February 10, 2017 Friday
XXXXXXXXXXXXXXXXX
Tinatawag niya ako pero hindi ako lumingon at tumakbo palabas ng BNA. Sumakay ako sa bisektleta ko at nagmaneho papunta sa bahay nila.
Gusto ko siyang makausap. Gusto kong iclarify lahat.
"May nagthreatened kay Law. Para hindi ka madamay at masaktan sa gulo, nakipaghiwalay siya sa'yo dahil kung hindi, ikaw ang gagamitin ng kalaban nila para mapabagsak sila. Kung baga, pangblackmail nila, at ikaw ang panlaban."
Napailing na lang ako. Hindi. All these years, akala ko nakipaghiwalay siya sa akin dahil sabi niya, in the first place, hindi niya talaga ako gusto. Pero sa huli---aish! Bakit ba ang tanga ko?! Bakit ba kasi hindi niya pinaliwanag sa akin noon na may nangblackmail pala sa kanya, eh di sana, magagawa pa 'yan ng paraan. Naramdaman ko na lang na bumilis ang tibok ng puso ko.
"Saktong nagtransfer ka sa First High, humingi ng pabor sa akin si Law na bantayan ka kung may sumusunod ba sa'yo o ano. Pinoprotektahan ka lang namin, Nae."
Protektahan? Kung may ganon pa lang pangyayari, bakit hindi nila sinabi sa akin? Aish. Naguguluhan na talaga ako.
"Sabi niya sa akin, wala akong sasabihin sa'yo tungkol sa nangyari. Problema niya 'yun at ayaw niyang problemahin mo din 'yun. At isa pa, you'll freak out. Magiging concious ka sa paligid mo at mahahalata ka nila na may nararamdaman ka."
Ganyan ba talaga ang mundo ng mga gangster? Puro away? Hahanapan ng weaknesses para mapatumba ang grupo nila. Bakit?
Mas pinabilisan ko pa ang takbo ng bisekleta ko nang may nahagip ang mata ko. Tiningnan ko ang likod ko at nanlaki agad ang mata ko sa nakita. Shet. Sinusundan na naman ako nung sasakyan!
Ang sabi ni Aly, nakipaghiwalay si Law dahil may nagthreathened sa kanya. Nakipagkaibigan siya para bantayan ako kung may sumusunod sa akin. Noon 'yun! Tapos na kami ni Law! Mahigit tatlong taon na 'yun! Freshman pa ako nun! Senior na ako ngayon!
Pero bakit may sumusunod pa rin sa akin?
Argh! Shet! Shet! Shet! Shet! Argh! Bakit ba ako sinunsundan ng sasakyan na 'yan?! Sino ba kasi 'yan?!
Kinabahan na naman ako. Ano na naman ang gagawin ko ngayon? Dapat sana kasi nagpasama na lang ako kay Aly sa kanila eh! Argh!
Binilisan ko ang pagmaneho at para maligaw na naman uli siya, lumiko ako sa isang eskinita na hindi pwedeng makapasok ang mga sasakyan. Hindi 'to familiar sa akin dahil ngayon lang ako nakapunta dito. Lumingon ako sa likod ko at hindi ko na nakita ang sasakyan na sumusunod sa akin. Straight lang ang takbo ko at nakita ko na lalabas na ako sa eskinita na pinasok ko pero paglabas ko, napahinto agad ako.
"Oh, shet," aabay brake ng bike ko. May biglang huminto na sasakyan sa harap ko at muntik ko ng mabangga.
Uh-oh. Wrong move.
Bumukas 'yung pintuan ng kotse at aatras na sana ako ng nagsalita siya.
"'Wag mo nang isiping tumakas, hindi rin naman kita sasaktan," sabi niya at bumaba sa kotse niya at hinarap ako.
Tiningnan kong mabuti 'yung taong nasa harap ko. Hindi siya familiar, malamang, hindi ko siya kilala. Sino ba 'to?
"Sino ka ba? Ba't ba sunod ka ng sunod sa akin?"
Sa totoo lang, natatakot ako. Yung kamay ko sa manubela, nanginginig. Malamang, kinabahan ako. Sino ba namang hindi matakot eh parang abandonado 'tong lugar na pinasok ko. Tapos wala pa talagang taong dumadaan. Tapos sinusundan ako, hindi naman ako sasaktan.
BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Teen FictionIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?