Chapter 22

15.2K 282 7
                                    

Please bear with my typographical errors sometimes. Hindi ko kasi dino double check kapag nag uupdate ako. And also, pigilan niyo yung mga puso niyo at baka bigla nalang kayong mag "My heart went ops" pag nabasa niyo to. Here's an update for you guys! Keep safe and stay at home until the virus is gone❤️

                  -Throney

Lahat na ata ng sulok ng bahay ay nalinis na namin ni Gladie. Si Gladie yung nakakausap ko palagi dahil vibes kami e. Everytime na dumadating siya galing school ay agad siyang pupunta sa kwarto namin ni bossing o kaya naman pag hindi niya ako nakita doon ay hahanapin niya ako. Nasa kusina lang naman ako palagi, lamon ng lamon.

Araw ng sabado at walang pasok si Gladie nang magkatuwaan kaming dalawa sa garden.

"Gladie, picturan mo nga ako" sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at agad na kinuha ang bago kong cellphone. Char yabang.

Pose ako ng pose kahit anong anggulo. Hinawakan ko ang hose at pinaandar iyon saka tinapalan ko ng aking daliri ang butas para tumalsik. Pang Instagram ba ga. Haler, kahit keypad ang cellphone ko noon ay kompleto ako sa social media gawa ng pagpapahiram ng mga kaibigan ko ng cellphone nila.

"Ang ganda mo ate!" Mangha niyang sabi.

Tumawa naman ako. "Talaga ba? Tingin nga".

Tuwang-tuwa kami ng makita namin ang picture ko dahil parang model na model ako sa aking lagay, dagdagan mo pa ng aking mga piercing sa kanang tenga, tatlong magkaka sunod-sunod.

"Dali ikaw naman!"

Wala kaming ginawa kundi pag aksayahan ang tubig. Hindi naman kami ang magbabayad.

Panay puri namin sa aming mga sarili ng kaniya kaniyang pose.

"Ate, kung mag vlog ka kaya?"

Humarap ako sa kaniya at ngumiti ng nakakaloka.

"You have a great idea! Pero san naman ako makakakuha ng camera"

"Pwede naman yang Iphone mo po ate, pero may nakita akong camera sa kwarto ni kuya Felix a"

Pumalakpak ako. Masubukan ngaaaa. Wala naman kaming ginagawa e.

Bago yun ay nag text muna ako sa aking bossing. Siyempre tuwang-tuwa ako dahil hindi na ako magpapaload. Naka plan na ako. Yayamanin.

To: Ginoong Gago

Hi, pwede ba magtanong?

Ilang minuto pa ang itinagal bago siya makapag reply.

From: Ginoong Gago

Hmm

Sungit naman nito. Magtatanong lang e.

To: Ginoong Gago

May camera ka ba dito sa bahay? Pahiram naman o, mag vavlog lang ako. Wala akong magawa e. Hihi

From:Ginoong Gago

Lower left side of the Television. Handle it with care.

To:Ginoong Gago

Yey! Thank you! Sali kita sa next vlog ko.

Hindi na siya nag reply at patakbo naming kinuha iyon ni Gladie.

"Gladie, marunong kaba mag edit?"

Grade 12 na si Gladie at matalinong bata siya.

"Opo naman, simple lang yun"

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon