February 13, 2017 Monday
XXXXXXXXXXXXXXXXXX
Kapatid ni Law si Aly na kapatid ni ate Kath na girlfriend ni panget. Ngayon, may kambal si Martin. Si Raine, na naging bestfriend ko noong first year highschool pa ako sa Griffin High. Sinong susunod? Baka mamaya, malaman kong kapatid ni Hale si MNO. Argh! Seriously?
"Hindi nga?"
"Oo nga."
"Wala ka namang sinabi na may kambal ka ah."
"Anong wala? Sinabi ko sa'yo noon. Pero hindi ko na sinabi ang pangalan dahil hindi rin naman kayo magkikita. Nasa Canada kasi siya nag-aral. Pareha kayong transferee noong sophomores kayo sa First High."
"Kung makapagsalita kayo, parang wala ako dito, ah." Sabat naman ng tsokoleng ibon.
"So," tiningnan ako ni Raine. "Bakit kayo magkasama?" nakangiting tanong niya habang pinataas baba ang mga kilay niya.
Tinuro ko naman si Martin. "Pinilit ako."
"Pumayag ka din naman ah."
"Bakit ba 'yan parati ang pinagmamalaki mo, ha?"
"Kailangan ko na bang umalis para may time kayong dalawa?" sabi ni Raine habang nakapangalumbaba sa mesa.
Andito kami ngayon sa Mcdo. Nakakain na kami ni Martin dun sa French Restaurant pero gusto ko namang makausap si Raine, Mcdo na naman kami ngayon. Simple mcflurry at fries lang ang binili namin. As always, libre ng tsokolateng ibon.
"Ikaw, Raine?" tumingin naman ako sa kanya. "Tagal na nating di nagkita ah. Nagtransfer lang ako, hindi ka na nagparamdam."
Tumawa naman siya. "Actually, nagswap lang kami ni Martin. Pag-uwi niya galing Canada, ako naman ang pumalit," sabi niya at kumuha ng fries at sinawsaw sa mcflurry niya. "Alam mo naman si Papa. Gusto niya, may kasama siya, either sa aming dalawa," sabay turo niya kay Martin.
"Eh bakit ka nandito? Second week pa lang ng February ah?"
"Debut ng kaibigan ko na nameet ko lang rin sa Canada. Dito niya naisipang magcelebrate," sagot niya.
Ngumiwi naman ako. "Eh si Brisbane? Nagkita kayo?"
Nung nasa Griffin High pa ako nag-aaral, dalawa ang bestfriends ko dun. Si Raine at si Brisbane. Isa pa 'yung babaitang 'yon. Hindi na rin nagpaparamdam.
Nagkibit balikat naman siya. "Ang huli naming pag-uusap ni Bris ay noong sinabi ko sa kanya na magka-Canada ako," umiling pa siya na parang may naalala siyang nakakatawa. "Tapos sabi niya, sasama na lang daw siya sa kapatid niya papuntang Manila at doon na mag-aaral dahil iniwan daw nating mag-isa sa GH."
Napatawa naman ako. "Kahit kailan talaga 'yun."
"Andito pa ako, ah," sabat naman uli si Martin. Na-aout of place na siya.
"Pero, kailan pa kayo nagkakilala ng kakambal ko?" tiningnan niya si Martin. "Ang alam ko sa First High, separate ang girls and boys. Tapos sa inyo, fourth floor, while sa kanila, first floor," mahabang sabi niya. "Kwento ka naman Nae!"
"Nagtagpo lang kami. Then pinilit niya akong mag-coffee. Tapos nun, kinukulit na ako."
Tumaas naman ang kilay niya at tumingin sa kambal niya. "Really, Martin? Really?"
Tumigil naman siya sa pagkain ng mcflurry. "What? Nakipagkaibigan lang ako."
"With that style, twin?"
"Eh sa ang sungit niya, eh!" sabay turo pa talaga sa akin.
"Eh sa feeling close ka, eh!" sigaw ko pabalik sa kanya. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito. "Alangan namang pansinin kita eh hindi nga kita kilala."
BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Подростковая литератураIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?