January 5, 2018 Friday
Hindi na talaga tatahimik ang kaluluwa ko kaya tatapusin ko na 'to!
Hingang malalim, Nae.
Ang unang bibigyan ko ay isang gangster boss. Siya yung parating kaaway ni Kurt. Pero hindi talaga away na yung suntukan at bugbugan na. Iba sa kanila eh. Yung hanggang sa masamang tinginan lang. Ewan ko kung bakit.
May nangyari siguro sa kanila na hindi ko alam kaya ganun yun. Transferee kasi ako sa sa First high nung Sophomore kaya hindi ako dito nag 1st year highschool kaya wala wala akong masyadong alam sa history nila.
Wag naman sanang umepal tong konsensya ko baka hindi ko matuloy ang plano.
Siya yung taong kahit saang School, wala talagang tatanggap sayo maliban na lang sa First High. Ewan ko ba kung bakit nila pinapasok yun eh alam naman nila na notorious gangster yun. Pero para sa akin, nakapasok siguro yun dahil sa pera. Mayaman yun eh! Wala pa siyang napatay pero maraming malapit ng mamatay. Mabuti nga ay umabot sa ospital yung mga 'yun. Ang sabi pa nga ng mga tao, nagdadrugs daw siya. Sobrang lakas niya tapos hindi daw napapagod. Hindi ko alam kung totoo pero parang eh.
Tapos nasali pa siya sa School patrol kasama yung dalawa niya pang kasama sa grupo. Yun yung parang kasali ka sa grupo para magdisiplina sa mga estuduyante. Paano nangyaring pinili siya eh siya nga walang ring respeto at disiplina?! Naalala ko nga noong sophomore years pa kami na walang kakwenta kwenta yung mga dahilan niya para pagalitan yung mga estudyante.
Flashback
"Ikaw! Naglalakad habang kumakain! Demerits!"
"Ikaw naman! Masyadong mataas yung palda mo! Umabot na hanggang sapatos! Demerits din!"
"Ikaw naman! Sobra ka nang mag-aral! Wala pa namang exam! Demerits ka din!"
"Ikaw din! Hmmm. Too matured body! Mas maraming demerits sayo!"
Flashback ends.
Natakot tuloy yung mga estudyante nun. Walang sense diba? Back to the topic. Gwapo siya pero hindi ko pa siya nalalapitan. At sino naman kasing lalapit dun eh 1 meter lang ang pagitan niyo, bibigyan ka na ng masamang tingin!? At nasa section E1 siya, last section! Ka batch ko siya kaya senior highschool din siya.
Siya si Collin Archer.
May kasama pa siyang dalawa kaibigan pero hindi ko sila bibigyan ng sulat. Si Collin lang dahil siya ang mastermind.
At nandito ako ngayon sa pool area. May locker room kasi ang mga boys at doon nila nilalagay ang mga bag at gamit nila. Free time siguro nila kaya naisipan nilang magswimming. At talagang silang lahat ng mga kagrupo niya. At ako naman, gumapang na parang aso habang pumupunta sa locker ng mga boys baka kasi makita nila ako dito eh yari ako, boys locker room to.
Sana hindi ako mahuli dito.
┬┴┬┴┤(・_├┬┴┬┴
Maingat akong pumasok dun sa locker room nila at hinanap ang locker ni Collin.
"Collin....Collin... Asan kaya yu---ayun lang pala."
Open drawer kasi kaya hindi na kailangan ng lock. Wala namang ibang pumapasok dito, maliban na lang sa akin ngayon. Wahaha. Binuksan ko ang bag niya at nilagay dun ang sulat. At maingat naman sinarado kung ano ang itsura kanina, baka mahalata.
BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Teen FictionIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?