Part 1

4.8K 61 3
                                    

Part 1: I begin with a BANG!

I'm trying to get up right now. Seeing the sunlight shines on to my face and the window is bringing the winds from outside. Ang ganda bang pakinggan? I guess, oo. Pero ang gusto ko lang namang sabihin, 'Gusto ko nang bumangon at umaga na.'

I'm taking the chances now. Chances? Chances na magkaroon ng happy life sa nilipatan namin ngayon. Kinakabahan ako dahil this is the first time that we have transferred to another place. Wala naman akong magagawa dahil no choice na rin ako.

Last Sunday na rin pala ng May. Next week, June na. Hindi ako gano'ng ka-excited na pumasok dahil baka kung ano naman ang mga mangyari sa 'kin. Ako 'yung taong hindi naman pansinin. Sadyang napapansin lang ako dahil matalino daw akong bata. Thankful naman ako at may utak ako. Seeing myself on the mirror, I'm skinny. Ang pale pa ng balat ko. Pero ngayon namumula na siya, sabi ni mama. Another thing, sabi naman ni papa, tumataba na daw ako, and that's a good thing. Well, thanks for that compliment.

“Kedd, anak?” mom said while knocking the door.

“Mama, gising na po ako.” I uttered with a weakling voice.

Mama opened the door and suddenly sat beside me.

“Anak, payakap nga?” then she gestured that she's hugging me.

“Mama, I love you.” I softly said on to her ears.

“Love you too, anak.” at kumalas na siya sa pagkakayakap niya.

“By the way, kain na po tayo?”

“Tara na!” and we rushed downstairs.

A week later. Nagsimula na ang pasukan. Naglalakad na ako papasok sa school kasama sina mama at papa. Ang sweet talaga nilang mga magulang sa akin.

“Anak, huwag kang lalandi sa loob ng school, huh?” paalala ni mama na nagpatawa sa akin.

“Kung may lalakeng mambu-bully sa'yo, isumbong mo agad sa 'kin. Maliwanag ba 'yon?” sabi naman ni papa na naka-uniform na pang-sundalo. Didiretso na kasi si papa sa trabaho niya pagkahatid niya sa akin.

“Mama, papa, ang sweet! Salamat po sa mga paalala!” then niyakap ko muna si mama tapos si papa.

Matapos ang nakakatuwang moment namin ay umalis na sila. I'm still here at the quadrangle of the school dahil hahanapin ko pa ang section ko. Ang nakalagay sa registration form ko ay 'III-Aquamarine'. Nakakatuwa naman dahil birthstone ko pa ang section ko. Is this a coincidence? Kung oo, ang galing naman!

Sa paglalakad ko, nakita ko na lang ang placard na ang nakalagay ay section ko. Agad-agad akong pumunta doon at pumila agad ako dahil kailangan. Mahirap nang maligaw. Besides, I'm not that used to this place.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon