Chapter 12: Yearbook

30 12 1
                                    

January 30, 2017 Monday

XXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Huy! Ba't ba natin sila sinusundan?"

"Tumahimik ka na lang. Baka marinig tayo."

"Akala ko ba paghihiwalayin natin silang dalawa? Eh ano 'to?"

"Sssh. Teka."

"Ano---ba't---?"

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko at hinila papunta sa mga sulok ng pool. Tiningnan ko yung tinititigan niya at nakita kong parang may hinahanap sina Kurt. Baka nasense nila na may tao sa loob ng pool.

Binitawan niya ang bibig ko at sinundan sila papuntang girls' locker room. Naku! Baka gagawa sila ng milagro dito. Baka hindi nila natuloy yun sa nakaraang mga linggo kaya ngayon nila naisipang gumawa. Psh.

"I'm breaking up with you, Kurt."

Natigil ako sa kinatatayuan ko. Ano daw? Makikipaghiwalay si Mika kay Kurt? That's it? Yun lang? Ganito lang?

"Why?" rinig kong sabi ni Kurt.

Nasa labas kami ng girls' locker room. Inipit lang namin dalawa ni MNO ang aming mga tenga sa pintuan para marinig ang mga sinasabi nila. Gamit ko ang kaliwa habang kay MNO naman ay yung kanan niyang tenga kaya magkaharapan kami.

Ang lapit namin dalawa sa isa't isa. Naamoy ko na yung hininga niya. Maliit lang kasi yung pintuan kaya siksikan kaming dalawa. What? 6 inches apart? Tiningnan ko siya at nakitang focus na focus siya dun sa mga pinagsasabi sa loob. Ako? Medyo naiilang ako sa posisiyon namin. At may parte pa talaga sa loob loob ko na wag ko siyang tatalikuran at hahayaan ang posisyon namin.

What the hell?

"Gusto kong magfocus sa pagaaral."

"Pabigat ba ako sayo?"

"Hmm. Medyo?"

"Alright. Break na tayo."

"Hmm. Goodbye. It was nice being with you."

"Ako din."

Alam mo yung reaction ko? Nganga. Isang malaking nganga. Iba rin talaga sila, ano? At si MNO? Poker face.

Yun lang at narinig na namin ang mga yapak nila papalapit sa amin. Lalabas na sila.

Bigla akong hinila ni MNO at nagtago dun sa gilid ng pintuan kung saan pag bubuksan to, hindi kami makikita.

Not again. Ano ba namang klasemg posisyon na naman to? Nakatalikod ako sa kanya habang siya ay nakasandal sa dingding. Nafifeel ko yung likod ko sa katawan niya sa akin. Tapos siya, hinawakan pa ang bewang ko para makatago talaga kami sa sulok. Since mataas siya, yung ulo ko, nasa labi niya, baka makakain to ng buhok ko. Tapos yung mga kamay ko, nasa dibdib ko. Para any second na lilingun sila eh tatakpan ko kaagad ang mukha ko para hindi nila ako makilala.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang yung ibang cells at veins ko sa buong katawan ay sumasayaw. Kinabahan ako. Hindi yung mahuhuli nila kami, kundi kung ano kami ngayon, yung posisyon namin. Tapos yung tiyan ko, parang masakit na ewan. Eh?

Parang back hug yung posisyon namin dalawa. Or shall I say, hindi talaga 'parang'. Back hug talaga. Awkward.

Hindi naman sila lumingon kaya nakahinga ako ng maluwang nung lumabas na sila sa pintuan. Hindi niya pa ako binitawan kaya ako na mismo ang kumawala sa kanya. Tiningan ko kahit saang parte ng pool. Ayoko kong makita ang mga mata niya.

Nakakailang.

*

"Hiwalay na sila," pagbabasag katahimikan ni Collin.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon