Chapter 10: Story Telling

38 11 1
                                    

January 17, 2017 Tuesday

XXXXXXXXXXXXXXXXX

"Nagkaroon lamang po siya ng injury sa kaliwang kamay niya probably dahil sa pinigilan niyang ayaw kayong mahulog. Mabigat kasing dalhin pag dalawang tao ang dala mo tapos isang kamay lang ang gamit. Nagka fractured din yung likod niya at likod din ng ulo dahil kahit nakalanding nga kayo sa foam pero manipis naman at hindi pa nila natapos pahanginan yung foam at mataas din ang binagsakan, useless. At may nakita din kaming swollen sa likod ng ulo niya kaya hindi muna siya madaling makalabas ng ospital. It takes 1-2 weeks bago siya makalabas." Mahabang paliwang ng doctor.

"Salamat po," sabi ko at umalis na yung doctor.

Hayyss. Ano ba naman kasing malas to! Imagine, malapit na naman kaming mamamatay at kasalanan ko na naman kung bakit siya naospital ngayon.

"Nae!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin at, oh-uh, sina Aly at Hale.

"A-aly, H-hale," nauutal kong sabi.

"Nae, ok ka lang ba?!"

"Ano ba kasing nangyari?!"

"Pinag aalala mo kami!"

"Gusto mo Iconfine ka din namin?!"

"Oo nga! Wag kang magaalala, hindi naman kami susumbong sa mama at papa mo."

"Kami na ang bahala sa billings."

"Sandali, tatawag ako ng doctor."

"T-teka!" sigaw ko at pinigilan silang dalawa papunta sa office nung doctor. Nako! Para talaga to silang baliw pag ganito eh! "W-wala namang masakit eh. Ok lang ako. Hinga muna," sabi ko at pinupo ko sila sa sofa. Binigyan ko naman sila ng tubig. Baka, aatakehin sila sa puso eh.

Andito nga pala kami sa ospital. Nasa mismong room ni MNO. Tulog si takaw eh. Icoconfine nga sana ako eh, katabing room daw. Pero sabi ko, ok lang ako. Nako nako nako! Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ni MNO nito! Baka ikikick out na talaga ako ng tuluyan eh.

"Naffee."

Tinawag ako ni Aly sa buo kong pangalan, so probably, may sasabihin tong seryosong seryoso sa akin.

Lumapit ako sa kanila dalawa at....

(⊙ω⊙)----> silang dalawa.

"Sorry na! Sasabihin ko na talaga sa inyo ang totoo basta wag lang kayong magalit sa akin! Ayaw kong mag aaway tayo! Sorry na kung pinagaalala ko kayong dalawa! Patawarin niyo ako," sabi ko ng nakaluhod pa rin. Yep, lumuhod talaga ako sa harap nilang dalawa.

"Nae! Tumayo ka nga!" Si Aly.

"Hindi mo naman kailangang lumuhod!" Si Hale.

"Sorry na talaga," sabi ko at tumayo naman.

"Ikwento mo lahat. Pag sinabing lahat, lahat talaga! Alam namin ni Hale kung paano ka magsinungaling," sabi naman ni Aly.

"Oo na. Sandali lang. Tatawag muna ako ng babantay dito," sabi ko naman at lumabas na kaming tatlo room. May kinausap lang akong nurse na hindi muna ako makakabantay kay MNO. Pagkatapos nun, lumabas na kami ng ospital at pumunta sa favorite naming cafe.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon