Chapter 19: The Bestfriend and The Ex

29 7 1
                                    

February 9, 2017 Thursday

XXXXXXXXXXXXXXXXXX

Naranasan mo na bang magising na parang hindi ka tao?

Tae.

Hindi ako tao. Isa akong tae.

Isa akong malaking tae.

Tae!

"Argh! Kainis naman oh!" Sabay batok sa sarili ko.

Ay ewan! Ewan ko! Aish. Bakit ba namin kasi ganun siya? Hindi naman siya ganun noon diba? Hindi naman siguro ako baliw diba? Imposible naman na magka-ano ako sa kanya o ano. Aish.

Alas kwatro ng umaga, gising pa ako. Paano ba naman, pipikit lang ako, lalabas na agad ang imahe ni MNO.  Para rin 'yung kabute, eh. At since, hindi na ako makatulog uli, tumayo na lang ako at naligo. Nagbihis ng uniform pero hindi pa ako bumaba, maaga pa. By this time siguro, kakagising lang ni mama para magluto.

Pero gusto kong uminom ng kape dahil inaantok pa ako. Kaya dinala ko na ang mga gamit ko at bumaba sa kusina. Nakita kong nagluluto si mama at napatingin sa relo ko, 5:20 am.

"Ma, aalis na po ako."

Nagulat naman siya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung magpapaalam ka sa nanay mo at pupuntang eskwelahan ng alas singko.

"Alas singko pa lang ah. Ang aga mo naman," sabi ni mama habang sagsasaing ng kanin.

"Inatake po ako ng insomnia eh. Bibili lang po ako ng kape pero sa shop na lang po ako magstay hanggang sa mag seven," sabi ko at pumunta sa garahe para kunin ang bike ko.

May pera naman ako. Every week kami binibigyan ni mama ng allowance para daw hindi na kami hihingi sa kanya araw araw ng pera.

Sumakay ako sa bike ko at nagmaneho. Medyo madilim dilim pa dahil alas singko pa naman, tapos malamig ng konti. Kaya naisipan kong pumunta sa CCS (Crest Coffee Shop) dahil open sila ng 4 am hanggang sa 1 am.

Pagdating ko sa CCS, pinark ko ang bisekleta ko at pumasok. Apat lang kami sa loob, isang pang costumer, dalawang staff at ako. Hindi ko naman makita yung isa pang costumer dahil nakatalikod siya sa akin, tapos naka hoodie jacket pa. Tapos sa harap niya at tatlong libro at apat na notebooks. Ang sipag naman nitong mag-aral. Wala naman akong interest na tignan siya kaya umorder na lang ako.

Bukod sa cookies and cream frappe, may paborito akong kape dito, as usuall, cafe breve. Bumili na rin ako ng burger para may laman din ang tiyan ko.

Tapos nun, ay nag-aral uli ako. Habang tinitignan ang notes ko, napaisip naman ako. Siguraduhin niya lang talaga na magiging honor student siya ngayon na quarter, dahil kung hindi, gagawin ko talaga siyang driver at slave ko.

Ng malapit ng magseven, niligpit ko na ang mga gamit ko at inubos ang pagkain ko. Paglabas ko shop, nakita ko namang lumabas din yung taong nakahoodie jacket. Sumakay ako sa bike at tinignan siya hanggang sa makasakay siya sa.........motor niya. Isang pamilyar na motor.

Nanlaki agad ang mata ko at magsasalita na sana ako at tawagin siya ng bigla niyang pinahurot ang motor niya.

Shet. Si MNO 'yun!

*

"Hay! Tapos na ang exam!" sabi ko sabay inat sa upuan ko.

Binatukan naman ako ni Hale. "Anong tapos na? Two days ang exam natin, may bukas pa," sabi niya sabay ligpit ng mga gamit niya.

"Kulang 'yung sinabi ko. Dapat sana, 'tapos na ang first day ng exam!'," sabi ko at inulit yung tono ng sinabi ko kanina.

Umiling lang si Hale at tumayo na. Napatingin naman ako kay Aly sa kanan ko. "Huy, tara na?" tanong ko at tumayo din siya.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon