Chapter 20: Their Connection

32 6 1
                                    

February 9, 2017 Thursday

XXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Salamat," sabi ko sabay tanggap ng tubig mula sa kanya.

Wala pang limang segundo, naubos ko na ang isang basong tubig dahil sa kaba. Umupo naman siya sa harapan ko.

"Ihahatid kita sa bahay niyo."

Tumango na lang ako since ayaw ko namang umuwi ng mag-isa lalo na at gabi na. Mamaya, susundan naman ako ng sasakyan na 'yun. Buong buhay ko, hindi ko inakala na sa kanya ako hihingi ng tulong, after ko silang bulyawan ni Aly.

Medyo nahihiya pa ako sa kanya. After nung confrontation namin kanina sa mall, hihingi ako ng tulong sa kanya? After nung break up namin, nung nasa Skate World kami nina MNO, 'yun na ulit ang time na nagkita kami. Second time ngayon.

"Paano bike ko?" tanong ko sa kanya nung tumayo na siya.

"Ihahatid ko sa inyo bukas ng maaga," tipid niyang sagot at lumabas ng bahay nila.

Napabuntong hininga naman ako. Haist, ano naman ba kasi ang nangyari? Tumayo na lang ako at sumunod sa kanya sa labas. Tahimik akong pumasok sa kotse niya at niyakap na lang ang bag ko. Habang nasa byahe, tahimik lang kaming dalawa. Walang nagsalita sa amin. Ang awkward tuloy.

Pagdating namin sa tapat ng bahay, tinanggal ko na ang seat belt at nakita ko na lang na pinagbuksan ako ni Law ng pintuan. Bumaba na lang ako at humarap sa kanya.

"Salamat nga pala kanina," sabi ko sa kanya.

Tumango lamang siya. "Next time, mag-ingat ka," tumango naman ako. "Yung sa amin ni Aly---"

"Wag muna ngayon," pigil ko sa kanya.

"But, how would you understand kung hindi mo naman kami pakikinggan? Siguro naman, pwede ko na sabihin sa'yo 'to dahil tatlong taon na rin ang lumipas," sabi niya sabay tingin sa paligid.

Tatlong taon ang lumipas? So ibig sabihin, matagal na pala silang magkakilala ni Aly?

"Kakausapin ko siya bukas. Gusto ko sa kanya manggaling ang paliwanag niyo."

Bumuntong hininga naman siya. "Alright," sabi niya. "Pasok ka na."

Ngumiti lang ako ng kaunti at papasok na sana sa gate ng may biglang humintong motor sa mismong tapat namin. Tinanggal niya ang helmet niya at nanlaki agad ang mata ko ng makita siya.

"MNO," bulong ko.

Shet. Anong ginagawa niya dito?

"MNO? Anong ginagawa mo dito?" inosente kong tanong.

Pero, parang hindi niya ako naririnig. Nakatitig lamang siya kay Law. Tiningnan ko naman si Law, nakatitig din siya kay MNO. At nanlaki agad ang mata ko ng may narealized ako.

Sheteng kalabaw naman oh. Bakit ngayon lang tumatak sa isip ko na magkaaway pala silang dalawa?! Remember, nung nag away sila noon sa Skate World? My gad. Bakit ang tanga ko?!

"Uh, Law---"

"Anong ginagawa ng isang Fortaleza sa tapat ng bahay ni Truly?" nabigla ako sa sinabi ni MNO. Tapos, yung way ng pagtanong niya ay parang naiinis na naaasar.

Shet. Don't tell me, mag aaway sila sa tapat ng bahay ko?! Oh my gad. Malilintikan talaga ako ni Mama at Papa nito.

Nakita ko namang nagsmirk si Law. Oh no. Wag ka na sanang pumatol, Law! "Bakit? Ikaw din naman ah, Archer?" sagot naman ni Law sabay lagay ng dalawa niyang kamay sa magkabila niyang bulsa.

Oh no. Nararamdaman ko na talaga ang tension sa kanilang dalawa. Oh please, kung gusto niyong magsuntukan, 'wag dito sa amin!

"Kung may plano kayong magsuntukan, parang awa niyo na, 'wag naman dito."

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon