January 12, 2017 Wednesday
XXXXXXXXXXXXX
Mabuti nalang at hindi nila nahalata yung kanina. Hays. Muntik na yung kanina ah! Hihimatayin ata ako dun sa field sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro nga hindi lang ako ang may fan kay Bil Andre kaya akala siguro nila, hindi ako. Pwew.
Ano ba yan! Nakokonsensya na naman ako eh! Ano palang dapat kong gawin? Pupunta sa faculty at sabihing 'Director ako po pala yung nagbigay ng chain letter kay Collin.' Ganun ba?! No way!
Huhu. Ang sama ko na talaga!
Pero kung hindi ko pinasa yung sulat, ano kayang mangyayari sa akin? Patay na kaya ako ngayon?
"Waaaah~!" Bigla kong napahinto ang bike. Muntik na nga akong matumba!
Kasi habang nagmamaneho at nag isip isip, may biglang huminto sa harapan ko at muntik ko ng masagasaan.
"Ano bang prob---"
Uh-oh. Anong ginagawa niya sa harapan ko?
Bigla akong napaatras nung nakita ko kung sino.
Anong kailangan niya sa akin?
Atras lang ako ng atras kasama ang bisekleta ko at siya naman ay lapit ng lapit sa akin. Seryoso yung mukha niya. Habang umaatras, may biglang umupo sa likod ng bike ko. May upuan kasi doon para sumakay kung sino ang gustong umangkas. Pagtingin ko kung sino....
A-anong...? Bakit?! Sinusundan ba nila ako? Ano ba talagang kailangan nila sa akin?! Gusto kong magsalita pero walang lumabas ni kahit isang salita sa bibig ko. Bakit?
Hindi kaya...?
Pero, paano nila nalaman?
Bigla niyang inangat ang kanang paa niya at pinatong sa harapan nung gulong. Seryoso yung mukha niya. Tumingin naman ako sa likod at gayun din siya. Nakaupo siyang nakapandekwatro at nagkukunwari pa siyang walang pakialam at nakikinig lamang.
May gangster sa harapan at may gangster din sa likod ko. Cornered. Ano to? Ambush?!
Gusto kong magtanong kung bakit sila nandito. Pero natatakot ako sa maaari nilang sagot dahil parang alam ko na kung bakit sila nandito sa harapan at likuran ko ngayon.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinabahan na ako. Nanginginig na yung yung paa ko at pinagpawisan na ako ng todo. Hinawakan ko nang mahigpit yung manubela ng bike ko. Baka anung gawin nila sa akin.
"Kailangan nating mag-usap,"seryoso yung pagkasabi ni Kyle habang si Kian naman ay hindi parin umalis sa likod ko.
Patay.
"B-bakit? A-anong kailang---" Pinutol niya agad yung sasabihin ko.
"Baba."
"H-huh?"
"Baba."
"A-anong k-kail---"
"Baba. ka. sa. bike. mo."
Wala akong choice kundi bumaba sa bike ko at inayos yung stand niya. Biglang lumapit si Kian sa akin at hinawakan ang kanang braso ko.
"Sumama ka sa amin."
"P-pero, bak---" Sinamaan ako ng tingin ni Kyle kaya nanahimik na lang ako.
Hila-hila nila yung braso ko. Kanina pa ako tanong ng tanong kung saan nila ako dadalhin pero nanatiling lang silang tahimik at seryoso.
"S-saan n-niyo b-ba a-ako d---dadalhin?" nauutal kong tanong.
Hindi nila ako sinagot.
Kinabahan na talaga ako. As in! Sino ba namang hindi kabahan eh iniwan nila ang bike ko kung saan ako huminto (doon pa talaga sa gitna ng kalsada iniwan) at bigla bigla nila akong hinila papunta sa......

BINABASA MO ANG
The Promise (Editing)
Teen FictionIs there a chance that your life will change in a snap of one hundred days with him?