Chapter 18: Fast Beating

42 10 2
                                    

February 8, 2017 Wednesday

XXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Aish. Ayoko naaaaa."

"Tumahimik ka nga. Marinig ka ni Sir Pabosh niyan,"tumingin naman ako kay Hale ng binulungan niya ako. Si Aly naman, concentrate lang sa pagsagot. Alam niya kaya?

"Eeeeh," parang naiiyak na sabi ko at dumuko sa armchair. "Ang hirap kahit summative test pa lang 'to," sabi ko at tiningnan ang answer sheet ko.

Naman oh! Kung mahirap ang math sa summative, ano na lang kaya pag exam na bukas? Mas mahiraaaaap! Kainis naman 'tong si Pabo oh! Nastudy ko 'to nung kahapon eh, ba't ngayon, ba't wala na akong maalala ngayon? Aish. Kainis. Kaasar. Psh.

Inalala ko na lang yung mga tinuro ni MNO sa akin sa math. Psh. Mabuti na lang at natapos din ako matapos ang isa at kalahating oras. Alam niyo, naiisip ko nga na ok lang na bigyan ko uli si Pabo ng chain letter eh. Naiisip ko na deserving din siya sa chain letter na natanggap niya noon. Hay.

At nagdiwang ako dahil last subject na pala namin ang math. Woosh! Gusto ko ng umuwi sa bahay at matulog! Pero pumunta muna kaming tatlo sa cafeteria dahil nagugutom na naman daw si Hale. At since, nadala din ako sa pagiging patay gutom niya, bumili na lang din ako ng pagkain kaya bumili n rin si Aly.

Umupo muna kami sa mga upuan dahil maaga pa naman pag uuwi kami. Pagkatapos naming kumain, lumapit muna ako sa water dispenser para kumuha ng tubig dahil nauuhaw ako. Uminom ako ng tubig habang papunta uli kina Aly ng nakabangga ako ng estudyante at nabulunan.

"Oy, A. Ok ka lang?"

Napatingin naman ako sa nabangga ko. Si MNO naman pala 'to eh.

"MNO naman eh," sabi ko at pinulot yung tumbler na nahulog ko sa sahig. Mabuti na lang at naubos ko ang isang 500 ml na tubig kaya hindi na ito kumalat sa sahig.

Pero pagtingin ko sa sapatos ni MNO, nakita kong hindi pala siya nag iisa kaya tumingala ako. At, hindi nga siya nagiisa. Kasama niya si Mika.

Tumayo ako at humarap sa kanya. "Nandiyan ka pala. Hi," sabi ko at kumaway ng kaunti sa kanya. Hindi naman siguro ako feeling close sa kanya, ano?

Ngumiti lamang siya kaya tumingin ako kay MNO na nakatingin sa akin. Nailang naman ako pero binigyan ko pa rin siya ng 'dumadamoves-ka-na' look with matching pataas baba ng mga kilay ko. But on the other side, iba yung nararamdaman ko. Parang--- aish! Ewan!

"Una na ako, enjoy kayo," sabi ko at nilagpasan sila at lumapit kina Aly at Hale na nakanganga ng kaunti.

Napatawa naman ako sa sarili ko. Anong enjoy ang pinagsasabi ko?

"Huy," sabi ko sabay tapik sa pisngi ni Hale. Nagisng naman ang diwa nilang dalawa. "Anong nangyari sa inyo?" takang tanong ko habang nililigpit ang mga gamit ko. Gusto ko ng umuwi ng bahay dahil parang biglang sumakit ang ulo ko.

"Grabe yung itsura mo," biglang sabi ni Aly.

"Huh? Anong istura ko?" tanong ko.

"Yung pagkakita mo na kasama ni Collin si Mika. Iba ka makatingin eh," sabat naman ni Hale.

"I smell something fishy," sabi naman ni Aly.

"Baliw," sabi ko at kinuha ang mga gamit ko. "Una na ako. Parang sumama ang pakiramdam ko eh," sabi ko at aalis na sana ng nagsalita si Aly.

"Napansin ko sayo nitong mga nakaraang linggo, nag iba ka, Nae."

Napatigil ako at humarao sa kanya. "Paanong iba?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko," kibit balikat niyang sabi. "Basta, nakikita ko sayo na nagiba ka," sabi niya at tumayo si Aly sa upuan niya gayon ding si Hale. "Una na kami," sabi niya at umalis silang dalawa sa cafeteria at iniwan ako.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon