Chapter 16

15.7K 345 10
                                    

Nang tumunog ang alarm ko ay napamulat ako ng aking mga mata. Nag blink ako dahil hindi ko alam bakit hindi ako makagalaw.

Sinubukan kong tumagilid at napangiwi kaagad ako. Ang sakit ng katawan ko, para atang nabugbog ako ng pitong demonyo sa sakit. Nangangalay ang buo kong katawan na halos hindi ko maigalaw. Pinakiramdaman ko din ang ulo ko dahil medyo lumalabo ang paningin ko.

Pucha, ang sakit ng katawan ko. Sumakit ang ulo ko pati bewang ko sexbomb sexbomb. Charot lang.

Tinignan ko ang aking cellphone at nakita kong alas kuwatro dyez na. Alam kong kailangan ko nang bumangon pero hindi ko kaya. Ang sakit ng katawan ko at hindi narin mabuti ang pakiramdam ko. Kaya naisipan ko munang matulog muna. Sampung minuto lang.

Someone's Point of View

Alas syete na nang bumaba si Felix sa kaniyang kwarto at agad na pumunta sa kusina. Nagtaka siya kung bakit si mamita Rosing ang nagluluto gayong kahapon naman ay may nakahain nang pagkain sa mesa pagka gising niya at sinabing niluto ito ng asawa bago umalis para mag trabaho.

"Mamita, why are you still cooking? Alex didn't cook?"

Nagtataka itong napatanong habang umupo sa stool. Agad namang humarap sa kaniya si mamita Rosing.

"Hindi pa naka baba si Alex mula kaninang alas kwatro. Ako ga'y nagtataka, akala ko may trabaho pa siya ngayon"

Napa ngiwi siya ng kaunti at agad na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at kinatok ang kwarto ng asawa ngunit walang sumasagot. Bigla naman siyang kinabahan ngunit nanatiling kalmado. Binuksab niya ng dahan dahan ang pintuan at agad nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang asawa.

Balot na balot ito sa makapal na kumot at tila ba nanginginig. Tinakbo niya ang distansya mula sa pintuan at kama ng babae.

"Alex, wake up"

Niyuyogyog niya ito ngunit hindi ito nagising. Kinapa niya ang noo ng asawa at napa mura siya nang naramdaman ang init nito.

Agad siyang tumakbo papuntang hagdan at nakisuyo kay mamita Rosing ng maligamgam na tubig at bimbo.

"Alex, gising"

Naramdaman niyang gumalaw ito ngunit ngumingiwi.

"A-aray" daing nito.

"Stay still"
Untag niya sa asawa. Inayos niya ang permi ng asawa at hinimas ang ulo nito.

Kinakabahan siya sa sitwasyon ni Alex dahil ni minsan sa buhay niya ay hindi pa niya naranasan ang makakita ng ganitong klaseng sitwasyon kapag nilalagnat.

Nagmadali siyang inilabas ang kaniyang telepono at tinawagan si Dr. Cherry Braña, ang kanilang family doctor.

On the phone....

Hello, good morning Mr. Velasquez how may I help you?"

Tono ng nasa kabilang linya

"Good morning doc, I would like to request your presence in my house. My wife is very sick right now"

Pag rerequest naman ng Ginoo.

"Okay, no problem. I'll be there in 20 minutes I guess" sagot ng kabilang linya.

" Okay doc. Thank you"

Agad niyang tinapos ang tawag at sakto namang dumating si mamita Rosing dala ang palanggana na may lamang maligamgam na tubig at bimpo.

Nagpasalamat si Felix dito at agad na nag request na gumawa ng isang porridge. Hindi pa nakakain ang asawa ng agahan at siya din ngunit hindi niya inisip yon.

Kinakabahan siya sa sitwasyon ng asawa ngunit kalmado parin siya.

Nang mailagay niya ang basabg bimpo sa noo ni Alex ay agad niyang tinawagan ang sekretarya at ipinag utos dito na ikansela muna ang kaniyang mga gagawin ngayong araw at sabihan ang head ng cleaning staff na absent muna ang asawa dahil sa matinding sakit nito.

Pumikit siya at hinilamos ang kaniyang mukha.

"This is my fucking fault"

Agad niya pinakatitigan ang asawa at may kung anong biglang sumabog sa kaibuturan niya.



Alex's Point of View

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko naman agad ang lalaking naka upo sa aking gilid at naka tingin saakin.

Bigla akong bumangon ngunit napadaing ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Pucha, bugbog sarado ata ako ng tambay sa kanto.

" Don't move"
Agad niya akong inalalayan at nilagyan ng unan ang likod ko para masandalan ko.

" K-kailangan ko nang bumangon, m-may trabaho pa ako diba"

Kahit nagsasalita ako ay hindi ko maiwasang mapadaing.

"I already called your head. Eat first, the doctor will be here anysoon"

Bigla niyang sinubo sa akin ang hinilan niyang lugaw. Aagawin ko sana ang kutsara sa kaniya nang tinignan nia ako ng masama.

"K-kaya ko naman" reklamo ko.

" I didn't say you can't" sabi niya.

"Bakit mo ako susubuan?"

"Tumahimik ka at kainin mo to"

Hindi na ako nag reklamo at ibinuka ko na ang aking bibig.

Habang sinusubuan niya ako ay agad namang bumukas ang pintuan ng kwarto at bumungad doon ang isang medyo may katabaan ngunit napaka gandang babaeng naka suot ng uniform na pang doctor.

"Good morning Mr. and Mrs. Velasquez"

Pagbati nito at ngumiti. Agad namang sumenyas saakin ang aking asawa ng 'wait lang'. Ngumiti ako kay doktora.

Agad itong pumunta sa aking kanang pwesto at si Felix naman ay sa aking kaliwa.

"How do you feel Mrs. Velasquez?"
Tanong nito at inilagay ang stethoscope sa aking dibdib pati narin sa kaniyang tenga.

"Masakit po ang aking katawan doc. Nahihilo din po ako" pag aamin ko.

"Did you do something hard things?"

Tumango ako dahil totoo naman. Unang araw ko sa trabaho ko kahapon ngunit madami akong nilinisan at natutuyuan ako ng pawis kahapon.

Masyado ko atang pinagod ang sarili ko sa pag tatrabaho kahit na alam kong unang beses ko palang gawin ang mga iyon.

"Well Mr. Velasquez, your wife is experiencing an over fatigue due to some activities that she did that causes her body to break down. And since connected ang mga muscles natin ay nilagnat din siya dahil sa nararamdaman niyang pananakit sa katawan"

Mahabang paliwanag ng doktor, tumango tango naman ang nasa tabi ko.

" Irereseta ko itong pain reliever and some headaches tablets na aking dala. Please make your wife rest for the mean time, walang mabigat na trabaho please"

Nang matapos ang diskusyon ng doktora ay agad naman itong nagpaalam na aalis na dahil may mga pasyente pa itong naghihintay sa kaniyang clinic.

Nagpasalamat naman kami. Gano'n pala pag masyadong napagod?

Pinagpatuloy naman ni Felix ang pagpapakain sa akin at pinainom niya ako ng gamot.

" Sleep again, I will be right here"

Pag cocomfort niya saakin.

"Hindi ka papasok sa opisina?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Im staying here with you until you will feel better" hinimas niya ulit ang aking ulo at ilang minuto ay naitali niya na ang aking buhok dahil nakikita niya ang pawis na dumadaloy sa mukha ko.

Napangiti ako at agad na umayos ng aking posisyon dahil ibinalik niya ito sa pagkakahiga.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang labi niya sa aking noo.

"Get well my wife"

END OF CHAPTER

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon