Chapter 20

16.3K 289 6
                                    

Matinding katahimikan ang bumalot sa amin habang nag mamaneho siya ng sasakyan.

"Kumain ka na ng dinner?" Tanong ko.

Oo nga at gumala kami at nakita niya akong umiinom ng lemon juice pero hindi panghapunan iyon.

Umiling siya.

"Pagluluto kita" tugon ko. Tumingin naman siya sandali saakin at ibinalik sa harap ang mata. Umiling siya ulit.

"We'll have dinner dito sa labas. Tomorrow ka nalang mag luto" saad niya kaya tumango ako sa kaniya.

"How was your day with your friends?" Paninimula niya nang tumahimik kaming dalawa ng ilang minuto.

Ngumiti ako nang maalala ko ang nangyari sa amin ng mga kaibigan ko.

"Sobrang saya" sagot ko habang naka ngiti. Palagi naman talaga kasi akong masaya kapag kasama ko silang tatlo. It feels like, there's nothing else I could wish for. Tama ba grammar ko? Ikaw na maghusga total judgemental ka naman. Charot.

"How did they react to your news?" Tanong niya ulit.

"Siyempre nagulat sila. Hindi sila maka paniwala. Proud na proud sila saakin kasi sabi nila ang swerte ko daw sayo. Hindi nila alam ikaw ang swerte sa akin kasi kahit hindi tayo masyadong magka kilala ay pinagka tiwalaan mo ako. At ako'y mabait saiyo. Hindi naman ako mabait sa iba lalo na kapag hindi ko kakilala kaya magpasalamat ka dahil naiiba ka sa lahat"

Nang matapos akong mag salita ay tinakpan ko ang bunganga ko. Ingay mo.

Nakita ko namang ngumiti siya dahil sa pagsasalita ko.

"Legit, I am very blessed beyond to have you"

Ako naman ngayon ang napa nga-nga. Bago pa ako maka sagot ay pumarada na siya sa isang sikat at mamahaling restaurant.

Bumaba siya at bigla niya akong pinagbuksan ng pinto. Taray gentle.

Nagpasalamat naman ako at sabay kaming nag lakad papasok.

"Good morning sir, table for two?" Tanong ng isang waiter.

"Yes please"

Iginiya kami ng isang lalaking panay ang tingin sa akin. He's pogi. Sobrang puti. Ito ata yung taong kapag tinamaan ng init ay mamumula lang ang mga pisngi. Chinito siya.

Nagpasalamat naman kaming dalawa at umorder na nang kami ay maka upo.

Naghihintay kami ng pagkain nang may maalala ako. Agad ko namang kinuha sa bag ko ang binili ko kanina.

"May ibigay pala ako saiyo" saad ko habang kinalkal ko ang bag ko. Tumaas ang kilay niya at para bang nagtatanong kung ano.

Inilahad ko sa kaniya ang isang box na naglalaman ng binili kong necktie at sa ibabaw noon ay ang kaniyang Credit card.

"What's this?" Tanong niya habang kinuha iyon sa aking mga kamay. Inilagay niya muna sa mesa ang card at binuksan ang box.

"Binili ko yan para saiyo, masyado kasi maganda sa paningin ko. Maganda din ang presyo, napalaki pa nga ang mata ko e. Pero pera mo naman ang ginamit ko kaya walang pera hihi"

Tumawa pa ako ng konti. Ang saya ko kaya dahil nabilhan ko siya ng regalo.

"Didn't you bought for yourself?"

Umiling ako.

" Nakabili na ako ng mga kailangan ko at sakto na iyon. At iyan regalo ko yan sayo kasi ang bait mo sa akin. Yun nga lang pera mo din ang ginastos ko. Sabi ko kasi humanda ako kapag hindi ko bawasan ang laman ng card mo"

Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Nagulat naman ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. Shet, I can feel the spark. Char.

"Thank you" ngumiti siya at holy cow! Ang sarap niya ngumiti ng sobrang lapad. Hubarin ko na ba ng makapag honeymoon na? Charot.

Nang maka ramdam ako ng kuryente sa katawan ay agad kong binawi ang kamay ko. Sakto namang dumating ang order namin.

Nagtataka lang ako dito sa waiter at panay ang ngiti sa akin. Well, sa ganda ko ba namang ito.

Sa puntong ito ay may naisip ako. Kaso naalala ko, keypad pala ang telepono ko.

Tumikhim ako at tumingin sa kaniya na patuloy sa pag nguya.

"Bossing, pwede pahiram ng cellphone mo?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya. Itong taong to, palagi nalang kumukunot ang noo.

Binigay rin naman niya ito sa akin. Siyempre kahit keypad lang ako ay marunong akong gumamit ng iphone 11 pro no. Ganda ng cp niya. Sana lahat.

Binuksan ko ito at nakita ko kaagad ang camera at agad kong pinindot ang front camera.

"Harap ka dito" sabi ko at agad kong clinick ang button.

"Selfie"

Ngumiti ako sa camera at nakita ko rin siyang ngumiti.

"Picturan mo naman ako boss, pang profile picture ko lang sa fb, sinaunang panahon pa yong profile ko doon" pagpapaliwanag ko.

Agad niya naman itong kinuha.

"1 2 smile" utos niya.

At syempre dahil isa akong mukhang model ay agad kong pinagsiklop ang dalawa kong kamay at nag fierce. Taray.

Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat. Nagpatuloy kami sa pagkain nga tahimik. Tuwang tuwa ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon a. Parang blessing in disguise.



Alas otso na nang kami ay nagpasyang umuwi. Nasa sasakyan kami at akmang uusad na nang magsalita siya.

"Oh well, I forgot to give you this"
Humilig siya ng konti at may kinuha sa dashboard ng sasakyan sa harap ko.

Nanlaki ang mata ko. Kakasabi ko lang ng sana all!

"I consider this dinner as our first date so here's my gift for you also" inilahad niya ang isang box na naglalaman ng cellphone. Ito parehas ito ng kaniya.
Mangiyak ngiyak kong tinanggap ito. Malapit na talagang tumulo ang luha ko dahil sa galak.

"H-hindi mo naman kailangang bilhin to para sa akin" sabi ko.

Umiling siya.

"I've noticed your phone and it looks like you. Masyadong matanda" pang aasar niya.

Tumawa ako at tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Agad ko siyang niyakap dahil sa tuwa.

"Maraming salamat, huhu"

Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik.

"Stop crying, you deserve that"

Ang puso ko ay umiiyak sa galak sa lahat lahat.

END OF CHAPTER

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon