba kung paano ko naisip na baka hindi nga totoo ang nararamdama mo saakin?! Alam mo bang iniisip ko kung anong agenda mo para pakasalan mo ako noon?! Alam mo ba kung gaano ako katakot maiwan?! Kaya put*ngina mo for making me nervous kasi akala ko iiwan mo ako dahil may kahalikan kang iba!" Sigaw ako ng sigaw at dinuduro duro ko siya sa dibdib.
No one can hurt Alex Sabrina Montecort. Even her husband.
Huminga ako ng malalim at niyakap siya habang umiiyak.
"Sorry, huhu miss na miss na kita. Sorry kasi iniwan kita agad at hindi kita pinag explain"
Niyakap niya ako pabalik at ngayon ay pinapatahan niya na ako.
"No don't say sorry. I deserve those. Hush now. I love you"
"Mahal kita"
"I love you t-"
Nanilim ang sight ko and all I heared was Felix's voice, shouting for my name.
Someone else's Point of View
Agad na inihiga ng lalaki ang asawa at tinawagan ang kanilang family doctor. Pangalawang beses na itong nangyari sa asawa. At palaging siya rin ang nat kasalanan kung bakit nawawalan ito ng malay.
"Mr. Velasquez, I recommend na wag mo masiyadong bigyan ng stress ang asawa mo lalo na ngayon at buntis siya"
Nanglaki ang mata niya.
"What?"
"Hindi mo ba alam?" Pagtatanong ni Doc. Cherry
"No doc"
"Yes, your wife is in her thirteen weeks of pregnancy, and this is the most sensitive level of being pregnant kasi nasa trimester siya"
Hindi parin nag sisink in sa utak niya ang nangyayari.
My wife is pregnant?
Nang magpaalam ang doctora ay nagpasalamat siya dito at hinilamos ang kaniyang mukha. Pinakatitigan niya ang kaniyang asawa.
"Thank you for giving me a very beautiful wife Lord" saad niya dito nang naka ngiti.
I won't do such things again. Not anymore. In any month, I am going to be a father. And this family will going to be perfect.
I forgot, there's no perfect things. Happy family will do.
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
MR. CEO [COMPLETED]
RomanceThe person who you don't expect to come will be yours for the rest of your life.