January 26, 2017 Thursday
XXXXXXXXXXXXXXXXXX
"Gusto ko ng apple. Bilis."
Sumunod naman ako ay pumunta sa table. Kumuha ako ng isang apple at binigay sa kanya.
"Linisin mo."
Pumunta ako sa sink at hinugasan. Binigay ko uli sa kanya.
"Pakakainin mo ako ng buo? Slice it."
Bumalik uli ako sa table at hiniwa yung apple. Unang hiwa ko palang, nadali yung kutsilyo at lumapat iyon sa index finger ko. Napadaing ako sa sakit pero tumahimik lang ako. Hindi naman kasi ako marunong mag slice ng apple eh. Naman oh!
Tapos ay binigay ko sa kanya.
"Subuan mo ako."
Kaunti na lang talaga! Kung hindi lang siya naospital ay masasapak ko na talaga tong onion na ito! Kulang na lang eh ako pa ang magpanguya sa kanya. Kanina niya pa ako inuutusan. Napapagod na ako.
Argh! Humanda ka lang talaga pag magaling ka na. Sasapakin talaga kita hanggang mag end of the world! Pero sige lang, kasalanan ko naman din ito eh kaya ito siguro ang karma sa akin.
Gaya nga sa sinabi ng doctor, 1-2 weeks daw siya dito. Halos 10 days na siyang naospital at ako naman, gusto daw niyang aabsent ako. No way! Nagmakaawa pa talaga ako sa kanya na pupunta lang ako dito pag tapos na ang klase ko dahil lagot ako kay mama at papa nito!
Flashback
"Sige na! Pleaaaaase!"
"No. Kasalanan mo, kaya magdusa ka."
"MN---Collin naman eh! Mapapatay ako nito ni mama at papa!"
"Good luck," sabi niya tapos pumikit at sumandal sa head board.
Naman oh! Last na lang ang option na meron ako.
"I'll do everything you want."
Bigla na lamang dumilat yung mga mata niya tapos ay humarap sa akin. "Everything?"
Parang umurong yung dila ko. Parang mas malaki ang magiging problema ko neto.
Umiling ako ng mabilisan. "Hindi. Sabi ko nga, aabsent na lang---"
"Deal," sabi niya tapos pumikit.
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan at pumasok ang isang nurse.
Flashback ends.
Naalala ko nga noong isang araw na pinabili niya ako ng pagkain sa isang cuisine. Pagbalik ko sa ospital, gusto daw niya ng beefsteak. Bumalik uli ako doon at binigay sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. Napahawak ako sa aking noo na napagtanto kong ayaw niya pala ng onion. Ang sabi niya, bibili daw uli ako pero lumabas lang ako sa private room at dun sa bench sa labas ng kwarto niya kinuha yung mga onion. Nahiya tuloy ako dahil pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan sa hallway.
Nung isang araw pa na gusto niya lumabas dahil nababagot na daw siya sa loob. Ako ang nagdala ng dextrose niya. Paglabas namin sa pintuan, bigla na lang siyang tumakbo. Nagulat ako pero wala akong choice kundi ang habulin siya. Nasa akin ang dextrose eh. Pag natanggal yun, ewan ko na lang. Ako na naman ang mapapagalitan. Bwisit siya, nakauniform pa ako nun.
At nung second day niya dito, naalala niya na hindi pa pala siya naliligo. Inutusan niya ako na ako daw ang magpaligo sa kanya. Napatili ako ng malakas ng aakmang huhubarin niya ang damit niya. Ang sabi ko na lang, pupunasan ko na lang siya. Pinagpawisan ako ng husto kahit nakaaircon naman dahil sa katawan niya. Shet.

BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Teen FictionIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?