Chapter 5: Finding The Culprit

60 13 3
                                    

January 12, 2017 Thursday

XXXXXXXXXXXXX

"Aish! Ayoko ko na!" Napabangon ako sa kama ko at napahilamos sa mukha gamit ang dalawang kamay ko.

Hindi ako makatulog! Sino ba naman kasing makatulog ng maayos na may ginawa kang masama dun sa tao tapos malapit pang napatay?! Mabuti na nga lang at ganun lang sinapit nun kundi mababaliw talaga ako sa kakaisip ngayon pag namatay yun.

Pero ang susunod na problema ko ay yung kay Mika at kay Pabo. Hindi ko alam kung nabasa na ba nila yun. Ang sarap nilang balikan at kunin yung letter pero paano pag nabasa na nila yun at kukunin ko pa? Sana kinuha ko nalang yun kay Pabo kanina. Eh mahuhuli ako! Pero paano kung hindi pa? May chance pa kaya ako? Wala pang sinabi si Pabo na may natanggap siya. Alam ko namang pag nabasa na niya yun pupunta siya sa classroom at itatanong kung kanino galing yun.

Hindi ko kasi nakuha yung kay Pabo dahil natatakot ako. Andun na ako sa faculty room kanina. Paikot ikot ako dun sa pintuan nila dahil hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi. Pero ngayon, nagsisisi tuloy ako kung bakit di ako kumatok. Argh!

Flashback

"Kakatok ako o hindi?" tanong ko sa sarili ko.

Andito ako ngayon sa harap ng faculty, nagiisip kung kakatok ba o hindi. Para na akong timang dito sa kakaikot.

Ano ba?! Kunin ko na ba? Sige na nga.

Lumapit ako sa pintuan at....

1......2.......3.......4......5.....

Wag na lang kaya? Natatakot na ako.
Kinabahan na ako ng sobra dito. Pinagpawisan na nga ako eh.

Baka pag nalaman nila na ako ang sender ng chain letters sa First High ay ma-kick out or candidate for expulsion.

"Pero gusto mo bang may madagdagan na taong mapahamak?"

Syempre hindi!

"Oh eh ano pa ang tinatayo mo diyan!?"

Oo na! Kakatok na! Para na akong baliw dito! Kinakausap ko na naman ang sarili ko.

1......2......3.....4.....5......

Napahilamos ako sa dalawa kong kamay sa mukha ko. Hindi ko kaya!

Flashback Ends

Pero nakokonsenya na talaga ako eh! Paano pag hindi lang ganun ang mangyari kay Mika at Pabo? Baka mas worst pa dun kay Collin. Gusto ko nang matulog! Patulugin niyo ako!

Tinignan ko ang wall clock at....huhu, may pasok pa mamaya. Oo mamaya. Eh alas dos na ng umaga! 2:00 am na.
Ayaw talaga akong patulugin ng konsensya ko.At dahil umaga na at hindi ako makatulog, bumangon nalang ako at naligo kahit hating gabi.

"Waah~! Ang lamig!" napasigaw ako sa cr. Ang lamig. Para akong naliligo ng yelo.

Lumabas ako sa cr kahit hindi pa ako tapos maligo. Parang isang takos ng tubig lang yung naligo ko. Kukuha na lang ako ng mainit na tubig. Kinuha ko yung towel at binalot sa katawan ko. Yung aircon ko, on rin kaya malamig ang kwarto ko.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon