Chapter 23: Race and Dash

17 5 0
                                    

February 14, 2017 Tuesday

XXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Bilis! Magkwento ka na! Ang daya mo."

"Oo nga. Naging bestfriend mo pa kami, tapos andami mo ng nililihim sa amin."

Oh please. Leche naman kasing chocolateng ibon na 'yun eh. Nag-hi ba naman sa akin habang kasama ko sina Aly at Hale. Ang sabi ko pa naman noon na hindi na kami magkikita at magpapansinan ulit dahil nagkataon lang yun noon. Nagbigay pa ng number ni Raine, pero akala nila, number daw yun ni Martin. At eto pa! Bumati pa sa akin ng 'Happy Valentines Day!' Hays.

"Oo na, oo na!"

"Good. Pero teka, 'wag tayo dito. Makita pa lang tayo ni Rachel na nag-uusap, papagalitan tayo nun," sabi ni Hale.

Todays Tuesday. Second day ng foundation week namin. At gaya ng sinabi ko kanina, valentines day ngayon kaya aasahan mong makakakita ka talaga ng mga bulaklak, chocolates at teddy bera dala dala ng mga lalaki.

At aasahan mo ring marami ang bitter.

At ngayon, gumagawa na kami ng booth namin.

"Dun tayo," turo ni Aly sa isang horror house. "Wala naman sigurong tao dun," dagdag niya pa.

Pagpasok namin, nakilabutan tuloy ako sa lugar. Parang totoo eh, nakakatakot ang itsura.

'Psh. Malamang, ano pang ineexpect mo sa isang horror house, Nae? Puro rainbows?' Sabat ng konsensiya ko.

Napailing na lang ako at humarap sa dalawa na naghihintay akong magkwento.

"Ano na?" Si Aly.

May pinagtataka din ako, nagka-ilangan pa kami ni Aly kahapon, pero ngayon, parang ok na. May sinabi kaya si Law sa kanya?

Bumuntang hininga muna ako bago nagsalita. "Kahapon, pinilit niya naman akong mag date 'daw ulit'. Ayaw akong tigilian kaya pumayag ulit ako. Nagmall kami, tapos nakita ko ang isang bestfriend ko noon sa Griffin High na galing pang Canada kaya nagusap usap pa kami," paliwanag ko.

"Yun na yun?" Si Hale.

"Bakit? Meron pa ba dapat?"

"Baka may kulang ka pang sinabi," si Aly.

Napisip naman ako. "Hmm. Aah! Kambal si Raine at si Martin!"

Nagitla naman si Aly. "Anong last name nila?" tanong niya pa.

"Ferrero," sagot ko na ikinabigla naman niya. "Bakit?" takang tanong ko.

"F-Ferrero, as in R-Raine F-Ferrero?" nauutal niyang tanong.

Tumango naman ako. "Bakit? Kilala mo?"

Sasagot na sana siya pero biglang may nagsalita sa entrance ng horror house. "Dash, ano na ulit ang gagawin natin mamaya sa kanya? Parang wala namang nangyari."

Agad akong napatigil sa kinatayuan ko. Shet. Kilala ko ang boses na yun. Kilalang kilala! Siya yung lalaki na parati akong sinusundan. At kabisado ko ang boses na yun kahit maikli lang ang sinabi niya sa akin nung isang araw.

Magsasalita na sana si Hale pero agad kong tinakpan ang bibig niya at sinenyasan na manahimik. Nagulat naman ang dalawa sa ginawa ko pero pinalalakihan ko lang sila ng mata para matigil. Hindi naman nila kami makikita dito sa gilid dahil madilim ang lugar. Pero sanaaaaaaa, hanggang diyan lang sila.

"Tama na yung pagsunod-sunod sa kanya. Parang wala namang nangyari nung sinabihan mo siya nung isang araw na warning lang ang lahat," sagot naman nung nagngangalang Dash.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon