Chapter 17: The Standee

36 8 1
                                    

February 6, 2017 Monday

XXXXXXXXXXXXXXXXX

Hindi pa rin talaga ako makamove on sa nangyari kanina kay panget at ate Kath. Seryoso ba sila dun? As in? Hindi kapani-paniwala eh. Parang imposible na may papatol sa panget na 'yun eh sobrang ganda ni ate Kath. Hindi kaya ginayuma niya talaga si ate or binlackmail? My gad.

Makatulog na nga lang.

*

January 7, 2017 Tuesday

XXXXXXXXXXXXXXXXX

You make me feel like I

Can get lost inside your eyes

I feel closer to the sky

When you save the day

With just a smile

Kinapa ko yung cellphone ko sa tabi ng mesa habang nakapikit pa rin. Sino ba naman kasing tumatawag oh!
Sinagot ko ang tawag without looking at the caller's ID.

"Ano?" tanong ko habang humikab.

"Anong oras na ba?" sabi sa kabilang linya.

Bwisit naman oh. Tinawagan lang ako para magtanong kung anong oras?! Wala ba 'tong relo 'tong taong to?

"Ano bang---" napatigil ako at napadilat ang mga mata at tinignan kung pangalan ng tumawag.

Matakaw na Onion.

Napatayo ako sa kama ko at tinignan ang oras. Biglang nanlaki ang mata ko ng makitang ala una na! Shet! Ang tagal kong nagising. Napahawak ako sa noo ko. Nakalimutan ko pang may lakad kami ni MNO ngayon!

"A-ah, M-MNO? A-ano---"

"CCS. 15 minutes," maikling sabi niya at binabaan agad ako ng tawag.

Napahilamos ako sa mukha ko. Bakit ko nakalimutan na may lakad kami ngayon?! Bakit nawala sa isip ko 'yun?!

Wala pa akong breakfast at lunch. Hay nako. Tulog mantika ba ako? Tiningan ko uli ang phone ko. 4 miss calls.

Tumayo na lang ako at naligo. Suot ko ay long sleeve na kulay asul at yellow. Trip ko lang magbihis nito. Tapos shorts na two inches above the knee at sneakers. Pagbaba ko, nagpaalam ako kina mama at papa. Syempre, dala ko ang notes ko dahil mag-aaral kami ni MNO. Kinuha ko ang bisekleta ko sa garage at lumabas ng bahay. Parang ang gamit ko ay isang sports car na sobrang bilis kong magmaneho.

Pagdating ko CCS, nakita ko kaagad si MNO sa loob. Doon pa rin siya sa spot namin malapit na glass. Ngumiti ako tapos ay pumasok. Umupo ako sa harapan niya kaya itinangala ang kanyang ulo.

"Bakit ang tagal mo?"

"Aah, napasarap tulog ko eh," magaalinlangan kong sabi.

"Since late ka, ikaw magorder," sabi niya at nilagay niya ang pera sa mesa.

Tumayo ako at lumapit sa counter. Nag-order ako ng isang iced coffee, cookies and cream frappe, walong red velvet cupcakes at isang king size burger. Babayaran ko na lang si MNO dito sa burger. Nakakagutom naman kasi, hindi ako mabubusog sa cupcakes at wala akong kain simula almusal.

Naghintay muna ako saglit dahil nagpe-prepare pa daw sila. Tatlong minuto bago nila binigay sa akin. Nagpasalamat ako at tumalikod para bumalik na sa upuan ng mapatigil ako.

"Bakit kaya siya nandito? Sinong kasama niya?"

"Ano ka ba Chloe. Malamang, nagrereview. Kita mong may notes siya oh."

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon