February 2, 2017 Thursday
XXXXXXXXXXXXXXXXXXX
"O-oh my gosh. S-sorry talaga. H-hindi kasi kita n-nakita. S-sandali, may p-panyo ako d-dito?" Sabi ko at aakmang kukuha ng panyo sa bulsa ko pigilan niya ako.
Shet. Ang pangit ng first impression ko sa kanya. Naman oh. Naglalakad kasi akong mag-isa sa hallway na may bitbit na notebook sa kanan at isang milk in can sa kaliwa. Sa notes kasi ako nakatingin tapos bago ko pa lang nabuksan yung gatas kaya pagbangga namin, natapon ko sa kanya yung gatas.
"Ok lang. May extra naman akong t-shirt sa locker," sabi ni Kurt at tiningnan ang damit niya.
Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at binigay sa kanya. "S-sorry talaga."
Pinilit kong kunin niya ang panyo ko dahil ayaw niyang tanggapin. Dagdag kahihiyan naman 'to oh!
"Fine," sabi niya at sapilitang tinanggap ang panyo ko. "Pero isasauli ko 'to," dagdag niya habang pinupunas ng panyo ang kanyang damit.
Tutulungan ko sana siya ng pigilan niya uli ako. "S-sorry talaga."
"No, it's fine," sabi niya at tiningan ako. "Hindi din naman kasi ako tumitingin sa daan eh."
Hindi na ako umimik dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin. Madaldal ako pero pagdating sa kanya, parang nabubuhol yung dila ko. Nabigla na lang ako at bigla niya hinawakan ang ulo ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Shet.
"Kamusta na ang ulo mo? Masakit pa ba?" tanong niya habang hinihimas ang noo ko.
"O-ok na," tanging sagot ko.
"Since may kasalanan ako sayo, how about I'll treat you?" tanong niya sa akin na nakangiti.
Shet. Ito na yun diba? Yung ayayain niya akong kumain? I can feel that my veins are dancing. Iba ang feeling ko ngayon. Ang bilis ng kabog ng puso ko to the point na parang sasabog na.
"S-sige," I said and smiled at him.
"Tara?" sabi niya tumango naman ako.
Since lunch break pa, pumunta kami sa cafeteria. Tapos na kaming kumain ng mga kaibigan ko, kanina lang. Sabi ko sa kanila, mag aaral lang muna ako. Pero dahil math ang pinag-aralan ko, para mawala ang antok, lumabas na lang ako ng classroom, bumili ng gatas at naglakad-lakad habang nagsastudy.
Tiningnan niya ang reli niya then humarap sa akin. "May 20 minutes pa before magbell. Umupo ka na lang diyan at ako na ang bibili," sabi niya at umalis na sa harapan ko at pumunta sa mga shelves.
Ang bait niya talaga, hindi tulad ni MNO na---umiling agad ako. Psh. Bakit bigla-bigla na lang siyang pumasok sa isip ko?
Masasabi kong, ang saya ko ngayon. May advantage naman pala ang pagbunggo ko sa kanya. Gusto kong tumalon sa saya, na finally, napansin na niya ako. Next step ko na ay, kukunin ko ang tiwala niya para kaibigan na ang turing niya sa akin.
Mabuti na lang at walang inutos yung onion---aish! Ayan na naman.
Pwede ba for once, hindi ko muna siya iisipin?
"Hindi ko alan kung ano ang gusto mo kaya binili ko na lahat ng klaseng pagkain," sabi ni Kurt habang inilapag ang tray sa mesa namin.
Napatingin ako sa mga pagkain. Ang dami. Mauubos ko kaya 'to?
"Hindi. Ok lang. Kakain naman ako kahit ano eh," nahihiya kong sabi.
Nagsimula na siyang kumain kaya kumain na din ako. Kahit nakakahiya, hindi ako tumatanggi ng grasya.
BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Teen FictionIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?