Chapter 24: Aly and Raine

22 5 0
                                    

February 15, 2017 Wednesday

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Tara na," tumayo si Aly. "Baka hinahanap na tayo ni Rachel."

Tumayo na rin kaming dalawa ni Hale. Kakatapos lang naming kumain ng lunch. Pababa na kami para pumunta sa field. Pagliko namin  palabas ng ground floor, may nabangga ako.

"Sorry...." sambit ko ng makitang nahulog niya ang kanyang dalang inumin.

Dumuko ako at pupulutin ko na sana pero naunahan niya ako. Doon ko naobserbahan ang kamay niya. May tattoo siya sa kaliwang pulso niya. Nakasulat doon ang salitang BadBlood. Umayos ako ng tayo at tiningala ang ulo ko.

At doon ko nakita kung sino ang nakabangga ko. Nanlaki agad ang mata ko pero pilit kong inayos ang itsura ko. Ayokong mahalata niya ako na kilala ko siya maliban kay Race na sumusunod sa akin noon.

Dash....

Seryoso yung mukha niya. At deretso siyang nakatingin sa akin. Pilit kong nilalabanan ang kaba ko.

Iba pa rin talaga kapag kaharap ko siyang mata sa mata.

Naramdaman ko ring natigilan sina Aly at Hale. Patago ko silang sinulyapan. Tapos ay tumingin uli ako kay Dash.

"Sorry," pag-uumanhin ko ulit. "Papalitan ko na lang ang inumin mo," sabi ko.

Umiling naman si Dash. "Hindi na kailangan," seryosong sagot niya na seryosong nakatingin sa akin. Tapos ay iniwan na niya kami.

Napalingon ako sa kanya at sinundan siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita pa. Doon lang kami sabay napabuntong hininga ng malalim.

"Shet. Kinabahan ako dun ah," si Hale, sabay buntong hininga niya pa. Pinapaypay ang sarili niya gamit ang kanyang kamay.

Napabuntong hininga naman ako at tumingin sa kanila. "Kapag magtagpo kayo nina Race at Dash, 'wag niyong pansinin. Umarte kayo na hindi niyo sila kilala, okay?" nag-aalala kong sabi. Tumango lamang sila.

Natatakot akong baka pati kayo ay madamay.....

Pumunta agad kami sa field at nagsimulang gumawa ng decorations sa loob ng dating booth. Kaming tatlo ay naggugupit ng heart shape at isinabit sa taas ng booth namin. Parang valentines day ang theme ng booth sa sobrang dami ng bulaklak, heart shape cut-outs, balloons at romantic candles.

"Nae," napalingon ako sa kanya ng tinawag ako ni Aly.

"Bakit?" binalik ko ang aking atensyon sa paggupit.

"Kamusta 'yung pag-uusap ninyo ni Collin kahapon?" bulong niya.

"Sinabi ko lang sa kanya yung tungkol sa nangyari," hindi ko alam kung bakit kami bumubulong.

"Anong sabi niya?" si Hale naman.

Napalingon na ako sa kanilang dalawa. "Wala naman. Hinatid lang niya ako sa bahay pagkatapos."

"Yun lang? Wala siyang ginawa?" nagtatakang ani Aly.

Nagkibit balikat lang ako. At least nasabi ko na kay MNO lahat ng nangyari. Siguro naman, lulubayan na ako nina Race at Dash. 

"Hindi ko rin alam. Nagtaka nga rin ako ng paghatid niya sa akin sa bahay, tinawagan niya agad si Kyle at pinasama pa niya si Kian," nagtataka ko ring sabi.

"Naisipan pa nilang gumala pagkatapos ng sinabi mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Hale.

"Tapos na ba kayo sa paggupit?" napalingon kami kay Mika nang tinanong niya 'yon.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon