Chapter 9: Saved, Again.

39 12 4
                                    


January 17, 2017 Tuesday

XXXXXXXXXXXXXX

"Naffee Truly, Collin Archer, Kian Bach and Kyle Anderson. please proceed to the Director's Office before having your healtbreak."

Bakit ako tinawag? Bakit KAMI tinawag?! At sa speaker pa talaga eh lahat sa campus may speaker so probably maririnig lahat ng mga students! Bakit special mention pa! Ano na lang yung sasabihin ng mga taga First High nito? At bakit sa Director's Office? Anong kasalanan ko......or kami?

Nasa akin lahat ng atensyon ng mga classmates ko. Take note, nasa classroom kami. First period in the morning tapos nag announced sila para mamayang health break?! Sana mamaya nalang nila ginawa yan! Nakakahiya!

"Nae? Bakit ka tinawag ng Dean? Bakit sa DO? Bakit kasama sina Collin at yung mga kaibigan niya? Anong ginawa mo.....niyo?" hindi makapaniwalang bulong ni Hale.

Yung ibang classmates ko, nakatingin pa rin sa akin probably dahil dun sa announcement kanina at yung teacher ay nagdiscuss sa harapan.

Waaah~! Hindi ko dapat sasabihin!

"Nae! Tinanong ka ni Hale Bakit ka tinwag ng Dean? At bakit kasama sina Collin? At bakit sa Director's Office pa?" Si Aly naman, bumulong din. Diba magkatabi kami tatlo? Naman oh! Bakit ba ang daming tanong nila!?

"A-a-ah." Isip ng paraan Nae! "H-hindi ko alam eh. Wala naman akong kasalanang ginawa," sabi ko nalang.

Second time, bakit KAMI tinawag ng Dean papunta sa Director's Office?! Hays.

Hindi kaya tungkol yun sa pag cut namin ng class kahapon? May nakakita kaya sa amin dun sa likod ng campus? Or yung gulo kahapon sa Skate World? Sinumbong kaya yun ni Law? Aish! Bakit siya nasali sa isip ko?!

Bakit pa kasi ako sumama!? Ayan tuloy, napatawag ako. Aish! Ano kayang parusa nila sa akin? Humanda lang talaga yung matakaw na yun! May record na talaga ako sa Dean!

Dalawang period ng class, hindi ako nakinig. Inaabala ko talaga yung sa pagtawag sa akin sa DO (Director's Office). Wala na talaga akong gana makinig. Mababagsak na talaga ako ng tuluyan nito!

Sina Aly at Hale naman tanong ng tanong sa akin kung keso daw bakit ako napatawag kasama nilang MNO at bakit daw nawala ako bigla kahapon. Paano ko sila sasagutin?!

"Class dismissed."

"Nae! Ano bang nangyayari sayo?" Si Aly.

"Alam namin ni Aly na may tinatago ka. Baka nakakalimutan mo na walang secrets sa atin." Si Hale naman. Patay. Seryoso na talaga sila. Huhu. Ang sasabihin ko sa kanila? Mag sinungaling na lang kaya ako?

"Kung magsisinungaling ka lang naman, wag na lang. Halata eh." Si Aly naman.

Magsasalita na sana ako kaso nagsalita na naman yung speaker.

"Naffee Truly, Collin Archer, Kian Bach at Kyle Anderson, please proceed to the Director's Office right now."

Bakit nila inulit?! Tiningnan ko sina Aly at Hale at bakas sa mukha nila ang pagkadismya sa akin. Hays, another problem.

"Mamaya ko na sasabihin sa inyo," sabi ko at tumakbo na papuntang DO. Sasabihin ko talaga ang totoo sa kanila. Nakokonsensya na nga ako.

Habang papunta ako sa DO, yung mga estudyante, nakatingin sa akin. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Ano nalang kaya yung nasa mga isip nila?

Pumasok na ako sa DO at expected na andun sina MNO, Kian at Kyle. Nakatayo sila sa may cabinet. Lumapit ako kay Director.

"Ms, Truly." Surname ko pa lang yan pero kinalibutan na ako. First time kong makaharap ang Director.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon