February 18, 2017 Saturday
XXXXXXXXXXXXXXXXXXX
"Wag ka ng mahiya diyan, Nae! Bilisan mo nga!"
"Aly naman eh! Ang daming tao oh!"
Binatukan naman niya ako. Mabuti hindi nasira ang buhok ko. "Malamang maraming tao! Ano bang inexpect mo? Tayo tayo lang?!" singhal pa ni Aly sa akin at hinila na ako papasok sa resort kung saan gaganapin ang debut ni ate Kylie.
"Hintayin muna kaya natin si Hale, Aly?" pagdadahilan ko pa.
Ayoko pang pumasok! Naman eh! Nahihiya ako! Sa totoo lang, hindi ako sanay na pumupunta sa mga parties. Naninibago ako. Tapos bawat tao na dinadaanan namin, napapatingin sa akin. Panget ba ako ngayon? Huhu.
Pagpasok namin sa resort, namangha agad ako sa paligid. Ang ganda lang. Open space kasi siya. Meaning, hindi indoor ang debut ni ate Kylie. Hindi sa hall or sa hotel. Kundi sa mismong labas, sa garden ng resort.
Maraming ilaw na nakasabit sa taas ng mga puno. Kaya kung titingala ka, makikita mo agad sila at ang mga bituin. Tapos may pool pa sa gilid. At ang ganda pa tingnan dahil may maroon lights bawat sulok sa ilalim ng tubig.
Wala akong ibang nakita kundi color maroon lang lahat. Ang ganda ng choice ni Ate Kylie sa pagpili ng color.
Pero, ang kaibahan lang, by two's ang mga upuan. May mga high rounded table na hanggang dibidib namin tapos dalawang high chairs in each table. Parang romantic dinner ang itsura. Pero, may sampung malalaking rounded table sa harapan with ten chairs. I wonder bakit ganito ang set-up?
"Naf!"
Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Napangiti naman ako.
"Gwapo natin ah?" sabi ko sabay kuha ng maroon mafia hat niya na nakapatong sa kanyang ulo. Kinuha ko rin yung mafia hat sa ulo ko at pinatong ko sa kanyang ulo. Nagswap kami.
Tiningnan niya lamang ako mula ulo hanggang paa ng hindi makapaniwala. "You colored your hair?" Nanlaking mata niyang tanong.
Ngumiti lamang ako sa kanya at tumango ng nakatungo.
Suot niya yung sweatshirt na maroon na binili namin kahapon. Si Aly naman, nakablouse and jeans, pero nakamaroon coat hanggang tuhod with maroon hat. Tapos, nagpabrown din siya ng buhok.
Ako? Suot ko yung binili ni Ibon sa akin kahapon. Sabi ko sa kanya, babayaran ko sana bukas which is ngayon, pero sabi niya, 'wag na daw. K, fine. Then, nakalugay yung buhok ko pero kinulayan ni Ate Kath ng maroon kanina sa bahay! Baaaakit? Hindi naman ako makapalag dahil tiningnan ako ng masama ni panget kaya pinabayaan ko na lang siya. Tapos, siya din ang nagmake up sa akin at pinahiram niya ako ng jewelries. Pero thank God, hindi ako pinagheels ni Ate Kath.
At yung damit na binili ni MNO sa akin na bigla na lang sumulpot kahapon sa mall ay andoon sa bahay. Like duh, asa naman siyang sususotin ko yun.
Dito kasi sa debut ni Ate Kylie, wag daw yung masyadong formal na suot like gowns and tuxedos. Pwede lang shorts, croptops, jeans and polos as long as maroon, pero pwede rin daw pula kung walang choice. Tapos, kailangan nakamaroon mafia hat lahat ng babae.
"Panget ba?" Tanong ko kay Martin dahil hindi naman siya nagsasalita.
Agad naman siyang umiling. "No. You're gorgeous," agad niyang sabi na ikinabigla ko. "Bagay talaga sa 'yo yang dress na yan."
"Sigurado ka? Or nasobrahan lang?" Paninigurado ko pa.
Natawa naman siya. "Oo nga. Ang ganda mo, promise."
BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Teen FictionIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?