Chapter 25 | Monthsary Special

14.9K 217 4
                                    


Today is the day! One month of our marriage today. At kung gusto ninyong malaman kung may inihanda ako ay oo.

Nagpatulong ako sa mga kaibigan ko. Dumalaw sila Joshua, Denny at Queenie sa bahay matapos ko silang imbitahan kagabi. Manghang mangha pa sila nang makita nila ang bahay at panay ang puri nila. At siyempre hindi ko naman palalagpasin ang moment na ito kaya naman ay sinama ko sa part ng aking vlog which title is "WEDDING MONTHSARY SURPRESA| Bb's Vlog"

Well, panay ang tawanan at kwentuhan namin. Habang nagawa kami ng mga decorations at panay blow ni Joshua ng balloon na inassign ko sa kaniya. Si Gladie na ang bahalang mag edit ng lahat ng ito. Natatandaan kong ang last video namin ay umabot ng dalawang milyong views at mayroon nadin akong isang milyon mahigit na subscribers! Oki.

"Hilig na hilig ko talaga ang mga trabahong ganito lalo na sa pag boblow" biglang pagbasag ni Joshua sa katahimikan. Bigla kaming tumawa.

Alas dose na nang matapos namin ang aming ginagawa at nagmadlai na kaming mag set up ng lahat sa teresa. Doon ang napili kong view dahil may plano akong ayain siyang sumayaw sa ilalim ng dilaw na buwan mamaya. Well if you guys are wondering why I am making this effort, well bawal ba? Girls can make their man happy too. They can also make efforts for their love at hindi nakakabawas ng pagka babae ang pag handa ng simpleng surpresa sa asawa o mahal mo sa buhay. Everyone deserves to be love and to be treated like a queen or a king.

Nagpatulong din ako sa kanilang mag luto. Well siyempre. Bago ko sila itenext kagabi ay sinabi ko sa kanilang magdala sila ng kanila mga damit dahil dito ko sila papatulugin. Ang hindi nila alam ay inimbitahan ko din ang mga kaibigan ni Felix nang magkaalaman na. Hindi pwedeng ako lang ang masaya dito.

Siyempre mamaya kapag nagdate kami sa itaas, sila pwede nilang gawin ang gusto nilang gawin dito sa baba at pagnatapos na kami ni Felix sa pagiging romantic ay sasali kami sa kanila o di kaya naman baka magkaroon pa ng inuman session sa bahay namin.

Kinasabwat ko silang tatlo na sunduin si Felix sa opisina mamaya at dalhin muna sa kung saan habang wala pa ang hudyat ko. Alas sais ang nais kong oras ang tiyak kong hindi pa ako matatapos agad agad noon dahil mag me make up pa ako. Pumayag naman sila at sinabing sila na raw ang bahala.

Kanda ugaga ako sa pagluluto at si Queeni naman ay nag presenta na siya ang mag bebake dahil bukod sa pagiging police ay hilig din ng kaibigan ko ang magluto o mag bake. Si Joshua naman ang nagpresenta na mag aayos sa teresa ng final na decoration kaya wala akong ideya kung ano talaga ang buong set-up.

Denny is helping mamita Rosing to set up the barbeques. Hindi iyon kasali sa date namin ni Felix. Ang niluluto ni Denny ay para sa inuman session mamaya.

Saktong alas singko ay natapos na ang lahat. Dumating na si Gladie at tumulong siya sa paglilinis para hindi halata na may ginawa kami at kunware ay gumala lang dito ang mga kaibigan ko.

Dali-dali kaming pumunta sa kwarto namin ni Felix para mag make up. Manghang mangha parin sila sa bahay at hindi ko sila masisisi doon dahil gano'n din ang reaction ko nang makaratiny ako dito.

Sila din ang pumili ng aking damit at napili nila ang isang open sa likod at sexy na sexy sa harap na damit. Diyos ko po!

Magrereklamo na sana ako nang...

"Gusto mo bang magkaanak kayo?" Tanong ni Joshua. Tumango ako.

"Well, ngayon na ang chance mo na ma chansing ang asawa mo!" Tuwang tuwa pa siya. Napaisip ako. Nakadalawang ulit na kami nag make love ngunit hindi ako ang nag iinsist niyon kundi siya palagi. Siguro ay pwede ko ring gawin iyon sa kaniya. At paalala, meron kaming marriage certificate.

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon