Chapter 26: Triple Treat

19 5 0
                                    

February 17, 2017 Friday

XXXXXXXXXXXXXXXXX

Ayaw niya daw'ng mapahamak ako ng dahil sa kanya? So ibig sabihin, si MNO ang dahilan kung bakit ako sinusundan nung Race at Dash na 'yun? Pero bakit? Tungkol ba 'to sa gangsters issue nila? Kailangan ko na bang lumayo sa kanya?

Uupo na sana ako ng bigla na naman akong tinawag ni Rachel. Leche. Kanina pa 'to utos ng utos sa akin, ah. "Ano na naman?" hindi ko na talaga maitago ang inis sa pananlita ko.

Kanina niya pa ako inuutusan. Pina-akyat niya pa ako kanina sa classroom namin sa fourth floor at pinakuha ang  kanyang bag dahil andun daw lahat ng gamit niya para sa decorations dito sa entrace ng dating booth namin.

Pagkatapos lang ng 10 minutes, inutusan na naman niya akong pumunta sa Library dahil nakalimutan niya daw'ng dalhin ang kanyang printed letterings para ilagay sa entrance namin. Binigyan niya ako ng pera at halos isang oras akong nag-edit doon pero pagbalik ko dito dala na ang printed letterings ko, sabi niya, nasa locker lang daw niya naiwan. Nakalimutan niya daw. Bwiset talaga. Ang sarap punitin sa harap niya.

Tapos nung lunch break pa namin, pinapabili pa ako ng makakain niya dahil hindi na daw kaya sa oras kung siya pa daw ang bibili dahil marami pa raw siyang gagawin!

Hindi ko alam kung tamad lang ba 'to, o trip niya lang ako, o kaya ay may galit 'to sa akin. Kanina ko pa napapansin na ako lang parati ang inuutusan niya!

At ngayon, alas tres ng hapon, magpapahinga pa lang sana ako pero ugh! Kaimbyerna 'tong pangulo namin! Mas grabe pa 'to kay Duterte! Ginawa pa akong alipin! Tawag ng tawag sa akin! Nagandahan ba siya sa pangalan ko?!

"Pakihanap naman si Mika, Naf," utos niya pa.

Ano ba naman tong magkaibigan na 'to? Pag may nawala sa kanilang dalawa, ako parati ang pinapahanap! Pulis na ba ako ngayon ng hindi ko alam?

"Bakit ako?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Hindi ko na talaga mapigilang maging mataray dahil napapagod na ako kakautos niya!

"Ikaw lang kasi 'yung nagpapahinga kaya ikaw na lang," kaswal niya pang sabi.

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. At ako pa talaga ang nagpapahinga?! "Tawagan mo kaya?" tanong ko sa kanya na para bang 'may cellohone naman. Ba't hindi 'yan ang gamitin mo? Bobo neto'.

"Lowbat ako," alam ko namang nagdadahilan lang talaga 'to! Argh!

Nilabas ko phone ko. "I'm sure alam mo number niya. Bigyan mo na lang ako. Ako ang tatawag," tugon ko pa. Aba. May mas madali naman.

"Hindi ko memorize."

"Leche," mahinang bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba 'yun, pero wala akong pakialam! "Fine," matigas kong sabi at inirapan siya.

Ako na lang ang didistansya para wala ng away! Leche talaga!

Una kong pinuntahan ay syempre, sa malapit lang muna. Alam niyo kung saan ang mas malapit? Sa field! Dito talaga!

Nung hindi ko siya makita, nagdadalawang isip pa ako kung pupunta pa ba sa classroom ng mga boys dito sa first floor.

Napabuntong hininga na lang ako. Pag ako napahamak dito, Rachel, mumultuhin talaga kita pag namatay ako!

Dumaan lang naman ako sa hallway nila. As usual, wala talagang tao dito dahil nasa field silang lahat. Pero baka andito si Mika. Pero mukha wala nga. Ganun din ang ginawa ko sa second floor. At pagdating ko sa third floor, sa mismong cafeteria, nakita ko na si Mika.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon