Ilang araw na akong nandito sa condo ng mga kaibigan ko. Palaging nag riring ang cellphone ko ngunit wala akong balak na sagutin ito.
Isang libong misscall na ata mahigit ang denededma ko.
From:Ginoong Gago
Love please, talk to me. I will tell you everything. Just let me explain. I miss you so much and I love you. ❤️
Ini-off ko ang cellphone matapos kong makita ang bago niyang text sa akin. Hindi naman sa nag iinarte ako pero nasasaktan talaga ako. Sino ba namang gago ang hindi masasaktan sa nakita mo ang asawa mong may ka chukchakan na iba? Pag-aari mo yun!
"Queen alis ka na?" Tanong ko sa kaibigan ko nang makita ko na nakasuot police uniform na siya. Tumango siya.
Tumayo ako sa sofa at hinalukay ang bag ko.
"Saan ang rota mo mamaya?" Hindi ako nakatingin sa kaniya dahil hinahanap ko ang wallet ko.
"Medyo malayo layo e, may operation kami mamaya why?" Tanong niya pabalik. Pumasok na kaninang alas sais si Joshua at si Denny kaya si Queenie nalang ang natitira dito.
Nang makita ko ang wallet ko at binuksan ko iyon at kinuha ang isang credit card.
"'Pag withdraw mo ako ng pera. Singkwenta mil. Wag kang mag withdraw ng malapit dito at baka malaman na nandito ako sainyo" pakikisuyo ko.
"Okay, yun lang ba?" Sagot niya at kinuha ang credit card na ibinigay sa aking ni Felix noon. Hindi ko alam kung magkano ang laman noon.
"Pwede ba pakibilihan mo ako ng gatas? Yung pang buntis?"
Tumango siya at nagpasalamat ako. Kailangan kong alagaan ang sarili ko para sa anak ko. Hindi pala madali ang magdalang tao. Lalo na at nasa thirteen weeks na akong buntis. Base sa search ko sa internet, ang trimester period ay doon nangyayari ang pagsusuka at pagkakaroon ng amats sa utak dahil masiyadong sensitibo.
Gustohin ko mang nag puyat kakaisip pero wala akong magawa dahil pinapatulog ako ng mga kaibigan ko ng maaga. Somehow, I thank G for giving me such a supportive friends because they were always here for me through ups and downs.
Ini-on ko ang cellphone ko dahil bagot na bagot na ako. Isang linggo narin akong walang vlog. At hindi ko pwedeng e share yon sa mga taga suporta ko dahil panigurado ay masasaktan din sila at paniguradong may ma babash. Alam ko ang ikot ng social media ngayon kaya mas maiging tumahimik nalang kaisa sa dada ng dada. Hindi nakakatulong sa lipunan yun.
Hinimas himas ko ang tyan ko nang mabuksan ko ang facebook ko. Madami nang nag ta-tag sa akin kung bakit daw hindi ako nakapag upload ng video sa youtube. Hindi ako pwedeng nag reply, dahil alam kong malalaman ni Felix ang location ko kapag nag reply ako. Ayokong e turn off ang location at bakit ba? Buhay ko to. Kailangan ko lang ng break at matiwasay na buhay for now. Para sa anak ko. Para sa anak namin.
Nagulat ako nang mag ring ang cellphone.
Ginoong Gago calling....
Naramdaman ko ulit ang karayom sa puso ko ng maalala ko ang nangyari. Pucha, sakit non. Hindi ko na namalayan na nasagot ko pala ang tawag niya.
"Wife where are you? Please answer me"
Narinig ko ang boses niya sa kabilang linya. I miss you.
"Wife, mababaliw na ako kakahanap sayo"
Huminga ako ng malalim.
"Hello" sagot ko sa kaniya.
"Alex, tell me where you are. Susunduin kita"
"Okay lang ako. Wag ka na mag alala" tugon ko at tinakpan ang bibig ko dahil medyo may bumara sa lalamunan ko. Naiiyak ako bakit ba.
"No mag usap tayo. I won't stop until you talk to me in person"
Huminga ako ng malalim.
"Magkita tayo sa ****** " tugon ko. Kailangan kong malaman ang lahat para isang bagsakan nalang ng sakit. At kung totoo man ang nakita ko at kung may ibig sabihin man sa nakita ko, kaya ko naman buhayin ang anak ko gamit ang sarili kong pawis.
Sometimes, we tend to give all our love into someone. We forget about ourselves. Saka mo lang ramdam yung sobrang sakit pag nasaktan ka siyempre dahil binigay mo lahat ng pagmamahal. Nakalimutan mong may sarili kang dapat pag laanan non.
Matapos kong e end ang call ay agad akong nag ayos. Isang bestida ang suot ko. Above the knee ito at maluwag. Para hindi ma-ipit ang anak ko.
Malayo ang napili kong pagkakitaan namin dahil ayokong malaman niyang nasa condo ako ng mga kaibigan ko dahil panay tanggi nila Queenie na kasama nila ako.
Nang dumating ako ay hinimas ko muna ang aking tiyan saka ako pumasok.
Maging malakas ka para kay nanay, kakausapin ko lang itong ama mong cheater.
He is wearing a black shirt together with a blue pants and a nike shoes. Makapal na ang kaniyang balbas na para bang pinagkaitan siya ng mundo sa kabila ng ilang linggo na akong wala sa bahay. Wag ka muna marupok Alex. May aalamin ka.
Agad akong umupo sa harap niya nang makita ko ang pwesto namin.
Wala akong emosyon na ipinakita. Na mimiss na kita.
"Love, I am sorry" untag niya nang nakita niyang ayos na ang pagkakaupo ko.
Dumating sa amin ang order niya na atang pagkain. Nanunubig ang bagang ko nang makita ko ang isang strawberry cake sa harap ko. Pero hindi ako nagpdala sa tukso.
"She is Meliza. She's one of my business partner. Nag-uusap lang kami non ng maayos at I didn't expect for those to happened"
Hindi ako nagsalita. At imbis na kape ang inumin ko ay tubig nalang.
Tumingin ako sa kaniya."Kaya ba sinabi niyang 'diba kasal lang kayo sa papel' kasi business partner mo lang siya? HAHAHAHA" pakla akong tumawa ng sinabi ko iyon.
Hinawakan niya ang kamay ko tinabig ko yon.
"Love hindi niya alam ang nangyari sa atin. Ang alam niya lang ay kasal tayo. She doesn't need to know everything about my personal life because she is just part of my business and not my life" may luha nang tumulo sa kaniyang mata.
Tumulo ang luha ko sa narinig ko. Pero bakit ang sakit?
"Hayaan mo muna ako mag isip. Just one week again Felix" sa puntong ito ay hinawakan ko ang kaniyang mukha at pinahid ko ang luha niya. Hinawakan niya ang kamay at hinalikan ito.
"Where are you staying at? I called your friends and they also don't know where you are"
Siyempre hindi nila sasabihin.
"Ang importante buhay ako" kami ng baby mo.
"I'm sorry for breaking your heart without me knowing it" saad niya.
"I love you wife"
Ngumiti ako sa kaniya at tumayo na. Pag-iisipan kong mabuti.
Hinawakan niya ang kamy ko pero hinila ko iyon. At bago paman ako makaalis ay..."Ayusin mo yang sarili mo, ang dugyot mo" saka ako tumalikod.
Hindi pa ito ang tamang araw para sabihin kong may anak kana. Dahil hindi pa ako handa. Char!
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
MR. CEO [COMPLETED]
RomanceThe person who you don't expect to come will be yours for the rest of your life.