Chapter 8: Skating

48 13 1
                                    

January 13, 2017 Friday

XXXXXXXXXXXXXXXXX

From Matakaw na Onion:

Wala yung math book at assignment ko.

Wala? Eh kumpleto yun kanina ah!

Reminiscing....Ah! Hindi na pala kasya sa harapan ng basket ng bike ko yung math na libro kasi makapal kaya nilagay ko nalang sa bag ko. Pito na kasi yun. Nakalimutan kong ibigay kanina. Sa Monday na lang siguro. Humiga na ako sa kama at gumulong gulong.

Pagod na talaga ako. Yung kanina, wala akong choice kundi bumaba at bumili ng beef steak na walang onion.

Nagulat pa nga si ateng tindera.
Sabi pa nga niya, lahat daw ng beef steak may onion. Kaya ang sabi ko nalang kay ateng na kunin nalang yung mga sibuyas tapos itapon since hindi naman to malalaman ni 'matakaw na onion'.

Pagpunta ko naman sa rooftop, wala na yung mga ka-gangster ni matakaw  na onion. ('Matakaw na onion' na yung tawag ko sa kanya.) Umalis na siguro. Pinuntahan ko nalang si MNO.  (short for matakaw na onion.)

Flashback

"Oh. Ayan na PO ang beef steak niyo na walang onion," sabi ko sa kanya at nilagay yung plato sa mesa.

Tiningnan naman niya yung beef steak at tumingin sa akin.

"Ano na naman?!" Hindi ko na talaga kaya. Pagod na ako. Tatlong beses na akong akyat baba sa hagdan.

'Makakaalis ka na."

"Okay. Bye," sabi ko na lang at umalis na. Baka magbago pa isip nun at may iuutus na naman sa akin.

Flashback ends

Mabuti pa nga at wala siyang binigay na libro at assignments kanina kasi hindi ko na kaya gawin ngayon at inaantok na talaga ako.

*

January 17, 2017 Monday

XXXXXXXXXXXXXX

"Hale, Aly! May pupuntahan lang ako."

"Saan ka naman pupunta—? Nae!" Tumakbo na ako dahil marami na naman silang tatanungin sa akin.

Bumaba ma ako papuntang likod ng school dahil yun ang sinabi ni matakaw na onion.

Tingin sa kaliwa.

Tingin sa kanan.

"Asan na kaya yung matakaw na yun?" sabi ko sa sarili ko habang hawak hawak yung libro ni MNO.

"Hoy, A. Andito ako," nung narinig ko yung boses niya, tumalikod ako at nakita siyang nakasandal sa puno.

"A?" takang tanong ko sa kanya.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon