Chapter 1: First Kiss

216 15 12
                                    


January 3, 2018 Wednesday

"Truly!"

I am really going to die pag naabutan niya ako! Bwisit naman kasi, oh. Akala ko pa naman nakalimutan na niay 'yun?! Ugh. Bwisit na Echo na 'to.

New year na new year, ito yung bumungad sa 'kin.

"Hoy, Truly! 'Wag mo 'kong takasan!" Sigaw niya pa pero hindi ko pa rin siya nilingon at tumakbo na lang hanggang sa umabot ako sa hallway ng Grade 12 girls.

Hindi ko na narinig ang boses niya kaya akala ko tumigil na siya sa pagsunod sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero sa bawat classroom na madadaanan ko ay nagbubulungan sila hanggang sa umabot ako sa pinakadulong silid kung saan ang classroom ko kaya nagtaka ako.

Tumingin ako sa likod ko at agad nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong papalapit si Echo sa akin.

Kaya pala nagbubulungan sila dahil sinundan niya pa talaga ako hanggang dito!

"Subukan mo talaga!" Banta ko sa kanya ng malapit na kami sa isa't isa. "Kakatayin talaga kita ng buhay pag---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang hinawakan ni Echo ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako!

Agad nanlaki ang mga mata ko ng nagtagpo ang mga labi namin.

What the fuck.

Parang biglang tumigil ang mundo at parang wala na akong narinig na mga bulungan. Nang bumalik ako sa katinuan, agad ko siyang itinulak at sasampalin na sana pero nahuli niya ang kamay ko kaya sinipa ko na lang siya sa tuhod niya at muntik na siyang mapaluhod.

"Aray!" Daing niya pa.

At doon ko na narinig ang samu't saring mga bulungan ng mga babae at pinalibutan pa kami sa hallway. May narinig pa akong napasinghap ng sinipa ko si Echo. May nakita pa nga akong nagvi-video sa amin.

Tiningnan ko naman si Echo at ang bwisit, naka-smirk pa. Ang sarap niyang ilibing ng buhay!

"Bwisit ka talagang bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya at susuntukin na sana siya mukha gamit ang kaliwang kamay ko dahil hawak niya pa rin yung sa kanan pero nahuli na naman niya ang kamao ko.

Tumawa pa ang bwisit. "Baka nakalimutan mo yung deal natin, Truly." Sabi niya at binitawan ang dalawang kamay ko.

Tiningnan ko siya ng matalim. "Sinong may sabi sa 'yo na pumayag ako, ha?"

Pasimple naman akong tumingin sa paligid at hinanap ang dalawa kong kaibigan.

Nasaan na ba yung resbak ko?!

Nagkibit-balikat siya. "Bigla kang nag-walk out nung nag-usap tayo last year, eh. Malay ko ba kung ano ang sagot mo." Pa-cool niya pang sabi.

"Bwisit ka! Alam mo bang ninakaw mo yung first---!"

Napatigil ako sa pagsasalita ng pumitik siya sa ere at tinuro ako. "That's my point, Truly." Ngumiti pa siya ng nakaka-asar. "Masarap ba? You should be happy dahil ang nakauna." At tumawa naman ang bwisit ng nakakaloko. "So, paano ba yan? Bayad ka na sa pag-sira sa kotse ko."

"Bwisit ka talaga! Ni wala ngang gasgas yung bwisit mong kotse!" Kanina pa kumukulo yung dugo ko at ang sarap niyang tirisin!

Umarte naman siyang nagulat. "Really? Wala ba? Akala ko meron, eh." Nang-aasar niyang sabi kaya mas tiningnan ko siya ng matalim. "Eh, ano pang magagawa mo? Tapos na kitang nahalikan." Confident niyang sabi na mas lalong nagpapakulo ng dugo ko.

"Nang-aasar ka ba, Larena?" Matigas kong sabi.

"Naasar ka ba, Truly?"

"Humanda ka talaga sa 'kin!"

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon