Nagising ako at bumangon, pinilit ko ulit ang mga mata ko habang nakaupo sa kama. Totoo nga ito, at hindi na ito panaginip pa! Nandito nga ako sa bahay na malaki.
I'm not dreaming anymore, it is the reality, charot. Nabasa ko lang yun.
"Goodmorning Sabrina"
Sigaw ko bago humarap sa salaming napakalaki.
"Fresh ka pa din"
Pinihit ko ang pintuan ng kwarto kung saan ako natulog at unti-unting naglakad, sa hagdan. Apakayabang talaga ng bahay nato. Hindi na ako nakapag home tour kagabi kasi diretso kusina ang lapag ko.
Habang pababa ako ng pababa sa hagdan ay nakita ko ang malalaking painting, family pictures at kung ano ano pang mga naka kabit dito. Akala ko unico ijo lamang siya ngunit may nakita akong lalaki sa tabi niya, tila malayo ang agwat ng kanilang edad kung titignan mo sa itsura. Kapatid ba ito?
Malayo ang itsura nila ng kapatid niya dahil tinignan ko ang mukha nila ay parang hinati nila ang mga itsura. Wag kang bobo hindi literal na hati ang sinasabi ko kundi nakuha nila, genetically ang hitsura ng kanilang mga magulang. Gets niyo ba? Ako din hindi.
"Iha, anjan kana pala, halika at kanina kapa hinihintay ni Felix sa hapagkainan"
Biglang bungad ni manang Rosing saakin nang akoy maka baba sa hagdan.
"Hindi pa siya umalis manang?"
tanong ko sakaniya.
"Ay hindi pa ija sasama ka raw sa kanya at may pupuntahan kayo"
"saan daw po?" tanong ko
"Hindi niya naman sinabi kung saan kayo pupunta"
"Sige po"
Dumiretso ako sa kusina, siyempre alala ko kung saan ang kusina kasi paboritong lugar ko ang kusina.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa upuan, nakayuko ako. Lakas ng tibok ng puso ko. Nahihiya kasi ako, ang fresh niya na sa umaga. Ako dugyot padin. Naka pajamas lang ako at naka oversized t-shirt, wala pang bra.
"Eat now"
"Ay pogi"
Nagulat kasi ako nang magsalita siya. Pano yung gulat?
"Huh?"
Ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya at dahan dahan kinuha ang tinidor para isaksak sa kaniya, charot siyempre keme lang.
Magugulatin talaga ako sa mga bagay bagay. Nagulat nga ako bigla niyan nalang akong iniwan e.
"Eat"
maawtoridad niyang sabi
siyempre sa wala akong hiya, dinami ko na yung pagkaing nilagay ko sa plato saka nilantakan ko na ang pagkain. Tatanggi paba ako. Ika nga nila, wag mong tanggihan ang grasya dahil bigay ni G yan.Walang salitang lumalabas sa bibig ko, ayokong mag talk while eating, it will show some disrespect.
"Saan nga pala tayo pupunga sir?"
Na curious ako sa sinabi ni manang kanina kaya tinanong ko na siya.
"Basta"
Magkano ba bayad sa salita mo at bibilhin ko? Charot wala pala akong pera.
"Manang, mamaya na yan. Kumain kana dito"
Bigla kong naitaas ang aking ulo habang kumakain nang marinig ko ulit ang boses niya.
"Anak mauna na kayo, hindi pa naman ako nagugutom"
Narinig kong pagpapaliwanang naman ng matanda habang may kinakalikot sa lababo, hindi ko ito makita dahil nakatalikod si mamita saakin.
"Wala naman akong sinabing gawin mo yan diba?"
Tumaas ang kilay niya, nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Habang siya ay naka tingin kay manang at si manang naman ay patuloy padin sa pagkalikot nang kaniyang ginagawa.
Para siyang anak na sinusuway ang matandang ina para kumain muna at wag unahin ang mga bagay bagay.
Tumawa lang si mamita at hindi pinakinggan ang amo. Abuh, bilib ako dito kay manang a, nagmamatigas.
At maligaya ang kain naming tatlo, kami lamang ang nag-uusap ni manang habang siya ay tahimik na kumakain at sumimsim ng kape.
"Gladie!"
Agad siyang sumigaw. Na parang may tinatawag.
Bigla namang may tumakbo na isang babaeng nasa dise-otso ang edad papunta sa kusina.
"Anong ginagawa mo sa labas?" Tanong niya.
Bakit ngayon ko lang ito nakita. Tulog ba siya kagabi pagdating ko?
"Nagdilig po ako ng halaman ser"
Sagot naman ng batang babae.
"Kumain kana?"
Nakatingin siya sa relo niya. Nakaligo na siya gaya ng sabi ko at naka suot lamang ng puting damit na bakay na bakat ang kaniyang abs.
"Opo, ser. Sabi kasi ni mamita mauna nadaw po akong kumain"
Napaka hinhin ang boses ng batang ito. Walang takot sa kaniyang mga mata habang sumasagot sa tanong ni Felix.
"Kindly, do the thing na ginagawa ni manang diyan sa lababo"
Tumingin ulit siya sa relo niya at tumingin saakin.
"And you, bilisan mo ang pagkain at maligo kana, aalis tayo agad after you done preparing yourself, I will prepare for myself also"
Bigla itong tumayo at sinundan ko kung saan siya pumunta. Umakyat siya sa hagdan. Pupunta ata sa kaniyang kwarto.
Nagpasalamat ako kay manang at nagpakilala din ako kay Gladie, bago pa pala siya dito.
Tama nga ang hinala kong 18 pa siya. Dahil sa dakilang tsismosa ako ay tinanong ko siya kung bakit siya napadpad dito.
Sa kalye lang daw siya nanatili simula noong 15 years old siya, paligoy ligoy. Isa siyang street child. Wala nading magulang.
Nakita daw siya ni sir sa gilid ng daan, nahimatay daw siya noon dala nadin ng gutom dahil walang makain. 17 na siya nang panahong napulot siya ng amo sa daan. Nang gumising daw siya ay malinis na siya at bigla siyang kinamusta ng lalaki.
Hindi daw ito nag alinlangan na kunin siya, pinag-aral din siya nito nang walang hininging kapalit. Ngunit dahil ayaw niya maging pabigat ay siya ang nag offer sa kaniyang sarili na maging isa sa mga kasama sa bahay. Tumutulong daw siya kay mamita sa mga ginagawa nito. At laking pasalamat daw niya nang binigay ng Diyos sa kaniya ang isang napaka mabuting tao.
Bakit parang masungit sa akin?
END OF CHAPTERa/n: Yung kay ate na unang nag comment sa update para sayo to.
Happy Reading!
BINABASA MO ANG
MR. CEO [COMPLETED]
RomanceThe person who you don't expect to come will be yours for the rest of your life.