Chapter 7: Blackmail

52 12 3
                                    

January 12, 2017 Thursday

XXXXXXXXXXXXXXX

"Anak! Kakain na!"

Hindi pa ako tapos pero nagugutom na ako.

"Sandali na lang to Ma!"

Tiningnan ko yung katabi ng mesa ko.

Waah! Ang dami pa pala! Kailan kaya ako matatapos neto? Pero sa dahil nagugutom na talaga ako, bumaba na ako at pumunta sa dining area. Ayun, kain lang ako ng kain. Si Zee naman, ayun pinapakita niya yung mga scores niya. Exam eh.

"Ang galing mo talaga anak!" Si Mama.

"Oo nga! Dahil diyan may extra kang allowance bukas!" Si Papa naman.

"Teka pa! Ako pala! Dapat meron din ako!" Magpapatalo ba naman ako eh ang laki laki ng mga scores ko sa mga quizzes at summative ko.

"Anak naman, kuya mo muna ang uunahin namin. Tingnan mo ang score niya oh!" At binigay ni papa yung test papers ni Zee.

"Pa naman! 79?!" WTF?! 79?! Eh bagsak yan eh!

"Nae naman, alam mo naman yang kuya mo. Dati may 60, ngayon wala na! 79! Malapit nang mag 80! Saan ka pa?" Si Mama.

"Whatever," sabi ko tapos binilisan kong kumain at pumunta na sa kwarto ko.

Argh! Kainis naman oh! Ano pa nga bang magagawa ko eh spoil brat yung panget na yun eh. Hayyss. Tiningnan ko naman yung nasa mesa ko. Isa pa to eh! Ang malas ko talaga! Dalawang assignments pa ang natapos ko, may anim pa! Siguro kung akin to, 1st honor na talaga ako neto! Umupo na ako sa upuan at binuksan ang pangatlong libro.

Mathematics pa talaga. Bobo ako sa math! Paano na 'to? Patay talaga ako neto! Hays, bahala na nga.

Nagtaka kayo no kung anong nangyayari sa akin?

Yung matakaw kasi na yun, iba ang meaning ng FRIENDSHIP niya eh. Ano kayang dictionary ang ginamit nun? Bakit ba kasi naniwala dun sa matakaw na yun eh!

Flashback

"And since magkaibigan na tayo, kunin mo yung mga libro ko dun sa gilid," sabi niya sa akin at tinuro yung mga libro sa nakita ko kanina.

Anong connect? Tumayo ako at kinuha yung mga libro at ipinatong sa mesa.

"Aya na," sabi ko.

"Sagutan mo lahat ang mga assignments ko."

Ano daw?

"Huh? Sagutan? Para saan?"

"Assignments nga diba?"

"Bakit ako ang gagawa niyan?"

"Ayaw mo? Ok lang. Baka bukas malaman mo na nasa hospital na si Kurt.

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon