Chapter 21

14.9K 303 8
                                    

Matamlay akong bumalik sa kwarto ko nang sumunod na araw dahil isang gabi ay pinapunta ako ni bossing sa kaniyang opisina dito sa bahay.

Hindi na raw ako mag tatrabaho. Agad na nangasim ang mukha ko nang marinig ko iyon. Naiiyak ako ng maalala ko ang nangyari kanina.

Rewind....

Kumatok ako sa kwarto niya dahil ipinaabot niya kay Gladie na papuntahin daw ako dito sa kaniyang opisina sa first floor sa dulo ng sala.

"Come in" agad kong narinig mula sa loob kaya pinihit ko ang pintuan. Ngumiti muna ako sa kaniya. Napalunok ako ng napatingin ako sa kaniya dahil kagat kagat niya ang kaniyang labi.

G please wag ngayon.

"Pinapunta mo daw ako?" Tanong ko.

"Upo ka dito" iminuwestra niya ang upuan sa harapan ng kaniyang mesa. Agad akong umupo dito.

Tumaas ang kilay ko senyales na naghihintay ako ng kaniyang sasabihin.

"I'm not gonna let you work anymore." Agad-agad niyang saad. Nanlaki na nama ang mata ko at kinagat ko nanaman ang aking kuko sa aking index finger. Ganiyan ako kapag kinakabahan o kaya naman naghihintay ng mga susunod na mangyayari sa climax. Mannerisms ko yan.

"H-ha? B-bakit?"

No, hindi ako pwedeng tumigil. Hindi ko pa natutupad ang mga pangako sa sarili ko na ang sahod ko ay ihahati ko sa lima kong kasama sa opisina.

"I don't want you to be sick again" saad niya habang naka tingin sa aking mga mata ng diretso. Napalunok ako. Pinipigilan ba ako neto or nang aakit? Kasi kung oo, aba nagtagumpay siya dahil gusto ko nang maghubad sa harap niya right now. Char keme lang.

"Per-"

"Tapos ang usapan, go back to your room now"

Ngayon ay hindi na siya naka tingin sa akin. Pinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawang ka kemehan sa buhay.

Huminga ako ng malalim at muling nag salita.

" Basta pangako mo na sasahuran mo ako sa pinagtrabahuan ko kahit ilang araw lang iyon, tapos ihati mo sa lima kong kasama sa cleaning area yung sahod ko" pagpapaliwanag ko.

Tumango siya.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa kwarto ko.

At ngayon ay iniisip ko padin ang pag fired sa akin ng wala sa oras. Ano naman kaya ang gagawin ko sa buong buhay ko. Siyempre alam ko bukod sa pagiging asawa.

Tatanggalin mo ako sa trabaho ha?

Agad ako naka isip ng isang napaka brilliant idea. Sometimes, I am a little bit smart.

Tinawag ko si Gladie sa kaniyang kwarto kahit na alam kong alas nuebe na ng gabi. Total nasa opisina naman siya. Isang malaking HA HA HA lintek lang ang inaapi.

"Bakit po ate?" Tanong niya nang makapasok siya sa kwarto ko.

"Tulungan mo akong ilipat ang mga gamit ko sa kwarto ng kuya Felix mo. Pero dahan dahan lang tayo at baka marinig niya tayo sa baba. Kailangan natin bilisan."

Tumango naman siya at patakbo akong pumunta sa kwarto ng akong Ginoo. Ayaw mo pala ako pagtrabahuin ha.

Nanatili ako sa loob ng kwarto dahil sinabi ko kay Gladie na siya nalang ang maghakot ng gamit at ko naman ang mag aayos noon dito sa aparador ng walk in closet ni Felix.

Binuksan ko ang isa sa mahabang closet at nagulat ako dahil walang laman iyon. HA HA HA nakikiayon ka sa plano ko.

Agad-agad naming naayos iyon dahil hindi naman maayadong madami ang gamit ko. Nilagay ko rin ang towel ko sa banyo niya pati ang mga skincare products na binili ko at ang toothbruh ko ay itinabi ko sa toothbrush niya.

Gusto mo palang maging full time housewife ako ha. Okay sige.

Nang matapos ang lahat ay nagpasalamat ako kay Gladie at pumalakpak ako dahil sa tuwa.

Mag tiis ka ngayon Ginoo dahil ako ang mag hahari. Sa kwartong ito.

Teka reyna pala. HA HA HA

Nilibot ko ang kwarto. At umiling iling. Siguradong comfortable ako dahil mas malaki ang kama na ito.

Dahan dahan akong bumaba at kumuha ng chichirya sa kusina. Agad akong tumakbo papuntang kwarto nang makakuha ako. Binuksan ko ang tv at sumandal ako sa headboard ng kama. Let's be a boss. Char keme lang.

Kumain ako habang nanunuod ng may pumasok na. Kinakabahan ako pero hindi ako nagpahalata at nag patuloy sa panunuod.

Naramdaman kong tumigil siya ng sandali at alam kong na shokt siya. Tawa padin ako ng tawa dahil sa palabas na pinapanuod ko. Nakita kong dumaan siya sa harap ng t.v at pumunta sa banyo.

Ipinikit ko ng konti ang mata ko. Siguradong nakikita niya na ang mga gamit ko dito. HA HA HA.

Agad kong binalik ang atensyon ko sa tv nang nakita kong palabas siya.

Pumunta siya sa gilid ng kama at humiga.

HUMIGA?!

"Hoy! Hindi kaba mag tatanong kung bakit ako nandito at kung bakit andito ang mga gamit ko?"

Hindi ganitong reaksyon ang inaabangan ko. Dapat kasi sabihin niyang....

"Bakit andito lahat ng gamit mo?! Lumabas ka"

Pero hindi! Wala akong narinig ni kahit isang nga-nga sa kaniya.

Nilagay ko sa bedside table ang junkfoods na kinakain ko at agad na nag indian sit sa gilid niya.

"Anong klaseng reaction yan?!" Nagagalit ako kasi dapat magalit siya!

Lumakas ang tibok ng puso ko nang agad siyang bumangon at tinulak ako pahiga.

"A-anong g-ginagawa mo?" Nauutal kong tanong.

Nginitian lang niya ako at agad na bumalik sa pagkakahiga. This time naka tagilid siya paharap sa akin at naka yakap ang kanang braso sa tiyan ko. Shutanginabells!

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sabi niya.

Halik.... halik.... halik....

"Hoy! Bitawan mo ako, gugulpihin kita"

Agad na namang lumaki ang mata ko nang pinasok niya ang  index finger niya sa ilong ko!

Pucha, may uhog yun nang inilabas niya. Tinignan niya ito at tumawa at agad niya itong inilagay sa aking noo.

"Dami mong uhog sizst" panunukso niya.

Naiiyak na ako. Nakakahiya!

"Ang dugyot mo!" Saway ko.

Tumawa lang siya at pinahid ang index finger niya sa laylayan ng pantulog kong damit at agad na umakap muli. Hindi ako makagalaw.

"Matulog kana, wag kanang mag reklamo. You didn't say na you want to sleep beside me from the very start"

Panunukso niya habang nakapikit.

Namait ang mukha ko.

Hayop! Nakaka hiyaaaaa.

Kinuha ko nalang ang uhog ko na pinahid niya sa noo ko at pinahid kung saan.

Pinikit ko nalang din ang mata ko.

                END OF CHAPTER

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon