January 11, 2017 Wednesday
XXXXXXXXXXXXXXX
"Aly! Bilisan mo naman diyan! Nagugutom na ako!" Si Hale.
Kanina pa kami naghihintay ni Hale dito sa tabi niya. Hindi siya nakinig kanina at habang nagsusulat yung teacher namin sa harapan, nakatulala lang si Aly. Tapos nung nagtanong yung teacher namin na buburahin niya na daw ang nakasulat sa board huli na nung nag-object si Aly.
"Papahiramin ka nalang namin ni Hale kasi kanina pa ito sigaw ng sigaw. Parang hindi nakakain ng isang taon!"
"Sandali lang! Malapit na to," sagot niya na hindi man lang tumingin sa amin at nagtuloy-tuloy sa pagsusulat.
"Eh bakit ayaw mo nalang humiram sa amin? Pwede namang mamaya nalang yan eh." Eto talagang si Hale basta pagkain ang pinaguusapan, nababaliw.
"Basta! Malapit na! Wag kang maingay diyan dahil hindi ako nakakapag concentrate dito! Matatagalan tayo kaya manahimik ka kung ayaw mong ipakain ko tong ballpen sayo!" sigaw ni Aly na humarap na talaga siya pero kay Hale lang tumingin.
"Aly naman eh! Mamaya nalang yan. Kung gusto mo ipahiram ko ang notes ko sayo at bukas mo na isauli." Yung mukha ni Hale parang nagmamakaawa na talaga tapos may puppy eyes pang nalalaman tapos yung way ng pagsalita ay mahinahon.
"Hoy! May puppy eyes ka pang nalalaman diyan! Kadiri ka!"
"Grabe ka naman! Eh bakit ba kasi ayaw mo nalang humiram sa amin ni Nae?" Si Hale na naman.
"Ugh! Kainis naman oh! Ayaw ko sa mga notes niyo dahil hindi ko naman maiintindihan ang mga penmanship niyo!" Nagpatuloy parin sya sa pagsusulat.
Kanina pa kami nakatayo dito at nangangalay na ang mga paa ko.
"Hoy! Bakit ako nadamay diyan eh ang ganda ng sulat ko!" Depensa ko naman. Naku! Wag niya talagang laiitin ang penmanship ko dahil mas maganda pa ito kaysa sa mga font ng computer!
"Ayan! Tapos na!" Sinauli naman ni Aly yung notes sa kaklase namin.
"Sa wakas!" Si Hale na sumasayaw pa.
Pumunta na kaming canteen. Habang naglalakad, nagtanong ako.
"Bakit ka pala tulala ka kanina?"
Nagulat naman si Aly sa diretsong tanong ko.
"H-ha? W-wala l-lang," nauutal niyang sagot.
Nagkatinginan naman kami ni Hale. Yung tingin na 'may alam ka?' Nagshrug lang si Hale. Meaning, wala siyang alam. Magsasalita lang naman 'yan pag gusto na niyang i-share sa amin.
Health break ngayon kaya ang daming tao. Dito sa amin, parang grocery ang style. Pumili kalang ng mga pagkain sa shelves or freezer at sa counter ka nalang magbayad.
Naghiwalay kaming tatlo dahil iba iba naman ang gusto namin. Ako, favorite ko ang mga chocolates kaya nung nakita ko yung yung box na puno ng Ferrero Rocher ay agad kong kinuha at bubuksan ko sana ng may narinig akong hindi ko inasahang marinig.
"Alam mo ba na may nasagasaan ng sasakyan kahapon?"
Nabitawan ko yung hawak ko na box dahil sa gulat ko. Nagkalat yung mga Ferrero Rocher sa sahig kaya umupo ako at kinuha yun. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Huh? Sino naman yun?"
"Taga First High daw. Senior high school."
BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Genç KurguIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?